"Ang ginagawa mo lang ay umupo sa iyong silya...pero wala kang intensyon na tulungan ako"
Micah: "Hindi yan totoo. I..."Bumibigat na ang paghinga ni Micah at nanginginig na rin sya habang nakatingin sa tubig, napapaatras na rin sya. Napatingin na sa kanya si Aaron
Micah's POV
(14 yrs ago)
Nasa tulay ako ngayon habang tinatawagan ko si papa, umiiyak na ako dahil ring lang ng ring ang kanyang telepono
"Dad. Pakiusap"
"The number is unavailable. Please leave a message after the tone"Napaupo na lang ako at umiyak, napatingin ako sa malawak na ilog
"Pagsisisihan mo ito forever"
Itinapon ko ang cellphone ko, at tumayo ako sa may side ng bridge, ang nakasulat sa bridge na ito ay "Whether it may be a relationship with one's parent...". At tuluyan na nga akong tumalon, ng nasa ilalim na ako ng tubig ang natatanaw ko nalang ay ang liwanag ng buwan. "Pakiusap...pakiusap iligtas mo ako. Pakiusap iligtas mo ako". Pinipilit kong umahon pabalik pero hindi ko magawa. "Pakiusap...pakiusap, pakiusap iligtas mo ako. Dad...Dad!" Hanggang sa nawalan na ako ng malay. Pinagsisihan ko yun, malamig at madilim, at gusto ko ng tulong...pero walang kahit na sino. Hanggang sa pagmulat ko nasa pampang na ako ng gabi ding iyon, kapos na kapos ako sa hininga. Hindi ako makahinga ng maalala ko na naman iyon
Kasper: "Anong ginagawa mo? Mamamatay na ako! Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako? Sa tingin mo ba ako ay nagjojoke? Hindi mo ba naisip na gagawin ko yun? Fine, live a great life sa maduming mundong to!"
At wala syang isip isip at tumalon nga sya sa tubig
Micah: "Hindi. Hindi! Hindi, Kasper! Hindi..."
Kinakapa ko sa aking bulsa ang aking phone, hanggang sa nahulog ito, pinulot ko yun. Pero hindi na ito umandar, umiiyak na ako at sobrang nanginginig
"Hindi"
Kasper: "Iligtas mo ako! Iligtas mo ako!"Kapa lang ng kapa si Kasper sa tubig, nalulunod na talaga sya
Micah: "Kasper!"
Kasper: "Doctor Micah, iligtas mo ako!"Pakiusap... pakiusap iligtas mo sya. Dad...
Micah: "Hindi, pakiusap..."
Gusto kong tumakbo papunta sa kanya pero pag tumayo ako natutumba ako. Sadyang nanghihina ang aking tuhod, pero pinipilit ko paring tumayo
"Hindi. Hindi..."
Kasper: "Tulong--"
Micah: "Hindi!"Hanggang sa lumubog na talaga si Kasper, wala akong magawa kundi ang umiyak lang pero pinilit ko paring tumakbo. Nang nasa harap na ako ni Aaron ay pinigilan nya ako
Aaron: "Ang babaeng ito hindi nag-iisip bago kumilos. Hawakan mo ito. Masyadong maingay. Gusto ko kayong dalawa ay umalis sa pamamahay ko"
Ibinigay nya sa akin ang manok na hawak nya
"Hindi ako pupunta sa maduming tubig"
Ng binitawan nya na ako ay natumba ako, sadyang mahina talaga ang tuhod ko
Micah: "Hindi!"
Biglang tumalon si Aaron sa tubig
"Hindi! Hindi! No, pakiusap lumabas ka...pakiusap lumabas ka...pakiusap lumabas ka, pakiusap...patawad. patawad... patawad sa lahat..."
Ang ulo ko ay nasa lupa na umiiyak na ako ng sobra sobra
Aaron: "Tumigil ka sa pagiging maingay mo"