Habang nakasakay ako sa loob ng bus ay naririnig ko ang balita tungkol sa pagtakas ko sa pulisya mula sa radio. Nakasubsub ang mukha ko sa salamin upang walang makakilala sa akin.
Naramdaman kong may naupo sa tabi ko kaya naman bahagya ko siyang tiningnan sa gilid ko hanggang sa bahagyang napanganga ako ng makita ko si Jin hyung, nakita kong nakatingin siya sa akin na para bang alam na agad niyang ako ito.
"Jin hyung..." Mahinang tawag ko sa kanya.
"Bakit ka tumakas Taehyung?" Tanong nito sa akin.
Nag-umpisa ng manginig ang luha ko dahil sa tanong niya, napaiwas ako ng tingin. Hindi ko sya sasagutin, hindi ko sasabihin sa kanya, pipigilan niya ako sa gusto ko.
Nang makita kong nandito na ako sa pupuntahan ko ay mabilis akong bumaba ng bus, narinig kong tinawag ako ni Jin hyung pero hindi ko siya pinansin, nagdire-diretso lang ako sa pagtakbo ko, mabilis akong pumanik sa itaas.
Narinig kong tinatawag ako ni Jin hyung sa pangalan ko pero nagbibingi-bingihan ko, wala na rin namang silbi lahat ng 'to, wala na rin naman akong dahilan para mabuhay.
Kung sakali mang mabuhay ako, sa kulungan lang rin naman ang bagsak ko, wala na akong dahilan. Wala na rin si Kookie, wala na siya.
Kasalanan ko kung bakit siya nawala, kasalanan ko.
Huminga ako ng malalim ng makarating na ako sa pinakaitaas, ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat, pero kahit gaano kalakas ang hangin dito sa itaas ay hindi pa rin natatanggal ang hoodie ko.
Napalingon ako sa gilid ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga kaibigan ko sa gilid habang nakaupo silang lahat at pinapanuod ang paglubog ng araw, naramdaman ko ang luha sa mata ko na namumuo bago ako napangiti ng mapait.
Kung pwede ko lang ibalik yung dating kami, yung dati naming pagkakaibigan lahat.
Napabalik ang tingin ko sa unti-unting lumulubog ng araw.
Hindi ako papayag na maging malungkot ka dyan Kookie.
Hindi ako papayag na iwan mo ko dito mag-isa.
Umatras ako ng kaunti bago nabuo ng tuluyan ang desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Cause of Death: LOVE (Short Story)
Short Story❝No one killed them, it's just because of love.❞