UNKNOWN

2.6K 168 16
                                    

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at kinuha ko lang lahat ng gamit ko bago ako lumabas sa pamamahay na yun. Napatingin ako sa langit at naramdaman kong bumabagsak yung luha sa mata ko.

Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko at nagtungo ako sa lugar kung saan matagal na naming gustong pumunta, nakatingin lang ako sa dagad para naman gumaan-gumaan ang loob pero hindi ko magawa.

Kinuha ko ang litrato naming pito na kinuhanan ko gamit ang polaroid ko, napatulala ako doon ng ilang saglit. Hanggang ilang araw ko nalang kaya itong makikita?

Nang medyo malapit ng maggabi ay bumalik na ako ng bahay.

Bahay namin, tama. Ito yung bahay ko, kasi nandito yung mga taong tinuring akong pamilya.

Bago ako pumasok sa bahay ay sinigurado ko munang mukha akong okay, nagdirediretso ako sa kwarto ko bago ko pinasok doon lahat ng gamit ko. Napatingin ako sa mga gamit ko na inayos ko na. Napangiti ako ng mapait.

Bakit handa na akong mamatay?

Naramdaman ko na naman ang matinding sakit sa ulo ko, napahawak ako dito ng mahigpit, ang sakit. Sobrang sakit, bakit ganito.

Naramdaman kong naghahabol ako ng hininga, bakit ganito?! Napahawak ako sa dibdib ko at napatingin ako sa buong paligid ko, halos manlabo na ang mata ko at umiikot ang paningin ko.

Mas matindi ang sakit nito kumpara sa dati,  para bang...

Unti-unti akong pinapatay nito.

Narinig ko mula sa di kalayuan ang boses ni Namjoon at Taehyung na para bang kakauwi lang. Nanginig ang luha ko ng marinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko mula sa sala. Kahit nanginginig ang luha ko ay masaya ako.

Kahit gustuhin kong marinig pa rin yung boses nila, yung tawanan nila at makita ang mga mukha nila araw-araw ay alam kong hindi na pwede. 

Narinig kong may kumakatok sa kwarto ko pero hindi ko na iyon kayang buksan. 

"Jin hyung! Nandyan ka ba?" Sigaw nito habang kinakalampag ang pintuan ng kwarto ko.

"Namjoon..." Mahinang tawag ko sa kanya kahit hindi na niya ito maririnig ulit.

Nagdidilim na ang gilid ng mata ko kaya naman halos lamunin na ako ng takot ko. Sa huling pagkakataon ay inilibot ko ang panigin ko sa buong kwarto ko.

Ang huli kong nakita ay ang litrato naming pito na nakasabit sa dingding, napangiti ako ng makita ko lahat ng masayang ngiti namin doon.

"Paalam na." Mahinang sabi ko bago tuluyang nagdilim ang paningin ko kasabay ng pagbukas nila ng kwarto ko.

Cause of Death: LOVE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon