Chapter 27: The Day

56 6 3
                                    

Light's POV

Nagising ako sa kwarto ko na napakasakit ng ulo ko. Wala rin akong matandaan sa nangyari kagabi pero sigurado ako na nagawa ko ang plano ko.

Magiliw akong nagpunta sa sala at kinuha ang Video Camera. Di ko pala nai-stop yung video kaya yun ang una kong ginawa.

Matapos nun ay chineck ko kung na-save ito. And it is kaya patalon talon akong nagpunta sa may dining area.

"Goodmorning! Wag kayong male-late pumasok sa Monday ha? May pa-film showing." Bati ko sa dalawa. Nagtinginan naman sila na parang nagtataka.

"Monday? Masyado ka naman atang excited Light, Sabado pa lang ah?" Kunit na noo-ng tanong ni Keegan. Ngumiti ako sa kanya bago ko siya sagutin.

"You two will be surprised kung sino ang bida."Especially you Megumi.

"And by the way may aalis sa school this Monday." Dahil sa pagkapahiya...

"Bakit kami magugulat sa bida?Kpop ba yan?" Tanong ni Keegan na ikinakunot ng noo ko. Kaye Pop? Who is that?

"Hindi ko kilala kung sino si Kaye Pop pero sigurado ako na hindi siya yung bida." Ngiti ko sa kanya.

Matapos kong kumain ay naligo ako dahil pupunta ako kayla lolo, I'll tell them na prepare the gymnasium para sa film showing on Monday.

Kung hindi siya umalis sa school dahil rito sa video, Ewan ko na lang kung ano ang magpapaalis sa kanya.

~•~•~•~•~•~•~•~•~

Yuri's POV

"5:34am" Basa ni Keegan sa orasan sabay pabagsak na humiga sa sofa.

"Bakit kasi ginising mo kami ng pagka-aga aga Light?" Tanong ko kay Light. Paano ba naman anong oras pa lang nambubulabog na.

"Sorry naman I just got really excited 'cause you know yung film showing nga diba." Paghihinging patawad ni Light.

"Hindi na ako makakabalik sa pagtulog." Sabi ni Keegan atsaka sumimangot.

"Hayaan mo na Keegan, ayaw mo nun maaga tayo." Sabi ko na lamang sa kanya.

"Ano pa nga ba? Makaligo na nga lang." Sagot nito sabay lagay ng towel niya sa kanyang balikat.

"I'm really sorry." Sabi ni Light pagkaalis ni Keegan papuntang banyo.

Nginitian ko lang siya bago siya nagpunta sa kwarto niya. Wala ba siyang maalala sa nangyari nung Friday night? Parang masyado siyang casual.

Nakakataka na talaga iyang film showing na yan. Nung Saturday pag gising niya ay sinabihan niya kami doon habang kumakain kami ng agahan. Tapos kahapon naman, Linggo ay ginising niya rin kami ng pagka-aga aga baka raw ma-late kami.

Like seriously? Linggo tapos may pasok? Masyado na talaga siyang excited sa film showing na yan. I wonder kung bakit...

"Yuri!!" Napalingon ako sa may banyo at nakita si Keegan na naka-uniform na.

"Ambilis mo naman ata?" Sabi ko sabay ayos ng upo at kuha sa tuwalya ko.

"Huh? Mabilis ba yun?" Tanong niya habang naglalakad papalayo sa comfort room.

Masyado bang malalim ang iniisip ko?

~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Light! Tara na!" Sigaw ko mula sa labas.

"Mauna na kayo! Susunod na lang ako!" Sigaw nito. Tumingin naman ako kay Keegan na nagkibit balikat lang.

Parang kanina lang ay sobrang excited niya to the point na ang aga kaming ginising tapos ngayon ay pinapauna niya kami.

Hinayaan ko na lamang siya at nagsimula na kaming magtungo ni Keegan sa room.

Pagdating namin doon ay agad kaming sinalubong ni Caden.

"Yuri!" Tawag niya sa amin samantalang tinanguan lang kami ni Francis.

"Sinabi na ba sa inyo ni Light yung film showing? Sabi sa akin sa harap daw ako mauupo, tabi-tabi tayo ha?" Dugtong nito sa sinabi niya.

Napairap naman ako. Gandang umagang bati ah.

"Goodmorning rin Caden." Malamyang sagot ko. Ka-imbyerna na nga na ginising kami ng pagka-aga aga. Tapos iyan pang si Li— iyan pang film showing ni Light ang bukang bibig niya.

"Hehehe... Morning Yuri . Sorry naman at late yung pagbati ko gusto ko kasi agad sabihan ka na dapat tabi tayo sa film showing mamaya." Inirapan ko lang siya at umupo sa upuan ko. Wala pang ilang segundo ay may narinig akong naupo.

"Basta tabi tayo ma—" Naputol ang sinabi ni Caden nang tumunog ang speaker.

'To all the students please proceed to the gymnasium now.'

Agad naman kaming tumayo at nagpunta sa gym. Wala na ngang pila pila ang mga estudyante. Paunahan na lang sa gym.

Pagdating namin sa gymnasium  ay may mga naka-ayos na upuan. Agad naman akong naupo sa pinakalikod.

"Yuri?" Sulpot ni Keegan.

"Keegan dali tabi ka sa akin." Sabi ko sa kanya at hinila pa siya.

"Akala ko ba ay magkakatabi tayong apat doon sa harap? Hinahanap ka nga ni Caden habang pinabili niya ako ng pagkain." Sabi ni Keegan.

"Hayaan mo sila doon. Magsama pa sila ni L—"

"Ni Light? Hay naku Yuri. Nagseselos ka ba?" Halos mahulog ako sa upuan ng sabihin iyon ni Keegan.

"Anong selos? Di ako nagseselos ahhh. Bakit naman ako magseselos?" Sagot ko with matching cross pa ng kamay ko.

"Masyado kang defensive. Aminin mo mahal mo siya noh?"

~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N: *Dun Dun Dun~ 🎶 * Bitin ba?Hahaha! Nais ko nga lang palang sabihin na malapit na ang pagtatapos ng Choice. Thank you very much sa pagsupporta!

-Ate Niyong Awtor

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon