Adonis version 2.0?

209 8 7
                                    

Focused si Adonis sa ginagawang pagwo-workout. Ni hindi niya napansin ang pagdating ni Tara na akala mo na naman sinampal-sampal ang pisngi sa sobrang pagba-blush. Mukhang hindi pa siya nakaka-get over sa uber sweet na pagtatanggol sa kanya ni Adonis sa mall. Habang si Adonis, dedma lang. Pa-head bang head bang pa sa tugtog na pinakikinggan habang walang tigil sa pagda-dumbbell. 

Humugot ng malalim na paghinga si Tara bago lumapit kay Adonis. Bahagya niya itong tinapik sa balikat. Agad namang tinanggal ni Adonis ang nakapasak na headset sa tenga. 

"O, Tara. Ikaw pala." 

"Kumusta? Ahm...eto may binili akong damit para sa'yo. Di ko kasi alam kung pano ka pasasalamatan sa pagtatanggol mo sa'kin last time."

"Ano ka ba. Hindi mo naman ako kailangang pasalamatan nang ganyan. Kahit sino namang kaibigan gagawin 'yon."

 "Basta. Salamat pa rin. Uhm...nagustuhan ba ni Patty yung mga binili mo?" 

Sakto namang dumating ang dalawang dambuhalang pinsan ni Adonis at narinig ang tanong ni Tara. 

"Teka, teka, parang narinig ko 'yung pangalan ni Patty. Ano 'yon?" sabi ni Biboy na lumapit kaagad kina Adonis. 

"Oo nga. Wag mong sabihing bumalik ka na naman sa ulikbang 'yon." Sabat naman ng isa pang pinsan ni Adonis na si Lenkurt. 

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Tara sa magpipinsan. Clueless sa sinasabi ng mga ito. 

"Teka nalilito ako. Di ba----" 

Kaagad na tumayo si Adonis bago pa tuluyang matapos ni Tara ang sasabihin. 

"Nag-bake si Tatay ng lasagna." sabi ni Adonis kina Biboy at Lenkurt.  

"Tamang-tama! Gutom na ko!"

Walang pagdadalawang-isip na nag-unahan ang dalawang mataba niyang pinsan sa pagpasok sa bahay.  

"Pasok muna ako sa loob. Salamat ulit dito." sabi ni Adonis kay Tara. 

"Sandali, Adonis." 

Huminto si Adonis sabay lingon kay Tara. 

"Bakit? Nga pala, baka gusto mo ng lasagna?" 

"Ha? Busog pa ko. Saka kailangan ko ring magworkout. Si-sige." Sagot ni Tara kahit na ang gusto niya talagang sabihin e ano ang nangyari kay Adonis at Patty. 

Ngumiti lang si Adonis at saka tumalikod.  Inis namang binatok-batukan ni Tara ang sarili niya.  

___________________ 

Kung inakala n'yong going smooth na ulit ang tambalang Patty at Adonis, 'yon din inakala ko nung una pati 'tong si Tara. 

Pero ang totoong kwento, matapos ang ginawa ni Adonis na paggy-gym, Diet, Hiking, Diet, Zumba, Diet, Body attack, Diet. Biking, Diet, Yoga, Diet, Triathlon, Diet, Running, Diet, agad siyang nagpunta sa bahay nina Patty sa pagbabakasakaling kapag nakita siya nito na ubod na ng fit at gwapo, makikipagbalikan ito sa kanya. 

Hindi pa rin lifted ang restraining order kaya walang choice si Adonis kundi mag-abang lang sa paglabas ni Patty, ilang metro mula sa bahay nito. May ilang oras siyang naghintay. Nakailang merienda nga ang dalawang pinsan niya para maalis ang inip. 

Hindi naman sila nabigo dahil lumabas din si Patty after a couple of hours. Halos magtumalon ang puso ni Adonis pagkakita sa girlfriend. Este ex-girlfriend. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at kumaway. Gumanti ng ngiti si Patty. 

Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ni Adonis. Sa sobrang detalyado nga, tingin ko kayang ipinta ni Da Vinci sa isang tinginan lang. 

Napatayo rin mula sa kinauupuan ang mga pinsan niya. Mangiyak-ngiyak pang naghawak ng kamay ang mga ito habang pinanonood ang nalalapit na reunion ng dalawa. 

Her Boyfriend is A Beauty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon