Chapter 1

999 38 6
                                    

Yuri's POV
"Di mo alam dahil sayo ako'y di makakain, di rin makatulog buhat ng iyong lokohin!"

Nagising ako dahil sa ingay ng nag vi-videoke sa may kalapit na bahay.

At dahil may pasok din naman ako nag-ayos na ako, mas mabuting maaga kesa late diba?

Matapos kong mag-ayos kinuha ko ang bag ko na tatlong taon ko ng ginagamit.

Paglabas ko ng bahay bumungad sa akin si Itay na nakikipag-inuman. Aga-aga, umiinom agad.

Naglakad ako palayo sa iskwater's area, palayo sa tirahan ko.

Oo nakatira ako sa iskwater's area, mahirap lang kami pero kung ibabase mo sa pangalan ko ang pag jujudge sa akin eh magmumukha ako ng mayamang hapones.

Yurika Megumi Gonzales, sosyal?

Otaku kasi si nanay noong highschool pa siya.

Nasaan ngayon si nanay? Well, isa siyang yaya sa Zambales. Ayaw kong pinag-uusapan ang nanay ko. Although marangal ang trabaho niya, I hate it na katulong siya.

Hindi ko namalayan na nasa school na pala ako. Nag-aaral ako sa isang public school dito sa Bulacan. 2nd month ko na sa last year ko sa highschool.

Time passed at uwian na namin. Wala akong maiikwento about sa school dahil wala naman akong mga kaibigan.

Pagdating ko sa may bungad ng lugar namin eh walang tao. Pagdating ko sa may malapit sa bahay namin eh nakita ko ang kumpol ng tao.

"Aling Ena anong meron?" Tanong ko sa nasa bandang likod.

"Naku Yuri! May hinuhuli ang mga pulis dito! Hindi ko lang alam kung sino." Sagot sa kin ni Aling Ena.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko pa medyo may pagchismosa din kasi ako.

"Nagnakaw daw ata sa jewelry store at nakuhanan ng mariwana!"

Sumingit ako papasok sa mga tao para makita kung sino yun.

Napaupo ako sa gulat ng makita ang tatay ko na hinuhuli kasama ang kaibigan niya na si Mang Pedring.

"Bawal dito! Sino ka?" Tanong ng isang pulis.

"Anak po ako ng isa sa inaaresto."

"Sumama ka muna sa presinto."

Dinala ako sa presinto at tinanong ng kaunti. Maya-maya ay dumating si nanay.

"Anak! Ayos ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng tatay mo?" Tanong niya sa akin.

"Kayo po ba ang asawa ni Jose Gonzales?" Tanong ng police officer kaya tumango si nanay.

"May mga itatanong lang po kami." Sabi ulot ni Mr. officer at isinama si nanay sa interrogation room.

Maya-maya ay lumabas si nanay at si Mr. officer.

"Anak nasa iyo na ba ang mga gamit mo?" Tinanguan ko lang siya.

"Dun muna tayo sa amo ko titira, malaki naman ang mansion nila."

"Sa Zambales?!" Pasigaw na tanong ko.

"Oo anak dun muna tayo pansamantala."

"Paano ako mag-aaral?"

"Anak, wag muna." Wala akong nagawa kundi tumango.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon