Revelations

21 4 0
                                    

MOON'S POV

Nandito kami ngayon sa tagaytay. Naka-confine parin si Star. She's been sleeping for two days straight already.

Ang kasama ko ngayon ay sina Jennika at Flame. Si Hell at Frelina may ginawa munang importante. Papunta na siguro sila dito.

"How is she?" Tanong ng kadarating na sila Hell at Frelina. Nakalimutan ko nga pala mag MU 'tong dalawang 'to.

"She's fine. May mga ilang tama ng bala sa katawan niya at madaming nawala sakanyang dugo. Pero sabi ng doktor okay lang raw siya. She just needs to rest." Sagot ni Jennika sa tanong ni Hell.


"Ano bang nangyari?" Tanong ni Frelina.

" May nakakita raw sakanya sa kalsada malapit sa tagaytay. Kaya dinala nalang dito. Tinanong namin yung mga nurses kung sino yung nagdala pero ang sinagot lang samin 'di raw nila alam kung sino pero matandang lalaki raw." Sagot ko.

"Pasecret much si lolo." sabi ni Frelina at umupo sa sofa habang kinakalikot ang phone niya.


Haaay. Gumising ka na sana Star. Parang awa mo na.

"San ka pupunta?" Tanong saakin ni Hell habang binubuksan ko ang pintuan.

"Diyan lang sa labas. Magpapahangin." Sagot ko sakanya at naglakad papuntang chapel.

"Kamusta na? Agent M?"

Isang pamilyar na boses ang nadinig ko galing sa likod ko.

Wait. Agent M? Iisang tao lang ang tumatawag saakin 'nun.

It can't be.

Di to maari!

Pagtalikod ko ay nagulat ako sa nakita ko.

P-paanong?


JENNIKA'S POV

Alam kong mahirap para saamin 'to ngayon lalo na't —


"OMG!" sigaw ni Frelina at napatayo pa.

"Anong problema?" tanong ng natatarantang si Hell. Kahit kelan talaga napaka-OA ni Hell pagdating kay Frelina.

"Z-Zhai." Sabi niya at napatakip sa bibig niya at lumuluha na. Dahil 'dun nahulog ang phone niya pero buti at nasalo ko ito. Pagtingin ko sa screen ng phone nagulat ako sa nakikita ko.


Si Zhai.


Sira sirang damit. Ang katawan niya puno na ng dugo. Madaming saksak sa kanyang katawan at bakas rin ng mga hampas galing sa latigo. Bruises are all over her body.


"What the fuck." Nabulalas ko nalang sa aking sarili. Inagaw naman ni Hell ang phone at nang makita niya iyon ay napasuntok na siya sa pader.


"Anong nangyayari?" Tanong ni Moon habang papasok palang ng pintuan. Yung buhok niya gulo gulo at para siyang nakakita ng multo.


Kinuha ni Moon yung phone na tinititigan ng taimtaim ni Hell.

"Ano to?!" Sigaw ni Moon.

Walang sumagot ni isa sa amin. Lahat kami ay tulala at nag aalala. Una si Star tapos ngayon naman si Zhai na wala man lang kalabanlaban? Ano bang nagawa namin sa inyon mga hayop kayo?

Totally DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon