Hanggang sa
Naalala kopa, nung hinabol moko sa airport papuntang america. Isasama na ako ng dad ko at dun na ako titira. Masakit man, pero dapat kayanin. Nakiusap kapa na wag na akong umalis kaya lang you're too late."Sorry" nalang ang nabitawan kong salita.
pagkatapos neto hindi narin ako magpaparamdam para tuluyan na talagang mawala."Kailangan kong umalis, sana maintindihan moko. Babalik ako. Babalikan kita... Pero sana, sa pagdating ko hindi ka galit sakin. Mamimimiss kita athena. "
Wala siyang nagawa kundi umiling at yumakap saakin ng mahigpit hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko at ganun din siya...
Hanggang sa bumitaw na siya at ako'y tuluyang umalis na.Umaasa nalang ako na kapag nagkita kami wala natong nararamdaman ko. Or kung bumalik ako na mahal ko padin siya handa na akong ipaglaban ang nararamdaman ko para sakaniya ng walang halong takot, kundi handa lang magsabi ng totoo.
Bale pumunta ako sa america mag cocollege na.
Lumipas ang 6 na taon.
Bumalik ako sa pilipinas upang dalawin si Athena pero laking gulat ko nung wala na sila sakanila. Lumipat na pala ng bahay.
Pumuntang maynila.Since di ko alam ang eksaktong address nila, kailangan ko munang maghanap at magtanong tanong. At siempre di ko naman kaya ng 1 araw lang yun.
Pumunta akong maynila. Isa na pala akong Architekto ngayon... at excited akong malaman kung ano na ang trabaho ni athena ngayon dahil noon ang gusto niya ay ang maging engineer.
Naalala ko nanaman tuloy nung nangako kami sa isat isa na magiging partner kami lagi at magpapatayo kami ng sarili naming kompaniya. Namiss ko nanaman si athena. Namimiss ko na ang bestfriend ko na mahal na mahal ko. :(Nag rent ako ng apartment sa maynila. Pansamantalang nag leave sa trabaho ko sa america at nag apply ng bagong trabaho dito sa maynila.
Ilang buwan din ang lumipas.
Di parin ako nawawalan ng pag asang hanapin si Athena..
Kung saan saan nadin ako napadpad na lugar dahil may mga nagsasabing andoon si Athena pero wala naman talaga. Sayang lang ang pagod pero di parin ako sumuko. Dahil gusto ko na talaga siyang makita.Hanggang sa lumipas nalang ang isang taon, di ko namalayan 1 taon ko narin palang hinanap si athena.
Kaya lang parang hindi talaga gusto ng tadhana na magkita kami. Panahon na rin siguro para magpahinga. Ayoko na suko na ko. Hindi na ako aasa. Kasi pagod na pagod narin naman ako.
Nawalan ako ng pag asa. Hindi ko na talaga hinanap si Athena.
BINABASA MO ANG
"Pagkakataon"
RomanceEto ang kwento tungkol sa dalawang taong hinarap at hindi natakot na sabihin ang totoo nilang nararamdaman sa isat isa. Sila si Athena at si Aaron. Sabay sabay nating alamin ang istorya nilang dalawa at kung paano nila hinarap ang takot nila sa nga...