ASHLEY P.O.V
Pagkagising ko ay nararamdaman ko ang pag ka maga ng mga mata ko dahil sa pag iyak nanaman kagabi..
Dahil sa bagong boyfriend ko na niloko agad ako ng mag post sila ng picture ng mas maganda saken na babae na nakakiss sa pisnge nya.. porket ayoko magpahalik sakanya ay lumayo na at naghanap na agad ng iba.."Huhuhuhuhu! Pare-parehas lang talaga ang mga lalaki!"
Sana nagkaron nalang ako tulad nung nagkakagusto kay ate na si felix.. kaso konting lalake nalang ang ganun..
Ayoko talagang pumasok ngayon kaso kelangan.. kahit nakakatamad kelangan padin.. hays buhay.. being in college suck and getting a nursing course makes it more suck.. parang si ate lang.. i'm pretty sure na pinagdaanan nya din to..
Tumayo na ako sa kama at nasa pinto palang ako ng kwarto ko ay naamoy ko na ang bacon and eggs..
"Hmmmm~~ smells good"
Sa sobrang takam ko ay tumakbo agad ako papuntang kusina at nakitang si finn ang nagluluto..
"Take your seat ate matatapos na ako" sabi nito ng hindi man lang tumitingin saken.. pag upo ko ay napansin ko na naka apron ang kapatid ko na pink at nakatali ang pink na bimpo sa ulo nya..
"Mahilig ka na pala sa kulay pink ha.. finn" nakangisi kong tugon.. natawa naman ako ng nakita kong namula ang mukha nya..
"Wala ng ibang gamit e.. puro pink lang yung kay mama"
"By the way.. nasaan si mama?"
"Ah may pinuntahan daw emergency daw e.."
"Anong emergency?"
"May pinadala daw si lola galing sa america"
Napatahimik ako ng binanggit ang lola ko..
"S-si lola?"
"Yep"
"Ano daw meron?"
"May nagtext daw kay mama galing sa mga tauhan ni lola.. may ipapadala daw si lola dito." Pagpapaliwanag ng kapatid ko
"Tsaka wag kang matakot ate di naman bibisita si lola dito sa pilipinas.. di nya pa naman sinasabe e" He shrugged"Alright good *phew*"
"Bakit ba kayo natatakot kay lola? Mabait naman si lola satin" tanong ni finn
Tinaasan ko sya ng kilay
"Ha! alam mo ba na dalawang oras nya akong sinermonan dati dahil hanap ako ng hanap ng magiging boyfriend ko.. tas sabi nya na ipapadala nya daw ako sa america.. dun daw nya ako pag aaralin hanggang sa pumayat ako at mamatay kakahanap ng boyfriend.. at alam mo ba na sinigawan nya ako na ang manhid manhid ko daw.. halata na daw pero di ko daw makita" naguguluhan ako sa pamilya ko tuwing sinasabihan nila akong manhid..
Ngumuwi lang si finn saaken at nilagyan ng bacon,eggs at kanin ang pinggan ko.. pagtapos nun pinitik nya ang noo ko..
"OUCH!" Sigaw ko