Chapter 3:Ang Kabinet

32 4 0
                                    

Nagising si Mica sa kanyang kwarto. Humikab siya at ini-unat ang kamay. Siya lamang ang tao at wala ang kanyang Kuya at Ate.

Gulong-gulo na ang kanyang isip sa kakaisip sa mga bagay. Na hindi niya alam ang mga kasagutan.

Bumukas bigla ang pinto nang biglang pumasok ang kanyang Ina na may bitbit na tiklop na damit ni Mica.

Inilapag na muna ang mga damit at tumungo kay Mica.

"Gising ka na pala nak, Ok ka lang ba? May sakit ka ba? Nagulat naman ako sa nangyari kanina. Kinakabahan ako sayo." habang kinakapa ang noo ni Mica kung ito ba ay nilalagnat.

"Wala yun nay, ok lang ako nay, wala akong sakit" ani ni Mica sa kanyang Ina.

Binitbit muli ang mga damit ni Mica at tsaka nagtungo sa kabinet.Binuksan ang kabinet at nagbago muli ang nararamdaman ni Mica sa kabinet.

"Makakapasok ka na sa Lunes, natransfer na kita kay Mrs.Santoza, siya na rin bahala sayo dun, yung uniform nakabili na rin ako. Ibibigay na rin sayo yung mga libro pag-pasok mo sa Monday." sambit ng kanyang Ina habang ito ay nag-aayos sa kabinet.

"Ang gara naman nitong kabinet na ito, maalikabok. Linisin ko na nga lang." painis na sinabi ng kanyang Ina.

Nagkamot si Mica ng ilong at nagulat siyang may dugo na ang daliri niya. Nagtaka siya at kinuha ang salamin sa tabi niya. Tiningnan niya ang kanyang kumot at marami nang tulo ng dugo ang kanyang nakita.

Tumingin sa kanya ang kanyang Ina at ito ay nagtanong."Anong ginagawa mo?" tanong niya sa kanyang anak nagsasalamin.

"Nay kasi, Nay nag- nagdug -dug- dugo yung- yung ilong ko." ani niya sa kanyang Ina.

"Anong pinagsasabi mong nagdurugo? Ilong mo? Eh di nga nagdurugo eh?" ani ng kanyang Ina.

Muling tiningnan ni Mica ang kumot, nagulat siyang wala ng dugo sa kanyang kumot. Tiningnan niya na rin ang kanyag ilong kung dumudugo pa ito.

"Alam mo, gutom lang yan kumain ka na, may ulam pa sa lamesa." utos ng kanyang Ina kay Mica.

Tumayo si Mica at lumabas ng kwarto. Iniwan niya ang kanyang Ina nag-aayos ng kanyang gamit sa kabinet.

Inisip niya na ito lamang ay guni-guni o gutom lamang.

Nagtungo siya sa banyo upang mag-hilamos ng kanyang mukha. Pagkatapos maghilamos ay kinuha ang tuwalya at naramdaman niya na pawang may humahawak sa kanyang balikat. Tiningnan niya ito sa likod ngunit wala siyang nakita.

Lumabas na siya ng banyo at binuksan ang isang mangkok na pinapatungan ng plato at nakita niya ang Adobong Sitaw.

Nakita niya ang kanyang mga kapatid na nakatambay sa sala.

Kumakain siya mag-isa sa lamesa. Lumabas ang kanyang Ina sa kwarto upang kumuha muli ng damit na tiniklop sa sala.

Natapos ang kanyang pagkain sa lamesa. Tahimik ang mga tao sa kanyang paligid. Tila hindi sila masaya sa nangyari kanina kay Mica.

Pumunta muli siya sa kwarto ng siya lang mag-isa upang libangin ang sarili.Nakita niya ang kabinet na bukas. Lumapit siya sa kabinet, dahan dahan ang kanyang paglalakad.

Isa nanamang bulong ang kanyang narinig. Parehong pareho sa bulong na narinig niya sa kanyang panaginip.

"Mica, Mica lumapit ka sa kabinet,Mica" sinasabi ng bulong na kanyang naririnig.

Tiningnan niya ang kabinet simula sa baba hanggang sa taas nito. Sinubukan niyang tingnan ang ilalim at may nakita siyang kahon.

The Cassette (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon