Surrender 2.5

25 7 0
                                    

STAR'S POV


Of all the people capable of doing this to me. Why him?

"W-Why?" I asked. Nearly on the verge of crying.

"Why? Tinatanong mo pa kung bakit? Dahil sa'yo naging misirable ang buhay ko! Inagaw mo lahat ng gusto ko! Ngayon na wala ka ng maalala pwede na kitang patayin!" Sigaw niya saakin.

"Anong walang maalala?" Tanong ko sakanya. Pero 'di niya ako sinagot.

"Sagutin mo ako!" Sigaw ko sakanya at nagpumiglas.

"Nagka-amnesia ka tanga!" sigaw niya pabalik saakin.

"P-paano?" Tanong ko.

" 'Di mo na kailangan pang malaman dahil mamamatay ka rin lang!" Sigaw niya saakin at sinugod niya ako habang hawak hawak ang isang kutsilyo.

Shit. Napapamura nalang ako sa isip ko.

Dali dali 'kong tinanggal ang kamay ko sa tali. Natanggal ko ito habang wala pa siya kanina.

Nakalapit na siya saakin at akmang sasaksakin ako pero umiwas ako kinuha ang kutsilyo galing sakanya. Ginamit ko ang pagkakataon na ito at dali daling pinutol ang tali ko sa paa.

"Walang hiya ka!" Sigaw niya saakin at sinuntok ako sa pisngi. Napahiga naman ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok niya saakin. Feeling ko namamaga na ang pisngi ko. Dali dali akong tumayo at kinuha ang nabitawan 'kong kutsilyo. Hinarap ko siya at naghintay ng tamang oras para sumugod sakanya.

" Wala ka nang magagawa pa. Mamamatay ka ngayon 'din. " sabi niya saakin at sinugod ako. Tumakbo rin naman ako papalapit sakanya at iwinasiwas ang kutsilyo na dahilan para masugatan siya sa pisngi.

"You bitch!" Sigaw niya saakin at lalong nagalit dahil sa ginawa ko. Naglabas siya ng isang pistol galing sa likod niya. Pinaputok niya iyon sa akin pero dahil mabilis ang reflexes ko naka iwas agad ako at sinugod siya. Sinaksak ko siya sa kamay dahilan para mapasigaw siya. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon at inagaw sa kanya ang baril.

Sakto naman na may pumasok na dalawang lalaki sa loob. pinapaputok ko ang pistol at tumama iyon sa ulo nila. Tatakbo na sana ako pero nahawakan niya ang paa dahilang para matumba ako at mabitawan ang baril. Pumaibabaw siya saakin at sinakal ako. Namataan ko ang isang rifle sa gilid ko. Galing siguro sa dalawang lalaki na pumasok kanina. Inabot ko ito pero di ko kaya. Kinalamot ko siya at sinuntok siya sa tiyan dahil para matulak ko siya at tumayo. Dali dali 'kong kinuha ang rifle at tinutok ko sakanya.

Ngumisi lamang siya at tumawa ng tumawa.

"Magaling. Pero 'di mo ako matatalo!" sigaw niya saakin.

Nababaliw. 'Yun agad ang pumasok sa isip. Nababaliw na siya.

Pinaputok ko ang baril sa bandang hita niya kaya lalo siya napasigaw.

Lumabas agad ako sa kwarto na iyon at tumakbo. Pero biglang may humarang saakin na dalawang lalaki at pinaputokan ako kaya nakuha ang braso ko at ang pisngi ko. Pinaputokan ko rin sila at natamaan sila sa tiyan. Tumakbo ako ng tumakbo. Mukhang meron ako sa isang abandonadong building. Masyado naman ata siyang kampante sa pagkulong saakin dito. Wala na akong makitang mga gwardiya.

"Bumalik ka dito!" Narinig 'kong sigaw niya saakin. Lumiko ako sa isang hallway at may nakita akong hagdanan. Dali dali akong bumaba ng hagdanan nang may marinig akong mga ingay.

"Pare inom pa!" narinig kong sigaw ng isang lalaki. Dali dali akong nagtago sa likod ng mga natambak tambak na mesa sa gilid ng hagdan.

"Asan siya? Asan siya!" Sigaw niya sa mga nag-iinoman.

"Boss sino?" tanong ng isang lalaki na puno ng tattoo ang katawan at may dalang machine gun.

"Si Star! Asan siya?!" sigaw niya sa lalaki.

"Boss wala pong dumaan dito na babae kanina." sabi ng lalaki.

"Hanapin niyo!!" sigaw niya at inagaw ang rifle sa isang lalaki habang tumatakbo. Napatingin siya sa gawi ko at ngumisi. Shit alam ba niyang andito ako?

Naglakad siya papunta sa gawi ko at pinaputokan ang pintuan sa tabi ng mga mesa. Phew akala ko mamamatay na ako.

"Lumabas ka Star!" Sigaw niya at sinipa ang pintuan kaya nabuksan ito. Pumasok siya at ang mga lalaki. Naghintay ako ng tyansa at lumabas sa pinagtataguan ko ng makita 'kong wala ng mga lalaki sa pinag-iinoman nila kanina.

Tumakbo ako malapit sa pintuan pero naka-lock ito. Maswerte na siguro talaga ako dahil ma susi malapit sa pintuan. Kinuha ko ito at binuksan ang pintuan. Lumabas na ako pero malas lang dahil walang malapit na gusali. Pero merong kalsada sigurado akong mayroong dumadaan sa sasakyan dito. Ang kailangan ko munang gawin ay maghintay at magtago. Tumakbo ako para maka-alis na ako 'dun.

"Hindi ka makakatakas Star!" Narinig 'kong sigaw niya. Shit.

Pinaulanan niya ako ng bala at nakuha niya ang hita at paa ko. Shit. Madaming lumalabas na dugo. Nagsilabasan ang mga kasamahan niya at sinugod ako. Binato ko sakanila ang granada na napulot ko kanina.

"Mapapatay rin kita Star!" Sigaw niya kasabay ng pagsabog. Tumakbo ako pero 'di ko na kaya. Masyadong madami na ang dugong nawala saakin. Galing sa pag torture saakin at sa mga sugat na nakuha ko. Napahiga nalang ako sa kalsada. Dito na ba? Katapusan ko na ba? Nakuu naman Star wag kang mag-drama diyan kailangan mo pang mabuhay. Kailangan mo pang masigurado kung nawalan ka nga ng memorya. Kasi ikaw. 'Di mo alam kung nawalang ka ba ng memorya o hindi.

Kailangan mo pang mabuhay.

Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtigil ng isang sasakyan sa harapan ko.

"T-tulong." Nasambit ko nalang sa bumabang lalaki sa harapan ko.


+++++++++++++++++++

Late upload. bawi ako pramis. xD

Totally DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon