Bakit?

16 0 0
                                    


Javier

"Putang ina brad alam mo ba yang feeling na ang sarap at ang gusto mong tanungin mo sa taong mahal mo kung bakit? putang ina."

"Brad tama na. May tama ka na oh. Kinakausap mo ang wala."

"Hindi eh. Bago matapos ang gabing ito meron lang naman akong gustong tanungin sa kanya.

Yung ano lang naman brad eh yung bakit siya? bakit siyana wala naman siyang ginawa? Isang linggo ka lang niya nagustuhan pinatulan mo na agad??? kasi ba lalakeng lalake siya at ang gwapo niya? putang ina.

Ako kasi brad ilang buwan, sa totoo lang mag iisang taon na akong patay na patay sayo. Ilang beses ko pang tinanong sa sarili ko kung bakit pa ba kita hinihintay na wala naman akong pag-asa sayo pero parati kong naaalala na worth it ka. Ikaw ay karapat dapat sa oras ko at ikaw ay mahalaga.

Alam mo nung una palang kita nakita nasabi ko na eto, worth it to. Inisip ko pa lang nun na di ako mahuhulog sayo pero sino ba ang niloloko ko? Hinanda ko ang sarili ko na masaktan kasi alam kong marami rin ang magkaka at nagkagusto sayo pero putang ina di ko naman inakala na ganito pala ang tama.

Na ganito pala kasakit.

Naging karapat dapat ka alam ko. Pero karapat dapat ka pa rin ba?

Ayos lang sa akin na malaman na mayroon akong kaagaw pero di ko naman inakala na ang kaagaw na iyon ay magugustuhan mo rin pabalik.

Alam kong dapat masaya ako kasi masaya ka at matagal mo na rin tong hinintay pero gusto ko lang talaga tanungin bakit.

Bakit ang unfair?

Bakit siya pa na nagustuhan ka lang sa mga asar ng iba?
Bakit pa siya na kilalang nanloloko ng iba?
Bakit pa siya na ang mga ginawa lamang ay ichat ka at ilike lahat ng pinopost mo?
Bakit di ako na sa harap harapan gumagawa ng paraan?
Yung hindi lang sa isang screen banat ng banat?
Putang ina bakit ganon? Putang ina bakit nung andito ako di mo ako pinili, bakit nung andito ako di mo ko ginusto pabalik, bakit nung andito ako hindi mo ako binigyan ng chansa na mahalin ka? Putang ina bakit lang. Bakit?

Paminsan naiisip ko kung bakit kaya kong lokohin ang sarili ko para sayo pero putang ina kasi nga siguro ay mahal kita.

Pero sa totoo lang talaga,

Bakit ganon?

Bakit ngayon pa?

Bakit siya?

Bakit hindi ako?

Bakit...

Bakit ikaw pa?"

"May tama ka na nga."

Pagsapit ng Ala UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon