Chapter-2

35 0 0
                                    

Dumretso kami ng kuya ko sa bahay namin. as in yung bahay ng magulang ko yung tirahan ko nung high school pa ako. Kinakabahan ako, hindi ko kasi kinausap pa yung magulang ko pag ka tapos ng nangyari. Sinubukan nila kong kausapin pero ako ang umaayaw dahil masyadong malaki ang pangalan ng magulang ko sa mundo ng negosyo at ayoko gumawa ulit ng bagay na ikahihiya nila ako.

Huminga ako ng malalim, and tumango sa sarili ko. Naisip ko na masyado na ring matagal ang nakalipas at kelangan ko nang makita ang magulang ako. Sa totoo lang gusto ko rin naman makita sila kaso wala lang talaga akong mukhang maihaharap sa knila.

Kukunin na sana ng mga katulong namin yung mga bagahe ko, ngunit pinigilan ko sila "Manang wag na po, ipapahatid ko nalang ang mga yan sa bahay ko. Mga bukas din naman po ng umaga eh aalis din po ako." nginitian niya lang ako pabalik ang nag bow sa kin sign ng isang paggalang.

"Hindi ka dito titira?" tanong ng kuya ko.

"Hindi naman talaga ko nakatira dito simula nung nag college ako kuya, iba na ang bahay ko simula nung nag kolehiyo ako." Derestong tingin ko sa pinto habang nag sasalita ako.

"Dito ka matulog ngayong gabi at bukas ng hapon o kaya umaga ay ihahatid kita sa condo mo" tumango nalang ako dahil expected ko na rin naman na di ako mag stay ng isang araw.

"Ipahatid mo sa tauhan mo yung mga bagahe ko." tinignan ko siya nung hindi siya sumagot sa sinabi ko, tinaasan ko siya ng kilay nung nakita kong nakatitig lang siya sakin "May problema ba sa mukha ko?"

Umiling siya at ngumiti, yung ngiting totoo at nag papakitang masaya siya "Tatlong taon na ang nakalipas simula noong naging kumpleto tayong pamilya at masaya lang ako sa nangyayari."

Binigyan ko siya ng isang simpleng ngiti, at pumasok na kami sa loob ng bahay. Binati ako ni Manang Rosie yung yaya ko simula 5 yrs old ako. "Aba lalong gumaganda ang aking alaga."

kinagat ko ang ibabang labi ko at ngumiti sa kanya, pag ka tapos ng mga nangyari gumanda pa ko? sobrang stress ako kakaisip at gumaganda pa ko. "Ngunit ang laki ng pinayat mong bata ka."

Sigurado ngang malaki ang nabawas ko sa timbang ko dahil hindi ako makakain ng maayos. Hindi sa hindi ako marunong mag luto sa totoo lang marunong naman ako since may sarili nga akong condo at natuto ako sa mga gawaing bahay. Hindi lang talaga ako inaatake ng gutom ko kaya hindi ako masyadong kumakain.

"Halika na at nag hihintay ang magulang mo sa kusina" Sinamahan niya kame sa kusina at nakita ko ang mga magulang kong na ka ngiti sakin. 

Kaya pala hindi ako niyaya ni kuya na kumain sa labas dahil nag handa pala sila mama dito sa bahay. Simple lang naman ang handaan Andon ang paborito kong ginisang hipon, pansit, chicken, at lumpiang shanghai.

Ako kasi yung tipo ng taong hindi mahilig sa mga pag kain ng mga five star restaurant. Masyadong mahal ang presyo at hindi ako nabubusog. mas gusto kong kumain sa eat all you can. puro pang pilipino kase ang pagkain don at talagang masarap. Mura na nabubusog pa ko.

"Welcome back my baby!' Napa sayang boses ang umalingawngaw sa buong bahay dahil sa mama ko. "I missed you so much" Niyakap niya ko at ma luha-luha na sa sobrang saya. "Oh my god! what happened to you? marunong ka naman mag luto bakit ang laki ng pinayat mo?" nag aalalang tanong sakin ng nanay ko

"hindi nakakagutom sa new york ma. hindi mo mararamdaman ang oras na lumilipas don. dahil masyadong busy ang mga tao" tumango lang ang nanay ko at pinaupo ako sa tapat niya.

Nilingon ko si papa at nginitian niya lang ako. Nginitian ko siya pabalik. Isang senyalis na masaya siya at nagkita ulit kame. Isang simpleng ngiti ngunit maraming ipinahihiwatig.

Lumipas ang mga oras napuno ng tawanan ang buong bahay, marami silang tinatanong sakin na sinasagot ko naman ng totoo. nginingitian ko lang sila at panay ang sagot ko ng "mabuti naman kung ganon"

Sinabi ko rin sa kanila na uuwi ako bukas ng hapon sa condo ko. Gusto nilang dito ako tumira ulit, pero ayoko gusto kong bumalik sa condo ko. Pumayag na rin si mama dahil bukas pa naman ng hapon ang alis ko.

Umalis ako ng pilipinas 3 taon na ang nakakalipas. isang taon akong nag sanay ng mga sports, kick boxing, taekwondo, archery at kung ano-ano pa. ginagastos ang perang hindi naman ako ang kumikita. kaya naisip kong mag trabaho bilang isang head supervisor sa isang telecommunication company. Naging advantage ang apelyido ko para matanggap agad sa trabaho. Maganda rin ang performance ko kaya naging supervisor ako ka agad, kasundo ko ang team ko, kasama na rin ang iba bang nag tra-trabaho don. Sports, trabaho, uwi sa bahay yon lang ang routine ko sa buong 3 taon ko sa new york.

Nalungkot sila nung sinabi kong mag re-resign ako at ipag papatuloy ang pag-aaral ko dahil hindi sapat ang natutunan ko para sa pusisyon ko sa kumpanya. sinabi rin naman ng boss ko na handa nila akong tanggapin ulit kapag nag apply ako.

8 ng gabi ng maisipan kong mag linis ng katawan ko at matulog na. Hindi na ko nag alala sa isusuot ko dahil may natira pa akong konting damit dito sa kwarto ko. Isang sando at short na pantulog, ginawa ko ang karaniwang ginagawa ng mga babae bago matulog.

nag papatuyo ako ng buhok ng tumunog ang cellphone ko, nag taka ako dahil unknown number ang nakalagay sa screen ng cellphone ko.

"Melodyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!" Isang boses ang bumungad sakin pag ka sagot ko ng cellphone ko. isang boses na kilalang kilala ko. si Aina.

"Paano mo nalaman na andito na ako at saan mo nahanap number ko?" takang tanong ko, dahil gusto kong mag pa kita sa kanya pag nag pa enroll na ako.

"Nakita ko kase na online ka sa fb kaninang mga bandang hapon. nag message pa nga ko sayo kaso di mo ko ni replayan. so kinulit ko yung kuya mo BWAHAHAHAHA!" Nakakatuwa na marinig ko ulit ang tawa ng kaibigan ko. tawa na mag tataka ka kung babae ba siya o lalaki.

"Hindi ko itatanong kung kamusta ka na kasi pupuntahan kita bukas don sa condo mo at doon ako matutulog, kelangan mo rin mag pa enroll next week dahil malapit na ang pasukan. para makita mo ang boyfriend ko" nag iba yung boses niya don nung sinabi niya yung salitang boyfriend tila ba kinikilig at kilig na kilig. 

"Akalain mong may nag tiis sa ugali mo" sarkastikong sabi ko at alam ko na nag pout siya sa kabilang linya "Kamusta na kayo?"

narinig kong huminga siya ng malalim at tsaka nag salita "Nung umalis ka, nalaman ng lahat na palugi na pala ang St.Claire University, tas ayon balak na sanang pa lipatin lahat ng students, nung binili ng Smith ang buong school. Sa totoo lang mas lalong gumanda ang pamamahala nung binili ng pamilyang smith tong school kaya mas lalong dumami yung estudyante." Nalugi? maayos naman ang school dati nung umalis ako bakit nalugi?

"Siya nga pala 4th yr. college na ko ngayon, pero wag kang mag alala hindi naman ako gra-graduate kase 5 year course ako diba? bali magkakasama pa rin tayo ng dalawang taon."

"Oo na mag kita nalang tayo bukas, mag papahinga nako."

"Osige bukas ah, isasama ko sila kevin! sige bye!" Bago ako maka sabat binababa niya na yung telepono, at wala na kong nagawa pa.

Enrollment ko next  week dahil kelangan ko pang hanapin lahat ng papers ko mag entrance exam pa ko marami pang kelangan gawin. 2nd year college ako pag pasok. Nakapag aral pa kase ako ng 1st year college dito kaya pag pasok ko 2nd year. Ka batch ko si aina, kevin, at brent. 4th yr. college na sila pag pasok. 

tinignan ko ang orasan bago ko matulog 10 na ng gabi. maaga pa dahil sa nakasanayan kong tulog pero dahil pagod ako sa biyahe maaga akong matutulog. bukas pag balik ko sa bahay ko makikita ko nnaman ang mga kaibigan ko.

Sana matulungan nila ko sa panibagong buhay ko.

Secret Melody.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon