Beginning of Something

87 11 5
                                    

"Ma'am bilin n'yo na po 'yan, bagay tiyak sa inyo 'yan." Bati ng ngiting-ngiting saleslady kay Tara. 

Inalis ni Tara sa pagkaka-hanger ang sequined hot pink top na saktong nadapuan ng kamay niya bago nagsalita ang saleslady. Sinipat-sipat niya iyon. Na para bang naniniwala siyang bagay talaga sa kanya 'yong damit kahit pa nga itsurang isang boobs lang niya ang kakasya doon. Ngumiti si Tara sa saleslady. 

"Sorry Ate, di bagay sa'kin kulay e." 

"Naku Ma'am may iba pa kaming kulay n'yan!" 

Aligagang naghalungkot sa hilera ng mga naka-hanger na damit ang saleslady habang kumukuda-kuda. Ni hindi man lang napansin na nagwalkout na ang beauty ni Tara. 

More than an hour na rin sigurong naglilibot sa mall si Tara. Patingin-tingin sa mga dress, shoes, at kung ano-ano pang girly stuff. Pero puro tingin, hindi naman bumibili. Hindi dahil sa wala siyang pambili ha, ang lakas nga niyang rumaket. Madalas na siya ang kinukuha ng mga malalaking tao, I mean VIPs, para mag-make up sa kanila. Saka in fair, maganda ang taste niya pagdating sa damit. Ang problema, madalas na 'yung mga style na nagugustuhan niya bagay sa mga petite. 

Nagpatuloy sa paglilibot si Tara. Hanggang sa nakakita siya ng isang halter dress na sobrang type na type niya. Tiningnan niya 'yon ng ilang minuto. Yung tipo ng tingin sa partner mo bago makipag-make love, puno ng pagnanasa at pagmamahal. Chos. Matapos ang ilang minutong pag-iisip, kumuha ng isang Large size si Tara at dumiretso sa fitting room.  

Excited na sinukat ni Tara ang dress. Halos lumipad ang mga damit niya sa pagmamadali .Iyon nga lang kaagad na nag-disappear ang excitement niya nang makita ang sarili sa salamin. Para kasi siyang boksingera sa suot. Pero to be fair, hindi naman 3 levels ang bilbil niya. Pambambo-like lang talaga ang mga braso. Malungkot na huhubarin ni Tara ang damit.  

Pasimple niyang ibabalik sa rack ang dress. Mapapansin siya ng dalawang petite at titingnan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa na akala mo kasing gaganda nila si Song Hye Kyo o si Emma Stone. Lalo tuloy na-insecure si Tara. 

Ewan ko ba naman kasi dito kay Tara, masyadong walang bilib sa sarili. Maganda naman. Talented. Chubby lang talaga. Pero meron ngang mas dabiana pa sa kanya pero wapakels sa iisipin at sasabihin ng iba. Short shorts at spaghetti strap galore ang porma.  

Maluha-luhang naglakad si Tara palayo sa dalawang babae. Dinaig pa ang eksenang dramarama sa hapon. Lalabas na sanay siya nang may makita siyang pamilyar na mukha na papasok sa store - walang iba kundi ang poging-poging si Adonis! 

Nagtago si Tara sa isang mannequin habang palihim na sinusundan ng tingin si Adonis. Parang model ito kung maglakad kahit wala namang catwalk. Hindi nagtagal, huminto ito sa hilera ng mga dress at namili. Bumibili siya ng dress para sa girlfriend? Sweet di ba?  

Sa itsura ng mukha ni Tara, kulang na lang mag-dialogue siyang parang hiniwa ang puso niya sa selos at inggit.  

Titingnan ulit ni Tara si Adonis pero sa muli niyang pagsulyap, mapapatingin din si Adonis sa kanya. Magkakatitigan sila ng mga 32 seconds bago nila ma-recognize na nakita nila ang isa't isa. Manlalaki ang mata ni Adonis. Mapapaupo naman si Tara sa likod ng mahabang table na lalagyan ng mga folded shirts. 

"Shet shet shet pakshet." Bulong ni Tara habang nakayukyok pa rin. 

Di magtatagal, mapapansin siya ng isa sa mga saleslady. Lalapitan siya nito at tatanungin kung anong problema. Sunud-sunod ang iling ni Tara sabay lagay ng hintuturo sa bibig. Hindi naman siya maiintindihan ng saleslady. 

Kasubuan na. Kesa naman ipadampot siya sa guard, napilitang tumayo si Tara. Pero agad din siyang yumuko at nagtago sa mga naka-hanger na damit. Nagtatakbo siya palabas ng store. Sa pagmamadali niya, di sinasadyang makakabunggo siya ng papalabas din.  

Her Boyfriend is A Beauty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon