Chapter 5

71 2 1
                                    

Micah's POV

Leon: "Okay, sabihin na nating may inilibing kang diamond ring sa ilalim ng puno noon. Pero sinabi mo ring may shooting star na huminto at nagpabalik-balik ng tatlong beses! At ang magnanakaw ay nahulog mula sa langit at ninakaw ang singsing sayo? And yet, iniwan nila ang pitaka mo?"
Micah: "Sinabihan kita, yun ang totoo!"
Leon: "Gusto mo ba ng baso ng malamig na tubig? Oh wait, hindi nya pala gusto ang malamig na tubig. O di kaya mainit na tubig nalang?"

Aaron's POV

Nakaupo parin ako ng dumating si Jason

Aaron: "Saan ka galing?"
Jason: "Nagkokolekta ako ng mga impormasyon sa mga tao at naghahanap ng matutulugan natin ngayong gabi. Pumunta na tayo. Nakahanap na ako ng sapat na lugar para sa atin ngayong gabi. Malapit din ito sa tubig."
Aaron: "Hindi na kailangan. Bumalik na ang kapangyarihan ko"
Jason: "Talaga?"
Aaron: "Itong tubig na nasa gilid ko ay sumunod sa aking utos at pumaitaas ito"

Sinabi ko pa yon ng may taas ng noo

Jason: "Tama nga ako. All right, then. Gawin mo yang ginto"

Binigay nya sa akin ang isang bato at kinuha ko naman ito at sinimulan ko ng gawin itong ginto. Excited namang naghihintay si Jason, inisa-isa kong buksan ang aking kamay. Pero pagbukas ko ganun parin, isa parin itong bato. Nagtataka kami lalo naman ako.

(Sa may tabing lawa)

Jason: "Ito na ang pinakamalapit na lugar na malapit sa tubig, so i'm sure magiging komportable ka. Nandito na tayo"

Ipinakita nya sa akin ang isang lugar na malapit sa tubig at napapaligiran ito ng mga salbabida. Meron namang isang salbabida na parang anyong bahay, yung pwede mong tulugan.

"Nahipan ko na yan. So huli na"

Hinawak-hawakan nya ang kanyang panga, sakit siguro iyon sa paghihipan nya ng salbabida. Binigay ko sa kanya ang card na binigay nung lalaki sa akin ng hindi tumitingin sa kanya

Aaron: "Isang lalaking tao ang nagbigay nito sa akin at sinabi nyang bumisita ako"
Jason: "Nakipag-usap ka sa tao? Oh, sinabihan kitang wag kang magsalita ng kahit na ano sa kanila"

At tinitigan ko sya ng masama, kaya napahinto sya sa kanyang sasabihin, tinignan nya naman yung binigay ko sa kanya.

"[Happy Psychiatric Clinic, Nurse Leon Doyle]?"
Aaron: "Ano?"
Jason: "Oh, binabasa ko lang ito. Hindi mo alam ang bumasa ng lengguwahe ng mga tao noh?"

At hinablot ko sa kanya ng pagalit yung papel at binalik ko sa aking bulsa

"Matulog ka ng mabuti, my lord. Babantayan kita buong gabi"

At umupo na nga ako sa salbabidang bahay

"Para sa coordinates naman, ipagpapatuloy ko ang paghahanap pagdumating na ang umaga"

At nagbow na sya sa akin, at umupo narin sya sa kabilang salbabida na may design ng swan. Naalala ko yung sinabi ni Jason sa akin noon "Ang kahit ano sa mundo ng mga tao ay nasosolve gamit ang pera". At naalala ko rin yung tagpo namin nung babae
Aaron: "Tinatanong kita kung ano ang kailangan mo" ang sagot naman nya ay "Peeerrraaa?"

Mali ang tinuro sakin ni Jason hindi nya alam ang tamang pagbigkas noon, kaya sinabi ko sa kanya ang tamang bigkas

Aaron: "Hindi "Pera", kundi "Peeerrraaa" you idiot, tsk tsk tsk"

Napabuntong hininga nalang ako

Micah's POV

Naglalakad na ako papunta sa bahay ko dito sa madilim na kalye, tinignan ko muna sa labas ang aking bahay.

Bride Of The Water GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon