CHAPTER 1

57 2 3
                                    

FINN P.O.V

My name is Finn Fluente. What's up

"Mmm" ungol ko nung gisingin ako ni mama para magising

"Hoy finn gumising kana. First day mo pa naman sa school nyo!" sabi ni mama hanggang tinatapik pa ang pang upo ko.

"Mama mamaya na inaantok pa ako e" habang nakahiga sa sofa namin. Di ko din minulat ang mata ko kase di naman ako naka tingin sa side nya

"Gumising kana dyan kung ayaw mong hatawin kita ng sinturon!"
Sigaw nya

"Eto na po hehehe" tumayo agad ako sa sofa nakakatakot kasi si mama pag mamamalo ng sinturon at nangbabato ng tsinelas.

"Tumayo kana dyan at kumain kana!" sabi nya nung papatayo na ako sa sofa "Nakahanda na rin yung pagkain mo sa lamesa" sabi nya sabay pumasok sa kwarto nya

Sa sala ako nakatulog hanggang si mama natutulog sa kwarto nya. si ate vanessa at ako ay magkahati ng kwarto. Ang isa ko namang ate may sariling maliit na kwarto. Hindi man kami mayaman at kumpleto ang pamilya masayang masaya padin pa namang kaming magkakasama.

Ako nga pala si Finn Fluente.
Ang ate kong makulit ay si Vanessa Fluente. While ang isa kong ate na famous sa social media ay si Si ashley fluente. Habang ang pangalan ng nanay namin ay si Mary fluente......

17 yrs old na ako. Ang ate ko namang makulit is 23 yrs old ang isa kong ate na famous is 19 yrs old.

Nung nakatayo na ako sa sofa. kinuha ko agad ang salamin ko. At isinuot yun. Dumeretso na ako sa kusina namin at nakita ko na si ate ashley na nag pipicture sa pagkain nya.

"Food morning ate" biro ko habang nakangiti sakanya

"Good morning" ngiti nya rin ngunit nakatingin pa din sya sa pagkain nya habang sunod-sunod nyang pinipindot ang cellphone nya

Dumeretso lang ako sa ref at kumuha ng tubig dun. At naglagay sa baso ng tubig at ininom ko yun.

"Ituloy tuloy mo na yang pag-aaral mo ha. Baka mag repeat ka ulit tulad ng dati" bigla sabi ni ate hanggang nagpipicture padin sa pagkain nya

"Huk!" Sinamid ako sa sinabi ni ate nayun. "Hay naku ate. Past is past ang tagal na nun ha. Pinaalala mo ulit" sabi ko nung natapos ko na inomin yung tubig.

"Tss. Ang aga aga finn nag eenglish kapa hayss" sabi nya habang patuloy padin ang pagpicture sa pagkain nya

Umupo na ako sa upuan ng lamesa at nag umpisang kumain. Naka pangdekwatro ako habang kumakain

Habang kumakain ako narinig ko ng nagbukas ang pinto ng kwarto ni ate vannesa . Nakita kong lumabas na si ate vaneng na naka panjama at naka t-shirt puti.

Humikab sya at nag streching pa sa harap ng kwarto nila.

Dumretso sya sa harap namin at biglang "GOOD MORNING!!" Sigaw nya sa harapan ng lamesa.

Napaatras ako sa sobrang lakas ng sigaw nyang yun

"Ang ingay mo naman" sabi ko sakanya. "Good morning din" sunod kong sinabi habang nakasimangot dahil sa ingay nya

"Morning" sabi ni ate ashley habang nag cecellphone habang kumakain

"Ano ulam?!" Sabi nya na napakalas

"Ate it's 6:00 am in the morning. So stop shouting. Baka magising kapitbahay natin hehehe" sabi ko sakanya.

Umupo nalang sya at kumain "Mukhang maganda gising mo ha" sabi ni ate ashley. Tumingin si ate sakanya at nagsalita "Syempre" habang ngumunguya "Masarap tulog ko e " sabi ni ate vanessa. Habang nakatingin sa pagkain nya.

LOVING HER 💖 | OngoingWhere stories live. Discover now