2013
Binuksan ko ang bahay na sinabi ni Jimin sa akin, pagbukas ko palang ng bahay ay bumungad sa akin ang nagkakaingay naming mga kaibigan, pagpasok ko palang sa pintuan ay nawalang bigla ang ngiti ko ng makita ko ang bagong lalaki.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jin, dati kong kaklase nung high school.
"Inimbitahan ako ng mga kaibigan mo dito." Aniya.
Napakunot ang noo ko bago ko napatingin sa paligid, hanggang sa narealize kong wala kaming pera, saan nila nakuha lahat ng pambili ng mga alak at ng mga gamit.
"Anong ginawa nila sa'yo?" Tanong ko sa kanya pero umiling siya sa akin.
"Hindi nila ako pinilit, nagkusa ako." Nakangiting sabi niya sa akin.
Kahit medyo labag sa loob ko ay napailing nalang ako, wala na akong nagawa dahil mukhang masaya naman si Jin sa ginagawa niya.
Napakunot ang noo ko ng makita kong tinulak nila si Jin sa sobrang kalasingan nila, nagkantyawan silang lahat, pipigilan ko na sana sila ng bigla akong hinawakan ni Yoongi sa braso para pigilan ako.
Hanggang sa kinalog ni Taehyung sa spray paint at nilagyan niya noon si Jin at ang dingding, nang makita kong tumatawa si Jin ay gumaan ang loob ko.
Nagpatuloy lang kaming lahat sa paglalaro, ito yung unang beses na nakapagparty kami ng madami kaming nagastos.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong tulog na silang lahat, alas kwatro na rin kasi ng umaga, nagkalat na lahat ng mga gamit na namin at ang mga feathers sa mga unan namin.
"Bakit gising ka pa?"
Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Jin hyung na nasa kusina habang umiinom ng tubig, napangiti ako at pumunta ako sa tabi niya bago ako nagsalin ng tubig sa isa pang baso.
"Hindi ako makatulog." Mahinang sabi ko.
"Hindi ba ay halos naubos nating dalawa lang ang isang bote? Dapat ay bagsak ka na." Natatawang sabi niya.
"Mataas ang alcohol tolerance ko." Natatawang sabi ko pero ang totoo niyan ay kanina pa umiikot ang paningin ko.
Ngumiti lang siya sa akin bago niya inonom yung malamig na tubig para siguro ay magisawan siya.
"Jin hyung..." Tawag ko sa kanya, napatingin siya sa akin.
"Sa tinigin ko hindi magandang ideya na nandito ka kasama namin kung alam mo namang may galit sa pamilya mo lahat ng kasama ko dito."
"Alam ko, kaya nga ako nandito di ba? Para humingi ng tawad sa inyo dahil sa ginawa ng mga magulang ko sa tinitirahan nyo." Aniya.
Anak ng Mayor si Jin hyung sa bayan namin kaya hindi ko maintindihan kung bakit nakikipagkaibigan siya sa aming mga halos kumakayod nalang para sa pera. Bakit ba napakabait niya, hindi ko iyon maintindihan.
"Huwag kang mag-alala, maaayos rin lahat."
Napatingin ako sa kamay niyang may pasa, napakunot ang noo ko.
"Saan galing yan?" Tanong ko agad sa kanya.
"Wala ito." Giit niya.
Napatingin ako ng diretso sa mata niya bago ko siya nilapitan ng bahagya, kaklase ko siya noon palang kaya kilang kilala ko na siya, noon palang ay halos lahat ng kaklase namin ay gustong-gusto siya dahil sa kabila ng magandang estado ng buhay niya at magandang mukha niya ay maganda rin ang ugali niya.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya ay wala ni isa siyang nagustuhan dito.
"Kamusta ka na nga pala?" Tanong niya sa akin habang pinapagpagan niya ang damit kong may kaunting dumi.
"Maayos naman." Sabi ko sa kanya bago ako bahagyang umusad papalapit sa kanya.
"Ang tagal na nating hindi nagkita Namjoon." Halos pabulong na sabi niya, napansin kong lasing na lasing siya kaya napakunot ang noo ko lalo na ng maramdaman kong pinaglalaruan niya ang kwintas kong nakasabit sa leeg ko.
"Jin hyung , alam mo matulog ka na. Lasing ka pa rin." Giit ko sa kanya bago ko siya hinawakan sa balikat niya, nakita kong napaangat ang tingin niya sa akin, kitang kita kong halos mapikit na niya ang mata niya sa kalasingan.
"Ako ba, hindi mo ba ko tatanungin kung kamusta na ko?" Tanong niya sa akin ng bahagyang dumikit siya sa akin, napasandal ako sa sink dahil sa ginawa niya, halos ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin.
"Kasi kung tatanungin mo ganoon pa rin ako, katulad pa rin ng dati..."
"Ikaw pa rin yung gusto ko." Aniya.
Bahagya akong natulala sa sinabi niya bago ko siya bahagyang tinulak palayo sa akin, "Hyung lasing ka na eh." Giit ko, pero umiiling lang siya sa akin.
"Hindi Namjoon, hindi. Alam ko yung sinasabi ko, maniwala ka naman." Mariin na sabi niya sa akin.
Tinitigan niya ako sa mata ko na para bang kinukumbinsi niya akong maniwala ako sa kanya pero papaano ako maniniwala?!
Naramdaman kong magkadikit na ang dibdib naming dalawa hanggang sa naramdaman ko nalang yung malambot niyang labi sa akin. Napapikit ako ng magsimula siyang halikan ako kaya naman kahit nanginginig ang kamay ko ay hinawakan ko siya sa baywang niya.
Nang maramdaman kong lumalalim na ang halik niya sa akin ay bahagya akong lumayo sa kanya.
"Makikita nila tayo." Bulong ko sa kanya pero hindi siya nakinig sa sinabi ko dahil niyakap niya lang ako.
"Wala akong pakealam Namjoon."
BINABASA MO ANG
Cause of Death: LOVE (Short Story)
Short Story❝No one killed them, it's just because of love.❞