Chapter 5: Walkman

19 1 0
                                    

Nakabalik na si Mica sa kanilang tinitirahan. Nadatnan niya ang kanyang Ina naglilinis sa kusina.

Hindi niya alam ang kanyang gagawin sa mga pagkakataon na wala ang mga kapatid niya sa kanyang tabi. Hindi rin niya alam yung gagawin niya sa tahimik na bahay na tila wala kang makaka-usap.

Naisip na lamang ni Mica na magtungo na lang sa kanyang kwarto. Nagwalis-walis ng sahig, pagbabasa na lang ng libro at pakikinig na lang ang kanyang nagawa sa loob ng kwarto. Hindi niya napansin ang mga cassette na nakuha niya sa kabinet.Gusto naman niya matulog ngunit di siya makatulog. Kahit panonood ng TV ay di niya gusto manuod.

"Ang boring sa bahay na'to, mababaliw lang ako kapag ganito." sabi niya sa kanyang sarili.

Mga ilang oras na siyang nasa loob ng kanyang kwarto. Nakahiga siya sa kama nang maisip na lumabas na muna ng kwarto para kumain. Wala ni isa ang nadatnan kahit nanay niya wala. Hindi alam ni Mica na umalis muna saglit ang kanyang Ina na may bibilhin lang saglit sa labas.

Umupo siya sa upuan na may halong lungkot na nadarama. Maya't maya naisip niya na ba't hindi niya pag-aralan ang walkman kung paano ito gamitin para sa mga nakita niyang mga cassette. Nagtungo muli siya sa kwarto para kuhain ang walkman. Dali dali niya itong kinuha sa kama at naupo sa sofa sa sala.

Hawak hawak ang walkman tinitingnan niya ang bawat parte ng walkman. Nakita niya ang mga button sa walkman meron sa pause, play ,open/close at may headset jack.  Magaan lang ang walkman at kasya sa bulsa na pwedeng dalhin kahit saan.

"Mukhang gamit na gamit ni Kuya itong walkman noong high school pa siya."

Sinubukan niyang kuhain ang mga cassette ng kanyang Kuya sa kwarto. Ang mga cassette ng kanyang Kuya ay mga kanta ng Rivermaya, naidolo kasi ng kanyang Kuya. Naisakaak na ang earphone sa walkman at sinubukan niya itong pinakinggan sa Walkman ngunit bakit parang ang labo na ng kanta. Humihina at minsan lumalakas at hanggang sa patigil-tigil na.

Natapos niya ang cassette ng hindi maganda ang tugtog at sinubukan ang iba pang cassette. Hindi na tumugtog o gumana ang cassette na kinuha niya pero ito naman ay umiikot pa. Tinanggal niya ang cassette at tiningnan ang walkman kung sira na.

Ilang sandali ay dumating ang kanyang Ina na may dalang supot.

"Oh, andyan ka pala. Kumain ka na ba magluluto pa ko." ani ng kanyang Ina.

"Ahh, hindi pa Ma" ani niya sa kanyang Ina habang kinakalikot ang walkman.

Tumungo sa kusina ang kanyang Ina at kinuha ng kutsilyo para maghiwa ng sibuyas.

"Bakit pa kasi ginagamit mo pa yang walkman na yan, alam mo naman na wala ng nagamit niyan dito."

Kinamot muna ni Mica ang noo na pawisan."Kasi, Ma may paakinggan ako."

"Ano ba yun?"

"Basta Ma, may papakinggan ako."

"Bahala ka nga, magluluto na muna ko dito." habang naghihiwa ng sibuyas. "Tsaka pala ilang araw na lang papasok ka na, bibili pa pala ako ng gamit mo." pahabol na sinabi ng kanyang Ina.

Nagtungo si Mica habang kinakalikot ang walkman. Naisip niya na baka sira na ang Walkman o ang mga cassette ng kanyang Kuya.

Habang naglalakad patungong lamesa sa tabi ng kabinet. "Wala na ito, di na pwede to mukhang sira ka na." sabay tinapon niya ang walkman sa trash bin sa may tabi ng lamesa.

Bumalik siya sa kanyang kama at nagulat siya sa kanyang nakita. Nandoon pa rin ang walkman na kanyang tinapon. Tiningnan niya muna ang trash bin ngunit wala ang walkman. Dahan-dahan siyang nagtungo sa kanyang kama para itapon muli ang walkman.

Dali-dali niyang tinapon at itinali ang plastik ng trash bin.
Tumingin muli siya at mas lalong bumilis ang kanyang tibok ng kanyang puso. Kaba na may kasamang takot ang kanyang nadarama. Pawis at halos luha na ang tumutulo sa kanyang damit.

Kinuha niya ang walkman sa kanyang kama. Hinawakan niya ito ng mahigpit na nanginginig sa takot. Humingsa siya ng malalim at sinubukang umupo sa kama.

"Ano bang nangyayari? Nababaliw na ba ko o pinaglalaruan lang ako?" ani niya sa kanyang sarili.

Naisip niyang bigla na bat' di niya subukan ang cassette na kanyang nakuha. Kinuha niya ito sa ilalim ng kanyang kama at kinuha ang isa sa mga cassette mula sa kahon.

Nanginig pa rin siya at natatakot sa nangyarin. Iniiwasan niya ang mga bagay na mas ikinakatakot niya.

Nailagay niya na ang cassette sa walkman at inilagay ang earphone sa tenga at tsaka nito pinindot ang play ng biglang bumukas bigla ang pinto.

"Mica! Di mo ba ko naririnig ha, kakain na tayo." sigaw ng kanyang Ina.

Napatayo at nabitawan ni Mica ang walkman at natanggal sa tenga ang earphone. Nagtataka siya dahil hindi man lang niya narinig ang tawag sa kanya ng kanyang Ina.

Nagtungo na si Mica at ang kanyang Ina sa lamesa para kumain. Pawisan pa rin at takot nang lumabas siya sa kanyang kwarto.

"Kanina pa kita tinatawag, Bakit parang wala kang narinig." ani ng kanyang Ina

"May ear- earphone kasi sa tenga ko Ma."

Umupo na lang si Mica at kumain sila ng sabay. Nasa isip pa rin ni Mica ang pangyayaring hindi niya makakalimutan.

Tagadak ng pawis ang kanyang nailabas dahil sa takot. Kumakain at nawawalan ng ganang kumain si Mica ng kanyang pagkain. Isang subo lamang ang kanyang nakain at hindi niya na ito kaya pa.

"Ma, wala akong ganang kumain, tabi niyo na lang Ma mamaya ko kakainin." ani niya sa kanyang Ina.

"Ano ba nangyayari sayo, akala ko ba gutom ka kaya agad akong nagluto." ani ng kanyang Ina.

"Biglang sumama ang aking pakiramdam parang di kayang kumain, nawalan ng gana"

"May sakit ka ba? Ano ba nangyayari sayo?" pag-aalala ng Ina ni Micam

"Wala naman Ma, nawalan lang ako ng ganang kumain."

Tumayo siya at nagtungo na lang sa kwarto. Nagtataka naman ang kanyang Ina sa pagkawala ng ganang kumain si Mica.

Pumunta sa kama at kinuha ang walkmab at earphone. Nawalan siya ng takot at kaba habang pinupulot niya ito. Sinubukan niya muli itong i-play at naupo sa kama. Isa lamang tugtugin na malungkot dahil sa intrumentong violin at piano.

Malinis at hindi patigil tigil ang tugtog. Malungkot ang kanyang napakinggan na animoy' pinapababa ang damdamin. Nakapikit si Mica habang pinapakinggan niya ito ng tahimik.

Hanggang siya ay nakatulog na lamang dahil sa malungkot na tugtugin.

"Sa pagtulog niya siya ay nanaginip, siya ay naglalakad kasama ang kanyang mga kapatid at sila ay naglalakad sa mabatong daan na magkakahawak ang kamay. Sa.bawat lakad nila walang kibo ang kanyang mga kapatid, diretso lamang ang tingin sa kalsada. Namumutla sila at walang itim ang kanilang mata.

Habang sila ay naglalakad ay tila lumalamig ang hangin. Nais niya hawakan ang kanyang mga braso ngunit di niya maalis ang kanyang kamay. Nanginginig na siya at tila ang kanyang mga kaatid ay walang nararamdaman. Hanggang sa pinilit niyang tanggalin ang kanyang kamay.

Natanggal ni Mica ang kanyang kamay at napatigil sa paglalakad. Nagulat siya dahil nakatingin sa kanya ang kanyang mga kapatid na lumuluha ng dugo."

Nagising siya at wala na siyang naririnig sa walkman. Tapos na ang kanyang napakinggan. Masama ang kanyang panaginip na may malalim na kahulugan. Nais niyang malaman ang kahulugan ng kanyang panaginip.

"Ano nga bang kahulugan ng aking panaginip? Masama ba ito?" tanong sa kanyang sarili.

~~***~~








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cassette (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon