Micah's POV
"Excuse me"
At napatingin silang lahat sa akin, yung teller naman ay napatayo
Teller: "Sinabi ko sayong maghintay!"
Micah: "Ng gaano pa katagal? Ang ginawa ko lang ay maghintay simula pa kaninang umaga. Ang gusto ko lang naman ay ang extension sa aking loan"Napahawak nalang sa dibdib nya ang teller
"Ganun ba talaga yun kahirap gawin? Bakit ka umiikot-ikot sa buong lugar na dala ang aking personal information?"
Napalapit na sa akin ang teller at pinapalabas ako
Teller: "Di kaya...di kaya maghintay ka sa labas?"
At tinabig ko ang kanyang kamay at nahulog ang mga papel na hawak nya at nagulat sya sa ginawa ko
Micah: "Hindi ako maghihintay! At bakit ako nakakuha ng seven percent at nakakuha sya ng one percent?"
Habang tinuturo ko ang lalaki sa tabi ko
"Bakit kayo naga discriminate?"
Teller: "Well, yun ay dahil---"
Micah: "Alam ko. Nakuha ko. Pero sobra nato! Ang pinagkaiba ng seven at one percent ay sobra na!"Enzo: "Pakiusap tulungan mo muna sya. Ipagpapatuloy nalang natin ang ating pag-uusap sa pamamagitan ng aking finance team mamaya"
At tumayo na nga sila
President ng Bangko: "Sandali, President. Wag kang umalis"
Teller: "Humingi ka ng tawad sa presidente!"At napahinto ang tinatawag nilang presidente pagkarinig non
Micah: "Anong sabi mo?"
Teller: "Nagulo sya dahil sayo na bastos na pumasok!"
Enzo: "I don't agree with that, kasalanan mo yun dahil sa pag eexpose mo ng interest rate ko sa ibang kliyente. Sa tingin ko ikaw ang humingi ng tawad"
Teller: "Pardon?"At tumingin na sya sa akin
Enzo: "Gagawa ako ng pakiusap sa bangko para makuha mo ang loan na gusto mo"
Micah: "Bakit mo naman yun gagawin?"
Enzo: "Simple lang dahil galing ito sa kabutihan ng aking puso. At tigilan mo na ang paghaharass sa mga employees tungkol sa interest rates at magtrabaho ka ng matyaga para magkaroon ka ng pera"At umalis na sya pagkatapos nyang sabihin yun, hinabol naman ito ng Teller. Naiwan akong tulala sa mga sinabi nya, huh!, nanggigigil talaga ako sa inis
(Parking Lot)
Leon's POV
Nagbibigay ako ng mga card ng aming clinic sa mga taong dumaraan
Leon: "Pakiusap bisitahin nyo ang aming clinic. Pakiusap bisitahin nyo..."
Binigyan ko ng card yung lalaking may kausap sa telepono
"Pakiusap bisitahin nyo"
At nakita ko yung card na binigay ko sa kanya ay pinampunas nya ng tae ng ibon ng kanyang sasakyan
"Hoy, sandali!tigil!"
May tae na nga yung card
"Ahh!! Bakit mo pinampunas ng tae ng ibon ang aming business card? I mean, bakit?"
At may biglang dumating na mga lalaking na suit din
Enzo: "Anong nangyayari?"
Driver: "Wala yon"At dumating na din si Micah
Micah's POV
Micah: "Anong nangyari?"
Leon: "Bakit mo pinunas yun gamit ang aming business card?"