11:59 AM na, kakatapos lang ng General Christmas program namin. Abala ako sa paghimas ng lalamunan kong medyo masakit na sa dami ng request songs na pinakanta sakin ng mga studyante dito samantalang todo reklamo naman sila Donelle at Mico sa pagbitbit ng naglalakihang boxes at paper bags na regalo ng kung sino sino sakin.
"Sinabi ko naman kase diba? Huwag niyong tatanggapin, dapat hinayaan niyo sila na sila ang magbigay" saad ko sakto namang nakasalubong namin sina Rafaela at Weena na may hawak na ilang regalo.
"Galing yan sa mga manliligaw niyo no?" Biro ko ng nagkatinginan silang dalawa.
"Manliligaw ko, kamo" sabay pahawak nila sa akin na siyang dahilan ng lalong pagreklamo ng dalawa, binilisan ko nalang ang paglakad Papunta sa room, agad namang ibinaba nila Donelle at Mico ang mga regalo. Nagpaalam si Mico na pupunta na sa section nila tumango nalang ako habang tinutulungan ako ni Donelle sa pagsilid ng mga regalo sa ibat ibang ecobag. Biniro pa nga ko ni Prince at Jarrel na regalo ko daw yun sa kanilang lahat pero nawala ang mga ngiti ng makitang para sa akin lahat.
Dahil lunch nadin, nauna na kaming kumain ng lunch. Self service eh, kaya kumuha nadin ako ng kakainin ko, nakaupo nako sa aking pwesto ng biglang dumating si Akira, pinsan ko ulit slash Barkada ko kasama ang girlfriend niyang si Elexa at si Pineda.
Late daw kaseng nakapunta si Pineda sa school kaya hindi niya nabigay ang gift niya for me kaya nagpasama siya sa dalawa para ibigay ito, napatingin naman ako sa paper bag at nabigla ng medyo may kabigatan ito. Hindi sila nagtagal dahil pasimula narin kami sa activities na hinanda ng room officers.
Wala nga palang masama if magenjoy ako kahit ngayon lang. Kaya sumali ako sa games Trip to Jerusalem. Sa una masaya kase may natutumba, may naiiyak dahil naunahan ng upuan pero may nangyaring naging dahilan para kantyawan ako ng mga Classmates ko, ng nagkataong tatlong upuan nalang ang natira, Paupo na sana ako ng nauna si Lorenz, ang elementary crush ko. Dahilan para makandong niya ako, buti nalang at malayo ang isang kalaban sa bakanteng upuan kaya naunahan ko parin siya.
Isang upuan nalang ang natira, inilagay ang upuan sa dulo ng silid at kami naman ni Lorenz ay pumwesto sa kabilang dulo. Pagkatapos ng kanta ay kailangan naming magunahan sa pagtakbo para makaupo at pagkatapos nga ng kanta ay tumakbo kami, nabigla ako ng matapakan ko ang sintas ng sapatos niya at nawalan siya ng balanse bago pa man siya tuluyang matumba ay nahawakan niya ang kamay ko at ang kinalabasan ay nakahiga siya samantalang akoy nakadapa at ang isang kamay ko ay sumusuporta sa ulo niya. Ramdam ko ang sakit ng kamay ko dahil dun kaya agad akong napaupo, tumayo naman siya at inalok ang kamay niya para makatayo ako. Iniabot ko naman ang kamay niya at nagsimula siyang maglakad patungo sa upuan at ng makarating kami doon ay pinaupo niya ako, ako ang nanalo sa laro.
Ilang minuto pa bago humupa ang kantyaw nila Saamin, gusto ko pang sumali sa susunod na game kaya para maiwasan ang ganun ay sa babae naman ko nakipagpartner- kay Hazel. Lumapit ako sa kanya at inalok siya, hindi ko alam pero nataranta siya. Pinagsawalang bahala ko 'yun at hinila siya papunta sa gitna. First time kong makita si Hazel na makipagparticipate sa ganto siya kase yung tipo ng babae na shytype at palaging out of this world. Base sa mukha niya ay nageenjoy talaga siya. 1/4 nalang ang laki ng newspaper at dal'wa nalang ang pares na natira kami at sina Lorenz at Donelle. Girl to Girl, Boy to boy naman ngayon. Napayakap ng mahigpit si Hazel sakin at ako naman nanatiling nakasteady, pagewang gewang sina Lorenz at bago pa man sila matumba ay tapos na ang oras kaya muli, tinupi namin ang newspaper.
Natapos ang kanta at nagaalinlangan si Hazel na sumakay sa likuran ko, mahinhin talaga ang isang to pero ayoko namang magpatalo kaya bago pa kami mataggal ay binuhat ko siya the bridal way. Luckily, nawalan ng balanse si Donelle dahilan para ma-out sila. Napayakap naman ng mahigpit sakin si Hazel. Natuwa nalang din ako, I saw her laugh for the very first time.
Natapos na ang party namin, kasalukuyan akong nasa pathway na tambayan namin ng barkada ko. Nandito sina Bry, Weena, Rafaela, Donelle, Mico, Neil, Christine, Cecilia, Jaywin, Jeremy, Joy, Ate Jireh, Akira, Elexa at Pineda. Tinutukso ako ni Weena at Rafaela sa mga pictures na nakuhanan nila kanina sa games. Nakakainis kaya pagkakuha ko ng regalo ko from them, nagyaya na akong umuwi.
Bakit ganun makatingin si Pineda Diary? Lalo na ng makita ang mga pictures na nakuhanan nila Rafaela parang magkahalong inis at selos. Hindi naman sa nagaassume, pero yun talaga ang nakikita ko sa mga mata niya. Nababaliw na ata ako
Love,
Jenice