February 1, 2015 [1]

0 1 0
                                    

Nandito na kami sa starting point ng parade. Nakakainis lang at naging alas kwatro ang sinabi nilang alas Dos. Init na init na ako sa suot kong c.a.t tshirt, pantalon at black shoes Isama narin ang c.a.t cap. Kaya tinanggal ko muna ito at bumagsak ang hanggang bewang kong buhok.

Abala kaming colors sa pagpapractice ng dumating si Bry, ang barkada ko/battalion. Hinila niya ako palayo at tumungo kami sa kinaroroonan ng mga privates. Ang bastos din ng isang 'to eh, pinaalala lang namin sa ibang officers at privates ang mga dapat at hindi dapat gawin. Gusto kase namin na kami ng manalo sa competition.

Nadatnan namin si Rhea at Pineda sa harapan ng tindahan na kumakain pa. Si Rhea ay pinsan ni Weena, si Rhea ang girlfriend ni Bry. Habang sinisita ni Bry si Rhea ay itinuon ko naman ang pansin ko kay Pineda.

"Gusto mo Te? Libre kita" saad niya sabay pakita sa kinakain niyang junkfoods at softdrinks. I rolled my eyes, kaya kong bumili ng ganyan for myself kahit ilan if I want to. Hindi ko nalang siya sinagot, imbes ay tinanong ko siya kung kumain na ba siya, nadismaya naman ako ng ngumuwi siya. Inagaw ko ang kinakain niya at itinapon sa basurahan. Swerte at may karinderya malapit kaya hinatak ko siya papunta roon  pinapili ko nalang siya ng gusto niyang ulam.

Ilang minuto pa kami nagpipilitan, naiinis daw siya sa pagtapon ko ng paborito niyang Mr. Chips at Coke. Imbes na magsorry, nagorder nalang ako ng ulam at pinakain siya. Dapat nga magpasalamat siya dahil naiiwas ko siya sa sakit na maaari niyang makuha. I told her na bilisan kase magistart na ang parade, siniguro ko ding tubig ang ininom niya.

Hinila ko ulit siya papunta naman sa CR, napansin ko kase na nakalongsleeves pa siya e dapat white T-shirt ang suot niya.

"Saan mo ko dadalhin Te? Rereypin mo bako?"

Nainis ako sa sinabi niya at agad na sinagot na kailangan niyang magpalit ng damit kase magsisimula na after 5 minutes. Tumawa siya at pilyang tinanggal ang unang butones ng suot niya. Napatingin ako sa ibang direksyon na nagpalakas lalo ng tawa niya. Mas matangkad siya ng isang inch sakin kaya bumaba siya konti para lumebel sa mga mata ko, napansin ko ang puting tshirt sa loob ng suot niya kaya naginhawaan naman ako.

Hinatak ko na siya palabas pero hinila niya ako at yumakap siya sakin, nagpumiglas ako pero hinigpitan niya pa ang pagkakayakap.

"Pagod ako Te, pahingi muna ng energy. Ganto muna tayo kahit ilang minutes lang"

Nakaramdam ako ng tila kuryenteng dumadaloy sa dugo ko, at bawat segundo ng pagyakap niya ay nawala ang pagod at inis ko sakanya. Medyo awkward nga lang ang ganitong position kaya hindi nagtagal ay kumalas nadin ako sa pagkakayakap. Hinatak ko siya palabas ng store at kumpara kanina ay hyper nadin siya.

"HANDA! KANAN! TINGIN!" Hindi pa kami nangangalahati ng nagsimulang sumakit ang aking kanang paa. Malas lang at nakatapak ako ng thumbtacks sa bahay last last week pa pero hindi naman to ganito kasakit noon kaya pinagsawalang bahala ko. Alalang-alala naman ang bestfriend kong si Jeremy dahil kanina pa ko daing ng daing dahil sa iniindang sakit.

Kaya ng matapos na ang parade ay agad akong napaupo sa isang bench sa harap ng 7/11.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary of A BisexyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon