"Athena!" Sigaw ko habang papalapit sa bestfriend ko.
Napatingin siya sakin.
"Ano yun Aaron?"
"Para sayo." Sabay abot ng bulaklak na hinanap ko pa para lang may maibigay sakaniya. Kahit mainit, kahit nakakapagod okay lang.
"Wow thank you best friend! :) i love you!" Sabay yakap niya sa'kin.
Balewala ang init, ang pagod kapag siya na ang nagsalita. Pag kasama sa binigkas niya ang salitang mahal kita.
Ngumiti ako sabay yumuko, dahil tiyak ang mukha ko ay namumula na dahil sa sinabi niya.
Oo nga pala, hindi ko pa napapakilala. Ako nga pala si Aaron Santos, at siya naman si Athena... si Athena Medrano.
6 years na kami mag bestfriend ni Athena simula Grade 3 hanggang ngayon na second year highschool na kami. Una kaming nagkakilala ni Athena nung pinagtanggol ko siya sa mga nambubully sakaniya noon.
Ganito kasi yan...*Flashback*
Lagi ko ng nakikita si Athena nun na binubully kadalasan ng mga kaklase niya. Tuwing lalabas nalang siya lagi nila itong sinasaktan at pinapahiya. Ni wala man lang ibang taong nanananggol sakaniya nananatili nalang siyang umiiyak at nagiisa.
Hanggang sa isang araw nung uwian namin...Pagkalabas ko ng room namin at paglakad sa hallway papunta sa labas may narinig akong mga sigawan kasama narin doon ang iyak ng isang babae.
Hinanap ko kung saan galing ang iyak, at nakita ko sila sa garden ng school.
Pinagtutulungan siya ng mga babae, pinagbabato siya ng notebook at pinagbabato din ng mga masasamang salita.
Siempre ako bilang lalaki ano pa bang gagawin ko?Bigla bigla akong tumakbo sa harap niya at sinalo lahat ng mga batong notebook.
Nagulat nalang yung mga babae kasi bigla akong sumulpot at sinabing "Itigil niyo nga yang mga pinaggagagawa niyo sakaniya. Napaka sama ng ugali niyo gusto niyo isumbong ko kayo kay teacher?" At dahil doon ay wala na silang nagawa kundi tumigil at umalis.Sabay lingon ko sakaniya.
"Okay ka lang ba?" Sabi ko habang kinakapa ang ulo ko kung may bukol ba dahil sa pagsalo ko sa mga notebook.
Nagpunas siya ng luha niya at ngumiti.
"Okay lang. Salamat ha." Maikli pero napakagandang pakinggan na sagot niya.
"Walang anuman" tipid ko namang sagot.
Hanggang sa tinulungan ko siyang tumayo.
"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko.
At agad agad naman siyang sumagot ng
"Ako si Athena, ikaw?"
"Aaron." Sabay kapa ulit sa ulo ko dahil parang may mahapdi.
Hanggang sa napansin niya at sinubukan niyang hawakan.
"Aray!" Sigaw ko ng malakas.
"Bukol! Nako sorry talaga dahil saakin nagkabukol kapa." Nagaalalang sabi niya
Pero tumawa lang ako para sabihin sakaniyang okay lang ako. At para hindi na siya magalala. At napatawa nalang din siya sa ginawa ko.
At simula noon lagi na kaming magkasama,di na rin siya binubully kapag andiyan ako at dahil doon mas naging close pa kami at nung tumagal naging mag bestfriend.
BINABASA MO ANG
"Pagkakataon"
RomanceEto ang kwento tungkol sa dalawang taong hinarap at hindi natakot na sabihin ang totoo nilang nararamdaman sa isat isa. Sila si Athena at si Aaron. Sabay sabay nating alamin ang istorya nilang dalawa at kung paano nila hinarap ang takot nila sa nga...