#49

11 1 0
                                    

This is different from the typical na update because this is my first time na gumawa ng ganito. This is originally by me... so I hope you'll like it.


---

Minsan nang nagdurusa.Minsan nang subukan.Minsan nang nagpaka tanga.

Paulit ulit. Nagmamahal, sumasaya, nalulungkot, natutuwa, nasasaktan.

Pero sa lahat ng sakit na aking nadama ikaw ang pinakamasakit ngunit pinakapinahalagahan ko. Dahil saiyo ako natuto ng tunay kung paano ang pusong noon ay ipinagkait muling pagbubuksan ang mga pintuan para sa pagasang makakalaya na. Muling susubukan ang matagal nang inaaasam na pagmamahal. Sinubukan, tumaya at pumusta. Hanggang sa unti unting humihilom ang mga sugat ng pusong nawarak, nasaktan at napagod mula sa nakaraan. Pinagbigyan, pinahalagahan at minahal. Mahirap paminsan pero nakuhang makayanan dahil sa ating masasabing pagmamahalan. Oo, nariyan ang mga pagsubok na huhusga sa atin. Pero mahal, kailangan nating magpakatatag. Mahal ko, ikaw lamang ang nagpadama saakin ng ganito-ng hindi malamang saya. Hindi ko malimutan ang mga katuwaan at kalungkutan na iyong ipinadama. Nagpakatanga. "Pagmamahalan". Ikaw yung tipong alam kong nasasaktan na ako, ay hindi ko parin makayanang pakawalan. Ikaw ang nag bigay motibasyon upang muling tumayo mula sa pagkakadapa.Ang masasakit na nakaraan ay nakaligtaan dahil sa mga matatamis na paaalala na iyong ibinigay. Mahal, kahit ilang beses mo ako itaboy, hinding hindi ako magsasawang lapitan ka at hinding hindi ako magdadalawang isip na subukan ulit. Ikaw ang lungkot, at mapait na ala-ala na aking nadarama ngunit sa di mawaring dahilan ay aking paulit ulit na ginugusto....paulit-ulit na hinahanap. Mahal, hindi ko man mabigay saiyo ang lahat ay aking susubukan dahil mahal kita higit pa sa iniisip mo at higit pa sa nadarama mo. Kahit sa iba ka sasaya, a-antayin ko ang panahon na ikaw ay mapasaakin muli at pagbigyan mo ng pagkakataon na mahalin ka at matutunan mo, kahit hindi pa ngayon, maghihintay ako, na ako'y suklian mo nang iyong pagmamahal.


Cvjetka_Gwen


11/27/17




#QuotesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu