CHAPTER 3

36 0 3
                                    

VANESSA P.O.V

Pagpasok ni finn sa school nanatili ako dito sa bahay. Dahil wala naman akong pasok sa nursing ko ngayon. Makikipag meet up pa ako sa nakilala ko sa social media na lalaki. Sa totoo lang napaka gwapo ng itsura nya. Ang sabi nya sakin kagabi na magkita daw kami sa starbucks sa SM ng 10:30 ng umaga. Simula ngayon nag aayos na ako sa sarili ko.

"Hihihi. I'm sooooo exciiiiteeddd. Gwapo sya maganda ako. Equals bagay na bagay kami huehuehue"

Habang nag aayos ng sarili ko sa harap ng salamin.

"Vanessa" narinig kong tawag sakin ng nanay ko. Lumabas ako ng kwarto at tinignan sya.

"Bakit ma?" Tanong ko habang hawak-hawak ang lipstick ko.

"Saan ka pupunta? Bakit napakaganda mo ngayon ha?"

"Hehe makikipag kita ako sa lalake na kachat ko kagabi"

"Ahhh sige. Mag ingat ka sa date nyo ha" nakangising at nakakatuksong tingin sabi ni mama.

"NUBA MA! Hehehe hindi pa yun date" kinikilig kong sinabi. "Makikipag kita pa ako sakanya hihihihi"

"Oo na oo na. Basta mag ingat ka" sabay pumasok sa loob ng kwarto nya ulit.

Inayos ko na ang damit ko. Nakasuot ako ng white t-shirt na pusa (dahil sobrang cat lover talaga ako) blue jeans, white shoes, and a cat headband.

"Ang cute ko" sinabi ko sa harapan ng salamin para pagmasdan ang suot ko.

"Sheeeetttt!!! Baka mas lalong mainlove sya sa suot ko huehuehue. Maski ako naiinlove na sa sarili ko."

Pagtapos kong mag ayos at mag pacute. Sumakay na ako ng tricycle papuntang starbucks sa SM. Habang naglalakad ako papasok ng SM nakikita ko ang mga lalaking nagsisintinginan sakin.

"Nako girls bantay-bantayan nyo ang mga boyfriend nyo. Baka mainlove sila sakin huehue"

Nakarating na ako sa loob ng starbucks.
Napakaraming tao dun kaya hindi ko makita ang lalaking hinahanap ko. Kesa maglibot pa ako sa loob ng starbucks parang mahihirapan pa din akong hanapin sya. Nag desisyon muna akong bumili ng inumin sa counter. Habang nakapila ako ay lumilingon ako sa gilid o kaya sa likod ko para mahanap na din si pogi.

"Good morning. Can i take your order?" Sabi ng lalaki. Habang nakatingin sa computer na pinipindot nya.

"Isang white chocolate mocha" naka ngiting tugon ko.

"What size do you wan-" naputol ang sinasabi nya simula nung tumitig sya sakin.
Para syang statue na nakatayo at nakatitig sakin habang lumalaki ang mata nya.

Maayos naman ang itsura nya. Matangos, makinis ang balat, bagsak ang brown nyang buhok. Nakasalamin, green eyes (contact lense), at mas matangkad kay finn ng konti.

"Putcha. Ano tinitingin nito?"

"Uy!" Pabulong kong sinigaw sakanya.

"Woah! Crap! Sorry miss" natatarantanyang tugon. "I-i'm sorry. What size do you want again?"

"Grande please"

Pagkatapos nya akong iserve mabilis syang kumuha ng cup at kung ano-ano ang pinagagawa nito. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero alam kong ginagawa nya na ang inorder ko.

"What is the name that i'm gonna write here?" Tugon nya habang nakahawak sa marker at cup ko

"Vanessa"

LOVING HER 💖 | OngoingWhere stories live. Discover now