#52

4 0 0
                                    

Ang unfair mo!
-

-

-

Sobrang unfair. Alam mo ba kung gaano kasakit na hanggang ngayon ikaw parin ang tinitibok ng pusong ito? Na hanggang ngayon nasaiyo parin nakatuon ang isip at damdamin ko? Ang sinabi mong "sige kahit wala nang tayo pangako kong magiging  kaibigan at hindi magkakalayo." Pero anong nangyare? Binaliktad mo ang sinabi mo. Masaya ka na diba? Bakit di mo man lang ako hinintay na maging masaya rin katulad mo? Ang dayadaya mo! Ganun nalang ba kadali para sayo na baliwalaain ang lahat ng mga ala-ala at pinagsamahan nating dalawa? Bakit hanggang ngayon tinitiis ko padin ang damdamin ko? Habang ikaw...ayun nakikipagtawanan, nakikipagsayawan, sa piling ng iba na alam kong hinding hindi ko mapapantayan ang isang katulad niya.
Ang saklap, akala ko nuon tayo na hanggang dulo. Ang tagal tagal ko ding naghintay para dumating ang isang katulad mo. Sinagot naman siguro ng langit ang panalangin ko...pero panandalian lang at unting naglaho.

#QuotesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu