Totally Different

157 6 5
                                    

Hi there readers. Inedit ko lng tong story. yung first chapter date eh 2nd chapter na ngayon. Ito na po ang 1st chapter. :) hihi. sorry for the in-convinience.

Lel.

=====================================================

STAR'S POV


Hi there! Ako nga pla si Trinity Star Ventura, 17 yrs old. Nag-aaral sa Minthony Academy, 5th year highschool, Section C.


I have a long curly black hair, katamtaman ang tangos ng ilong ko, red lips, brown eyes and chubby cheeks. In short simple lang at maganda rin kahit ganito.

"Huy best. Okay ka lang? kanina ka pa tulala. Lunch na oh." sabi ni Zhailyn saken. Bestfriend kung makulit at hyper. Well ako rin naman eh, pero mas hyper 'tong isang to. Minsan lng yan magseryoso.

"Ah. E-eh, oo. Wala lang, puyat lang siguro. Tara" pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan. Lately kase ang dami kong natatanggap na text messages na uhmm, sweet, parang ganun.

Habang papunta kame sa canteen nag-vibrate na naman ang phone ko. Tinignan ko kung sino. From anonymous na naman.


When I look at you my day is complete. You make my life perfect. <3  - anonymous

"huy. Sino yan. Anonymous who?" tanong sakin ni bess. Nabasa niya rin pala yung message.

"Ewan ko rin. Kahapon pa 'to eh."

"May paganyan ganyan pang nalalaman."

"I know right." 

"Kinikilig ka naman." sabi niya habang sinisindot ako sa tagiliran. 

"Gaga. Hindi no. No Way. Itigil mo na nga yan" sabi ko sabay palo sa kamay niya. Yunng mahina lang.

"ouch." sabi niya sabay fake iyak pa ang gaga.

"itigil mo nga yan. Hindi ka cute."pang-asar ko sanakanya.

"ang bad bad mo. Huhuhu"

"che." sabi ko sabay iwan dito at nauna na sa canteen.

"uyy wait lng bess!" rinig kung sigaw ni Zhai.

Hinayaan ko lng siya.

Nang makapunta kame sa canteen umorder na kami at kumain.

Habang kumakain kami. 'Di nawala ang ingay, chismis at kulitan sa canteen.

Hindi rin nawala ang pagala galang mga guro na nakakapagtahimik sa canteen.

Pa 'no ba naman eh nakakatakot ang binibigay nilang aura sa 'min kala mo kung may nagawa kaming malaking sala

Natapos na kaming kumain.

"Uyy bess mauna ka na sa classroom, may kukunin lang ako sa locker." paalam ko kay Zhai.

"okay." sagot na habang ngumunguya ng bubblegum.

Pinanood ko munang pumunta ng classroom si Zhai bago ako tumungo sa locker room

"psssst"

Lumingon ako sa paligid ko pero wala akong makitang kahit sinong tao.

"psssst"

Baka hindi ako. Napa-iling nalang ako sa mga kalokohan ng mga kabataan ngayon. Naglakad nalang ulit ako patungo sa classroom.

Ilang segundo pa ay may sumitsit ulit sa 'kin.

'Makulit ang hayop.' sabi ng isip ko.

Linagay ko nalang yung earphones ko sa tenga ko kahit walang music. Ganun lang mga pre. 'yun din tumigil na rin ung sumi-sitsit sa 'kin.

Nang makarating na ako sa locker ko, pakiramdam ko may gumalaw sa locker ko. dahan-dahan kong linagay ang password sa locker at binuksan ko ito. Nagulat ako sa nakita ko.

Tama nga ang hinala ko.

Bumungad sa 'kinang isang bouquet of roses at mga tsokolate.

Tumingin ako sa paligid ko. Wala namang tao ah. May stalker kaya ako? Tsaka pano niya nalaman ang password ko?

"waaaaaaaaaaah!"

"OMG ang gwapo mo talaga !"

"akin ka nlng!"

tsk. Ang ingay ng mga fan girls na yan.

Dumadaan kase ang crush ng bayan/ heartthrob na si Flame Torres.

Hindi ako naapektuhan sa charm niyan. Never.

Nang makuha ko na ung libro ko linagpasan ko nlng sila, ang iingay.

Pumunta na ako sa classroom at umupo.

Pero bago ako umupo ay mayroon akong napansin na maliit na bagay sa ilalim nang mesa ko.

Palihim ko itong tinanggal at sinira.

Linabas ko ang aking cellphone at tinextan siya sa mga nangyayari.

Saktong pumasok naman ang aming guro para sa hapon sa klase.

Habang nagtuturo si Ma'am Cortez ng filipino ay pilit kong inaalis sa isipan ko ang mga nangyari ngayong araw. 'Di ko alam kung bakit ako binabagabag ng mga ito.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng uniform ko. Kinuha ko ito at may natanggap akong text galing sa kanya. Palihim ko itong binasa at tama nga ang hinala ko.






Totally DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon