I Love You, Patty!

367 17 12
                                    

"I LOVE YOU, PATTY!"

"Girlfriend ko 'to! Ganda talaga ng girlfriend ko! Hooo!" 

Sa hinaba-haba at itinagal ng prusisyon, ganun din katagal na paulit-ulit na isinisigaw ni Adonis na girlfriend niya si Patty at na maganda ito. Hindi para mang-asar o kung ano pa man kundi dahil proud na proud lang talaga siya na Reyna Elena ang girlfriend niya. First time e. 

Kaso sadya yatang malupit ang mga tao sa mga pangit. Lalo na sa mga matataba. Kaya si Adonis ayun, pinagtatawanan at umani ng sandamakmak na pangungutya. 

"Girlfriend daw niya o. Ulol mo! Baka nasa piggery girlfriend mo." Tukso ng isang barkadahan. 

Pero dedma lang si Adonis. Sige pa rin sa pag-cheer sa kanyang one and only Patty. 

Kung may listahan ng mga taong confident sa lugar namin, take note hindi mayabang ha, more of komportable sa sarili, tiyak na kasama si Adonis don. 

Kahit tumitimbang ng mahigit 100 kilos, hindi na makita ang leeg sa sobrang katabaan, at kung minsan pa nga nayayanig na ang sahig na dinadanaan, hindi nakikitaan ng insecurities si Adonis sa sarili niya. 

'Yun din siguro ang reason kung bakit parang attracted sa kanya si Tara. Feeling ko lang naman 'yon ha. Hindi masyadong confirmed. Hindi sa pagmamayabang pero ako yata ang pinaka-observant sa lugar namin. Walang nakakaligtas sa'kin. Ako ang panopticon. 

Going back, si Tara ay pamangkin ng kaibigan ng tita ni Adonis. Magaling na make-up artist.  Chubby pero hindi naman obese pero sadsaran ng insecure sa itsura niya. Isa siya o baka nga nag-iisang loyal customer ni Mang Johnny sa gym. 

Sino nga ba naman kasi ang mag-eenroll sa isang gym na ang anak ng may-ari e kasing laki ng mammoth. Kaya ayun, imbes na Good morning ang bati ni Mang Johnny kay Adonis, laging "Magpapayat ka naman" ang laman ng bibig niya. 

Sorry na lang si Mang Johnny dahil never, as in not a single day na na-bother si Adonis sa itsura niya. Tanggap daw niyang galing siya sa tabaing pamilya. At ang importante lang naman daw tanggap niya ang sarili, tanggap siya ng mga kapamilya, at higit sa lahat tanggap siya ng girlfriend na si Patty. 

Kahit naman kasi obese, di maitatanggi ang gandang lalaki ni Adonis. Artistahin nga siya kung sakaling papayat. Di na rin masama ang 5'11 niyang height. Matino rin naman ang trabaho niya bilang writer ng obituary at horoscope sa isang tabloid newspaper. Well, di kasing angas ng news writer pero pwede na. Sa totoo lang, kung ako si Patty wala na kong mahihiling pa kay Adonis. Puwera na lang siguro ang pagpapapayat. 

"Napagod ka ba? Gusto mo kargahin na kita?" nag-aalalang tanong ni Adonis kay Patty. 

Bubuhatin na sana siya ni Adonis pero mabilis na umiwas si Patty. 

"Ayoko. Nakakahiya." sabi ni Patty habang patingin-tingin sa mga taong naglisaw-lisaw sa harap ng simbahan. 

"Bakit ka mahihiya? Girlfriend naman kita." 

Hindi na siya nasagot ni Patty dahil na-excite na ito nang makita si Doc Brad, ang guwapong-guwapong resident doctor sa ospital na pinagtatrabahuhan nito. Agad lumapit si Patty kay Doc. Parang bodyguard slash bouncer naman na sumunod sa kanya si Adonis. 

"You're stunning. Beauty queen ang dating." bati ni Doc Brad. 

Pangalawang beses ko nang narinig na sinabi ni Doc 'yon kay Patty. 'Yung unang beses, nung minsang tumakbo ako sa ospital sa matinding sakit ng tiyan. Silang dalawa ang tandem sa ER non. Sabi ni Doc konting ayos lang daw kay Patty pwede nang sumali sa beauty pageant. 

In all fairness, tama naman siya. Pang beauty queen na nga ang ganda ni Patty nung natutong mag-ayos ng sarili. Dati-rati normal looking girl lang si Patty. Isang kayumangging manang na biniyayaan ng slim na katawan. 

Her Boyfriend is A Beauty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon