Jason: "Sa tingin ko hindi ako nasaktan. Hindi ako nasaktan"
Napapasimangot nalang si Jason
Aaron: "Go"
At lumapit sa amin si Micah
Micah: "Hindi, mas madali kung ako ang aalis"
Hinila ko yung kamay nya at sapilitan ko syang pinapasok sa loob ng kotse
"Oh my! Sandali, excuse me!"
Jason: "Hindi ko nga alam kung saan yun matatagpuan"Napapasinghot-singhot nalang si Jason, at nakasimangot syang umalis, bigla namang lumabas yung babae
Micah: "Excuse me!"
Jason: "Yes?"Yung mukha ngayon ni Jason ay sobrang saya kasi akala nya hindi na sya paaalisin nung babae
Micah: "Ito ang license plate number ko at ang insurance policy number at ito ang pera ko para sa gas... sandali lang"
At may kinuha sya sa likod ng sasakyan isang lalagyan at ibinigay nya ito kay Jason
"Ito. Muntik ko ng makalimutan"
At nagbow na sya kay Jason
Jason: "Okay"
At umalis na nga si Jason ng may malungkot na mukha, so kami nalang dalawa ngayon. Tumingin sa akin yung babae at tinignan ko naman din sya, pero agad nya ring binawi yung tingin nya. Sinarado na nya yung likod ng sasakyan at pumasok na sya sa loob
Micah's POV
Nandon lang yung lalaki sa labas nakatayo
Micah: "Bakit...ang malas ko ngayon?"
Ipinikit ko nalang ang aking mata, sa sobrang pagod ay nakatulog na agad ako
Aaron's POV
Nandoon lang sya sa loob at himbing na himbing na sa pagtulog, nandito lang ako sa labas nakatayo
"Excuse me!"
Mukhang gising na ata yung babaeng yun, tinignan ko sya
"Maghintay ka nalang sa loob ng kotse"
Sinunod ko yung sinabi nya at papunta na ako sa loob ng magsalita ulit sya
"Ok lang ako dito sa labas, so magpahinga kana"
Aaron: "Ang pangalan ko ay Aaron, hindi "Excuse me" ako ang god ng water, at ang magiging hari ng Water Country at ang magiging emperor ng Real ng mga Gods at ako ang iyong pagmamay-ari...Aaron "Micah's POV
Napatanga na naman ako dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking toh
Micah: "Gosh, nakakalimutan ko na isa syang pasyente. Excuse me, pasyente... i mean, Aaron. Bakit mo iniisip na ikaw ang water god?"
Aaron: "Anong klaseng tanong yan? Then ano ka? Bakit mo iniisip ang sarili mo na tao?"Napatanga na naman ako doon
Micah: "Fine. Then, ano ang god ng water?"
Aaron: "Ano ang gusto mong gawin sa akin? Bilang tao, gusto mo ba na turuan kita ng leksyon? Parang gusto mong pag-usapan ang principle ng mundo. Makinig kang mabuti. Ang god of water, ang god of the sky, at ang god of earth kami ay...kalikasan. Ako...kalikasan"Sinabi nya yun ng may paghawak pa sa kanyang dibdib
Micah: "Natural na tao?"
Aaron: "Ako ay kalikasan"
Micah: "Natural na tao?"
Aaron: "Ako ay kalikasan, at ang taas jan...ako ang pinaka natural sa kalikasan."