#50

6 0 0
                                    

Ano Nga Ba Ako Saiyo

Oo sige masasabi natin na matagal-tagal na din tayo naging magkaibigan.
Kilala kita ng lubos at ganoon ka din saakin. Hindi maikakaila na minsan ay nagkaroon din ako ng mga panahon na mag-isip kung ano ka nga ba talaga saakin? Alam mo lahat. Mula sa aking pagkatao, sa aking buhay, hanggang sa mga taong malapit at mahalaga saakin. Andiyan ka sa mga panahon na wala akong makasama. Andyan ka noong mga panahon na ako'y umiiyak dahil sakaniya. Halos hindi na tayo mapaghiwalay. Ako naman ang naroon noong una kang umamin sa iyong iniibig. Ang torpe mo pa dahil siya ang unang inibig mo. Andun din ako nung unang pasko na hindi mo kasama ang iyong pamilya. Naaalala kong lumuluha ka dahil sa sabik mong gusto na silang makita. Magkasama tayo sa halos lahat. Tinrato mo ako na higit pa sa isang kapatid. Minahal kita ng higit pa sa kapatid. Lagi mo akong sinasama sa halos lahat. Alam ko ang lahat ng iyong lakad mula gimik ng iyong barkada, sa panliligaw mo sakanya, sa pagpasok sa eskwela at marami pang iba. Pero gusto ko humingi ng iyong kapatawaran dahil sa unang pagkakataon saaking buhay ako ay may inilihim. Hindi ko ipinagkakait ngunit baka ikaw ay magalit. Puso'y natakot na baka ika'y lumayo. Paano na ang ating pagkakaibigan na halos taon din ang inabot? Paano ang ang ating pagsasama kung ako na ay umamin ng aking pagsinta?
Hindi ko kayang matanggap. Hindi pa handa ang puso para sa kaabang abang na rebelasyon. Dalawa lang naman ang patutunguhan. Pinili kong ilihim noong una. Dahil panatag na akong makita kang masayang patago. Kuntento na akong mahalin ka ng patago. Pero alam ko sa sarili kong hindi sapat. Matagal-tagal din ako naghanda. Nagipon ng lakas ng loob para sabihin saiyo. At ngayong handa na ako, alam ko na at tanggap ko na sa sarili ko na ano man ang mangyari pagkatapos ay panigurado magbabago sa atin. Ngunit nawarak ang aking puso noong makita ko ang iyong malapad na ngiti sa kaniya. Ano ba ang nasabi niya na nagpasaya sayo nang bigla? Iyang ngiti na alam kong hindi ko maibibigay. Ang saya na nararanasan mo ngayong kasama mo siya. Oo, alam ko. Hindi ko kayang tumbasan ang ngiti, saya, pagmamahal na nararanasan mo ngayon sa kanya. Dahil wala naman akong karapatan.  Minsan napapatanong na lamang ako, Ano nga ba ako saiyo? Ano nga ba ang naging parte ko sa buhay mo? Hanggang dito nalang ba talaga? Wala na bang hihigit sa inaasahan ko? Hindi mo ba kayang ibigay ang higit pa sa pagmamahal ng isang kaibigan?
Ang mga sagot saaking mga katanungan ang hinahanap ko mula saiyo.

Ano ang gagawin ko? Pakikinggan ba ang sigaw ng puso? O ipapaubaya na lamang para sa ikasasaya mo?

#QuotesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu