December 24, 2014

0 1 0
                                    

Natatawa parin ako sa reaction ni Mama at Papa ng makita ang tonetoneladang regalo na inilagay ko sa ilalim ng Christmas Tree na natanggap ko pa noong Christmas party. Tuwing December talaga ay nagpapadamihan kami ng regalo ng kapatid kong lalaki, si Mikael.

Biniro ko pa nga sila na sa susunod na Christmas eh yung mas malaking Christmas Tree na ang ilagay yung abot hanggang kisame para kasya ang lahat ng regalong natatanggap namin. Ilang oras nalang magte25 na, nagsidatingan nadin ang mga kamag-anak namin, nagkasunduan kase nila mama na dito magcecelebrate ng Christmas at New Year kaya naman matagal tagal ko din silang makakasama.

Pumunta ako sa kwarto at naligo, sa taong ito unang beses palang akong magsusuot ng Dress at magaayos. Komportable kase ako sa simpleng Jeans lang at tshirt, hinahayaan ko lang ang hanggang bewang kong buhok na nakalugay pero ngayon kailangan ko talagang mag-ayos.

11:48 na, nandito kaming lahat sa salas. Nagkaroon ng program at saktong 12:00 ng matapos iyon kaya binati namin ang isat isa bago nagbukas ng mga natanggap na regalo. Habang busy kaming nagpipinsan sa pagbubukas  ay nagsimula ng maghain ang mga nakatatandang babae at sila Papa naman ay hinahada ang mga inumin nila.

Ibat iba ang natanggap ko, inuna kong binuksan ang mga regalo ng mga schoolmates ko bago ang binigay ng mga pinsan at Tita at Tito ko. Nakatanggap ako ng T-shirts na binili sa mga sikat na branded clothline. Mga pinasadyang t-shirts, mga pabango, mug, sandals, shoes at bag. Huli kong binuksan ang regalo  nila mama, papa at mommy. Galing kila mama at Papa ang isang wristwatch na matagal ko ng natitipohan, galing naman kay mommy at bagong cellphone na bagong labas lang.

Upon seeing those, napakablessed ko pala. Im so thankful. Umakyat ulit ako sa kwarto ko dala ang mga regalo, inilapag ko ulit yun sa kama at pinicture'an. Agad ko itong inupload sa Social media, hindi ko na hinintay ang raragasang likes at comments. Natuon ang tingin ko sa gawing kanan kung saan nakatambak ang mga regalong naipon ko na ibibigay ko sana kay Aila, ang babaeng nakalong distance relationship ko noon. naudlot ang pagbibigay ko dahil una, hindi ko alam kung paano ipapadala at isa pa, nagkahiwalay na kase kami. Sakto ng tawagin ako ni Brandon, ang alalay ni Papa. Pinapasok ko siya sa kwarto at pinabuhat ang mga regalo at inutusan na ipadala ang mga regalo sa address na ibinigay ko. Binilin ko din siya na huwag niyang banggitin kay mama o kay Papa dahil magagalit lang ang mga yun kung nalaman na pinadalhan ko ng regalo ang dating girlfriend.

Bumaba narin ako para hindi makahalata sina Mama. Pagkababa ko, nasa dining table na silang lahat, ako nalang pala talaga ang kulang.

Kumain lang kami at nagkwentuhan, ngunit natahimik nalang ako ng ikwento ni mama kila tita ang naging relation namin ni Donelle. Oo, Alam kase nila na naboyfriend ko siya. madalas din kase siyang bumisita sa bahay noon. Wala nakong ibang nagawa kundi tumahimik habang todo kantyaw sina Rafaela, Akira at iba pa naming pinsan maliban kay Ynna, ang panganay nila Tito Angelo. Tahimik lang siya at marahang pinipirapiraso ang karneng nasa Plato niya.

Diary of A BisexyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon