Wala ako sa sarili habang naglalakad ako sa gitna ng kalsada, sobrang lalim na ng gabi, tanging ang mga street light nalang sa kalsada at ang buwan ang nagsisilbing liwanag sa mga dinadaanan ko.
Napatingin ako sa cellphone ko at bumungad sa akin ang napakaraming missed calls ni Taehyung, mabilis kong pinatay ang cellphone ko pero bago iyon tuluyang mamatay ay nakita ko pa ang picture ni Taehyung sa lockscreen ko.
Bakit napakahirap magmahal? Kapag ba nagmahal ka ay dapat masaktan ka rin? O pwedeng iwasan iyon?
Taehyung, bakit kaylangan umabot tayo sa puntong ito?
Wala sa sarili kong pinagpatuloy ang paglalakad ko, masyado akong wala sa sarili ko, unti-unti ng nagkakawala lahat ng mga kaibigan ko at lahat sila ay ako ang sinisisi sa lahat ng yayari.
Ako naman talaga, ako naman talaga ang makasalanan ng lahat.
Naramdaman kong may nakabunggong lalaki sa akin, nagkatinginan kami nito ng masama pero hindi ko rin sila pinansin, masyado akong wala sa sarili para patulan pa sila.
Nakita kong natigilan sila pero pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko, narinig kong tinatawag nila ako pero nabibingi ako sa mga pumapasok sa isip ko.
"Gago 'to ah!" Sabi ng kasamahan ng isa sa kanyang kasamahan.
"Hoy bata!" Sigaw nito kaya naman napatingin na ako, nakita kong pamilyar ang mukha nila sa akin. Para bang nakita ko na sila dati.
Hanggang sa natandaan kong sila yung sinuntok ni Yoongi dati dahil lang sa isang bote ng soju.
"Teka, kilala ko 'to ah." Ani ng isa.
"Iyan yung kaibigan ng gagong sumuntok sa akin." Sabi niya.
Hindi ako umaalis sa pwesto ko, pinagmamasdan ko lang sila. Wala akong ganang lumaban sa kanila, wala akong ganang pumatol, hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong hinihila nila patungo sa gilid.
Tinatanggap lahat ng suntok at tadyak nila sa akin, halos mapasigaw ako sa sakit ng pagkakatulak nila sa akin sa saradong tindahan, naramdaman kong pumutok na ang nguso ko dahil sa isang malakas na suntok na pinakawalan ng isa.
Napaupo nalang ako dahil halos maubos na ang lahat ng lakas ko.
Nang matapos nila akong pagsawaang bugbugin ay iniwan nalang nila ako.
Pilit kong hindi ininda lahat ng sakin, pero kahit naman pilitin kong sabihin na hindi ako nasasaktan ay nasasaktan ako. Sobrang sakit, parang hindi na ito matatapos.
Pero hindi ko alam kung anong masakit, yung nararamdaman ko physically o yung nararamdaman ko emotionally. Hindi ko na alam.
Pinikit ko ang mata ko para pigilan ko yung pagbagsak ng luha ko, bakit ba pinipigilan ko pa? Wala rin namang makakakita sa akin na nasasaktan ako.
"Jungkook! Anong nangyari sa'yo?!"
Unti-unti kong dinilat ang mata ko, nakita si Jin hyung na nakatayo sa harapan ko gamit ang nag-aalalang mukha niya.
"Sinong gumawa sa'yo nito?" Tanong niya sa akin.
"Jin hyung..." Mahinang tawag ko sa kanya.
"Shh, ayos lang Kookie, magiging ayos lang ang lahat." Mahinahong sabi niya sa akin habang hinahawakan niya yung pisngi kong namamaga na sa dami nitong pasa.
"Jin hyung, ayoko na. Hindi ko na kaya yung sakit." Humagulgol na sabi ko.
"Kaya mo Kookie, kakayanin mo." Giit niya, pero umiling ako.
"Hindi na, hindi ko na kaya." Halos hindi makahingang sabi.
"Kakayanin mo Kookie, kahit hindi na para sa amin. Kahit para nalang kay Taehyung, ispin mo naman si Taehyung." Aniya.
"Kasalanan naming lahat ni Taehyung 'to, kasalanan naming lahat 'to Jin hyung." Paulit-ulit na sabi ko sa kanya.
"Hindi Jungkook, kahit kaylan hindi nyo kasalanan 'to. Desisyon nila iyon, wala kayong kinalaman ni Taehyung doon, nagmahal lang kayo."
Umiling ako, hindi. Mali ka Jin hyung, selfish kami. Kasalanan ko 'tong lahat.
"Jungkook, tumayo ka na dyan. Pumunta ka ng hospital bago pa may mangyaring masama sa'yo, pakiusap Jungkook. Pakiusap." Nanginginig na sabi ni Jin hyung sa akin.
Wag kang umiyak Jin hyung, wala kang kasalanan sa nangyari, kasalanan ko lahat.
BINABASA MO ANG
Cause of Death: LOVE (Short Story)
Kurzgeschichten❝No one killed them, it's just because of love.❞