Chapter 9: Family Day

328 16 0
                                    

Yuri's POV
"YURIKA!!!!!" Bati sa akin ni Keegan.

Tapos na ang isang linggo. Natanggal na yung cast ko sa paa. Yung ulo ko na lang ang di maayos.

"Aga-aga nag-iingay ka.Kaimbyerna ka Keegan." Sabi ko at umarte pang naiinis.

"Sorry naman." Sabi niya tapos ay nagyakapan kami.

"Hahaha! Miss mo na ako noh?" Tanong niya.

"Hindi." Pambabasag ko.

"Ouch besh." Sabi niya sabay hawak sa dibdib na parang nasasaktan kunwari.

"Syempre namiss kita!" Sabi ko ulit.

"Eysshhh! Kinilig naman ako dun."

"Yup miss na miss na kita. Hindi kana nagpupunta sa bahay nila Caden para ibigay yung notes at assignment." Pambabasag ko ulit sa kanya.

"Kanina ka pa Yuri ah!" Sabi niya sabay pout. Ohhh! Why so cute my besh?

"Oh ito na yung lectures at assignment." Abot niya sa notebooks niya nang nakapout pa din.

"Joke lang! Syempre napahiram na sakin nila Caden yung kanila."

"Ehhhh!!! Anduga mo talaga lahat na lang ng pogi dito sa V.A. kaibigan mo! " Srysl? Pogi? Tawa na kayo galing talaga magjoke ng bestfriend ko!

"Pogi? Baka pogita kamo. Mas mukha pa silang lamang dagat!"

"Heh! Ewan ko sayo hindi ka marunong mag appreciate. Ang sasarap na ng nasa harapan mo eh!"

"Harapan ko? Yup masarap nga! Gusto mo? Malunggay na pandesal toh." Sabi ko sabay kuha sa pandesal sa paper bag na hawak ko.

Bigla namang umirap tong si Keegan at nagwalk out. Hahaha! Sarap inisin!

Napatingin ako sa upuan nila Francis. Ngumiti sa akin si Caden habang si Francis ay tinanguan ako.

"KYAAHHHH!!! JANA NAKITA MO YUN? NGUMITI SI CADEN SA AKIN!" Tili ng babae malapit sa akin.

"TAPOS TINANGUAN AKO NI FRANCIS! YAHHHH!!"

"HOY! MGA BRUHA KAYO! AKO KAYA YUNG NGINITIAN!"

Well dream on girls.

"Nandyan na si mam! Galing ata ng Faculty Lounge kaya late." Salubong ni Keegan na nag walk out kanina.

"Baka nag meeting teachers di naman nale-late iyang si Ma'am Castillo." Bulong ko dahil nasa harap na si mam.

"Baka nga." Sabi niya at umayos na ng upo.

"Goodmorning class!!" Bati ni ma'am na sobrang sigla akala mo last day niya na sa earth -.-

"Goodmorning ma'am."

"Well classes is cancelled today for the preparation of a program that will happen on Friday." Kaya pala hyper ni ma'am. Walang pasok tapos may program pa sa Friday.

"Ano kaya yun?" Rinig kong tanong ng isa kong kaklase. Ewan, mo kaya kay ma'am wag sa katabi mo sa tingin mo may alam yan?

"Baka Foundation week!"

"Gagi! Foundation week? Next year pa yun."

"Eh ano Christmas party?" Tanga -.-

"Anong Christmas party? August 4 pa lang!"

"Eh ano? Christmas Break?" Mas tanga -.-

"Gago! Ang haba naman!"

"Ako alam ko!"

"Ano yun Dan?"

"Di kase kayo nag-iisip. Wala pang December diba kaya hindi Christmas party or break baka Valentines day!" Pinakatanga —.—

"Guys tahimik na. Do you want to know na ba?"

"Opo!"

"We will be having family day on Friday!!" Dahil dun sa sinabi ni ma'am napalingon ako kay Keegan na nakatingin na rin sa akin.

What will happen if they find out na hindi ako mayaman?

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
A/N: A very short update.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon