Hindi ko nga alam kung bakit nabubully si Athena e, kasi isa naman siyang napakabuting babae. Minsan nga lang medyo makulit dahil tinotopak, lagi ako ang
inaasar, pero hinahayaan ko lang... kasi hindi naman ako naiinis e. Katunayan ay natutuwa pa nga ako.Nung una hindi ko alam kung bakit, bakit di ko na kayang mainis sakaniya, ayokong inaaway siya, lagi ko siyang inaalala, ayokong nasasaktan siya, ayokong nagtatampo siya kasi tiyak na susuyuin ko agad. In short ayokong mawala siya sa akin... sa buhay ko,
Siguro normal lang talaga kasi nga bestfriend ko siya.. Kaso minsan parang may pakiramdam akong iba e. Hanggang kailan ko ba itatago? Na may lihim na akong pagtingin sakaniya?Siya ang kauna unahang crush ko. Pero siempre di ko pwedeng sabihin kasi baka mailang siya dahil mag best friend kami.. at isa pa dun sa mga inaalala ko baka kapag umamin ako masira ang pagkakaibigan namin. E ayoko naman ng ganun kaya naman tago tago na muna. Kaya ko naman e kahit nakikita ko na siyang masaya sa iba.
Oo masaya na, may nagmamahal na sakaniya e, hindi lang ako... at ang masaklap pa dito mahal niya din kasi. :( May nagpapasaya na sakaniya... Yung ibang saya... hindi pang bestfriend kundi pang true love.
Minsan nasasaktan na ako pero tuloy padin. Masaya rin naman ako kasi nakikita't nakakasama ko siya.. kontento na ako dun.
Kaya lang kasi ang problema, sa pang araw araw na nakikita ko siya mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko sakaniya. Hindi na nga ata crush to e. Kundi pag ibig na.
Oo mahal ko na siya.
At alam kong hindi pwede yun dahil mag best friend kaming dalawa. Mas mabuting lumayo nalang ako baka sakaling mawala.Itatago ko nalang ang nararamdaman ko na parang wala lang ang lahat. Kailangan kong umiwas para di na ako maapektuhan at hindi narin ako masaktan. Magbabakasakali nalang akong mawala na ang nararamdaman ko sakaniya.
After nun hindi na ako nagparamdam kay athena, Nagtataka na nga siya kung bakit ganito ako. Ilang beses niya akong kinontak pero di ko sinasagot ilan beses rin siyang kumatok sa bahay pero di ako nagpapakita.
BINABASA MO ANG
"Pagkakataon"
RomanceEto ang kwento tungkol sa dalawang taong hinarap at hindi natakot na sabihin ang totoo nilang nararamdaman sa isat isa. Sila si Athena at si Aaron. Sabay sabay nating alamin ang istorya nilang dalawa at kung paano nila hinarap ang takot nila sa nga...