Chapter 1:Pagbabago

41 3 0
                                    

Isang pagbabago sa buhay ng pamilyang Santos. Pagbabago mula sa buhay nila noon. Malayo sa tinitirahan nilang maingay, puno ng polusyon at masikip. Masayang masaya ang pamilya Santos na lilipat na  sila sa bago nilang tirahan. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin. Isang condo, kung titingnan ang condo ay kakaunti lamang ang nakatira at maraming kwarto o condo na abandonado na. Nakatira sila sa pang apat na building ng condo sa 3rd Floor,malayo na sa gate ng condo.Ganoon lamang kasi ang kayang rentahan ng magkapatid na nagtatrabaho.

Apat na magkakapatid na sina Jake Ace Santos isang cooker sa Restaurant sa Maynila na panganay, si Claire Marie Santos isang Nurse sa Pasay, si Ivy Joy Santos na isang 3rd year collage sa kursong Engineer, at si Mica Sophia Santos na Grade 10 student.

Isa si Mica natuwa na lumipat sila."Nay, ang ganda ng nilipatan natin, tatlo ang kwarto at malawak" ani niya sa kanyang ina. Kitang kita sa kaniyang mata ang pagiging masaya.

Sama-samang nag-ayos ang pamilyang Santos. Mabilis na tumakbo papuntang kwarto si Mica.

Pagpasok ay agad niyang napansin ang isang kabinet na malaki at luma sa tapat ng kama niya.Nilapitan at pinagmasdan dahil kakaiba ang disenyo.

Sa kakatitig niya ay di niya napansin si Jake na pumasok.

"HUY! Ano yan" gulat na sabi sa bunsong kapatid."Bakit titig na titig ka diyan?"tanong sa kapatid.

"Ahh wala! Nakakapagtaka kasi ito lang yung naiwan dito" sagot ni Mica sa kapatid. "Baka mahirap ilabas kaya iniwan na lang".

Lumabas sila ng kwarto upang mag-ayos. Umabot na ng gabi ang pamilya Santos sa kakaayos.

"Nako!Madilim na pala di natin namalayan, kumain muna tayo" ani ni Claire sa magkakapatid.

"Kumain na kayo!"pasigaw na sinabi ng kanilang Ina.

Naghanda ang kanilang Ina ng Adobo. Sabay sabay nagdasal at kumain. Napatigil sa pagkain si Mica nang bigla nanaman pumasok sa isip ni Mica ang kabinet sa kanyang kwarto.Napansin ito ni Ivy sa pagtigil ni Mica

"Bakit Mica?"tanong ni Ivy.

"Ahh, kasi ate yung kabinet" sagot ni Mica.

"Ahh! Anong meron sa kabinet?"

"Ahm! Wala naman ate!"

"Tama nayan, kumain kayo ng maayos"sabi ng kanilang Ina sa dalawa.

Nagpatuloy sa pagkain sina Mica at Ivy. Inalis na lang sa isipan ni Mica ang kabinet.

Natapos ang kainan ng pamilya. Naisip ni Claire na lumabas sila ngunit di sumama si Mica dahil ginusto na lamang makinig sa radyo ng mga musika.

Naiwan sa bahay ang mag-ina.
"Nak, una na ko matulog sa inyo, hintayin mo na lang yung mga kapatid mo."ani ng kanyang Ina kay Mica."Sige nay, matulog na po kayo." sagot ni Mica.

Pintay na lamang ni Mica ang radyo at naisip niya na magbasa na lamang ng libro habang hinihintay ang mga kapatid niya.

Tinamad na siya sa kakabasa ng libro at sa kakahintay sa kapatid niya. Bigla niyang naisip na makinig na lamang sa mga kanta ni Regine, Taylor at ng Coldplay sa cellphone ng kanyang kuya.

Alas dose na at hindi pa rin dumadating ang mga magkakapatid. Natapos na lahat ng kanta ay wala pa rin.
Nagtungo na lamang sa kwarto at napatingin muli siya sa kabinet.

"Ano ba ang laman nito?Bakit ba lagi akong napapatingin at napapansin?"tanong sa sarili ni Mica habang nakatitig at naglalakat papunta sa kabinet.

Bubuksan na niya sana ng may kumatok na sa pintuan.

"Ma, Mica yung pinto pabukas"
sigaw ni Jake habang kumakatok.

Nagtungo na lang sa pinto upang buksan at sabay sabay ng natulog ang mga magkakapatid.

Magkakasama ang tatlong babae na sina Claire, Ivy at Mica sa isang kwarto at sa sala naman natulog si Jake.

Ngunit hindi makatulog si Mica.Maraming iniisip at tila nasisikipan sa dalawa niyang ate.

Lumabas na lamang siya upang uminom ng gatas kasama pa ang tinapay na natira nila kanina. Magulo pa ang kusina, naka karton pa ang iba miski damit ni Mica di pa niya inaalis sa kahon.

Habang nagtitimpla siya ng gatas sa kusina. Napansin niya na may lalaki sa bintana sa may tabi ng puno. Nagulat siya dahila nakatayo lamang ito na tila nakatingin din sa bintana. Sa kakatingin sa binta nahulog ang kutsara at kinuha niya ito. Pagkakuha niya sa kutsara tumingin muli ngunit nawala bigla ang lalaki.

Nagulat at nagtaka siya sa nangyaring iyon. Inisip niya na lamang na antok lang ito o guni-guni lamang.

Nagkape na lamang sa lamesa at kumain ng tinapay. Sa paginom niya at pagkain ng tinapay may narinig siyang bulong na tila tinatawag siya.

"Mica! ,Mica! Mica! Mica!"  bulong ng babae na  paulit-ulit na binubulong.

Natakot siya at hinanap kung nasan nanggaling  ang bulong.Naisip niyang galing ito sa kwarto niya. Lumakad siya at napatingin ka agad sa kabinet.Habang papalapit ng papalapit sa kabinet ay palakas ng palakas ang bulong.

"Mica!, Mica!, Mica!, Buksan mo! Buksan mo! Mica!" utos sa kanya ng bulong.

Binuksan niya at may nakita siyang isang bangkay na babae na may laslas sa leeg. May hawak siyang bubog at may bubog na nakatusok sa mata.

Natatakot na siya at mabilis na ang kanyang paghinga. Naglalakad patalikod ng mabagal palayo sa kabinet.

Tumigil at bumagal ang tibok ng kanyang puso nang marinig ang isang bulong ng babaeng malumanay ang boses.

"Yung cassette, yung cassette, kuhain mo, kuhain mo."

Nilingon niya ang kanyang ulo ng mabagal at nang makita nito ang babaeng duguan na may laslas sa leeg at siya'y sinakal.

~~***~~










The Cassette (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon