Sun Artifact

32 3 0
                                    

STAR'S POV


Dilim. Tumingin ako sa paligid pero dilim lang ang nakikita ko. Asan ba ako? Takbo lang ako ng takbo. 'Di ko alam kung saan ako pumupunta. 'Di ko rin nakikita kung saan ako pumupunta. Wala akong makita.

Takbo lang ako ng takbo ng bigla akong nadapa. Kinapa ko ang bagay na nasa paanan ko. Nagulat ako dahil biglang nakita ko ang bagay na nasa paanan ko. Na tila ba iyon lang ang nakikita ko.


Isang katawan.


Isang katawan na puno ng dugo. Isang katawan na punong-puno ng mga saksak. Nakatalikod saakin ang katawan. Dahan dahan ko itong pinaharap saakin. Unti-unting tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata. Tumingin rin ako sa paligid ko. Nakita kong bigla biglang nagpapakita ang mga patay na katawan. Sina Kuya, si Hell, Si Zhai, Si ate Frelina, si Ate Jennika at si mama at papa. Puno ng dugo ang kanilang mga katawan. Mga saksak na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Pagtingin ko sa sarili ko, nagulat ako. Puno ng dugo ang puti kong t-shirt. Ang mga kamay kung may mga bahid ng dugo at may hawak rin akong kutsilyo.


Hindi. Hindi.

"S-star. B-bakit?" Mahinang usal saakin ni Flame.

"B-bakit?" Usal rin naman ni Kuya.

Maya-maya ay lahat na sila ay nagsasabi ng bakit.


Hindi. Hindi. Hindi ako ang gumawa nito. Hindi.


"Hindi! Hindi ako ang pumatay sa inyo! Hindi!" Sigaw ko habang tumatakbo. Para na akong mababaliw sa mga nangyayari.

"Flame! Kuya! Hell! Zhai! Frelina! Jennika! Hindi ako ang may gawa nito! Hindi! Hindi ako!" Sigaw ko ulit habang patuloy na uma-agos ang luha sa pisngi ko. Hindi.


Isang panaginip. Isang masamang paniginip lang ito.


"Hiiiiinnnnnddddddiiiiiii!" Sigaw ko bago ako napahiga sa madilim na lugar na ito.


MOON'S POV

Nandito kaming tatlo ngayon sa labas ng kwarto ni Zhai. Walang katao-tao dito sa hall way maliban sa mga nurse na nasa reception area.

"Di ko maintidihan. Ang parents ni Zhai at ang magulang mo ay iisa? Akala ko ba magpinsan kayo?" naguguluhang tanong ni Hell kay Frelina.

Ako rin ay nagulat sa sinabi saamin ni Frelina at Jennika.

"Oo. Tinago namin iyon kay Zhai dahil ayaw naming pati siya ay madamay sa trabaho ng magulang namin at pati na rin siya. Pero nag-iba ang lahat ng biglang namatay ang mga magulang namin. Sigurado kaming ang mga pumatay sakanya ay dahil sa pagpatay sa isang pamilya na kung sino ay 'di ko alam. Ngayon nagbabalik ang mga kasamahan ng mga magulang namin para kunin si Zhai dahil akala nila ay si Zhai ang pumatay sa magulang namin dahil nung nadatnan namin ang mga bangkay ng magulang namin ay nandoon si Zhai na may hawak na kutsilyo. Tinago ko siya sa lahat. Tinago ko rin ang totoo naming pagkatao hanggang sa mahanapan namin ang lolo niyo na siyang tumulong saamin upang bumangon muli. Upang kalimutan ang nakaraan.Bumangon kaming tatlo ng payapa, ng walang gulo." Malungkot na kwento saamin ni Frelina.

"T-tatlo?"Sabay naming tanong ni Hell.

"May kambal si Zhai." sagot saamin ni Frelina. Gulat namin siyang tinignan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Totally DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon