Lumipas ang mga normal na araw. Madalas natutulog sa condo ko si Aina at tambay sa bahay ko sila Brent at Kevin. Entrance exam ko ngayon sabay enrolled na, ngayon din ipakikilala sa akin ni aina yung boyfriend niyang nag tiis sa ugali niya. Eksaktong 8 ng umaga ng nakarating ako sa school. 9 ng umaga ang oras ng exam pero inagahan ko para hindi ako ma hassle sa pila. SI kuya ang umasikaso ng requirements ko sa entrance exam.
Tinawagan ko si Aina dahil dapat andito na siya "San ka na?"
"Sandali etong boyfriend ko ang bagal kumilos dinaig pa babae-- Anong mabagal kumilos hoy! ikaw tong tanghali nagising ako tong sinisisi mo jan' Huminga ko ng malalim dahil ayokong marinig ang away nila. parehas naman pala sila ng ugali kaya malamang mag kakasundo sila
"Bilisan mo, ayoko ng pinag iintay ako aina" seryosong sabi ko sa kanya
"Eto na nasa parking lot na kame"
"Nasa canteen ako don mo nalang ako hanapin" sabi ko sabay baba ng cellphone ko at dumiretso sa canteen.
Nag lalakad ng may nakita akong tatlong lalaki naka fitted na sando at naka basketball shorts at naka sapatos, Gwapo sila. Yung tipong pag dumaan sila e mapapatitig ka talaga kagaya ng ibang babae. namukhaan ko yung isang lalaki at hindi nga ako nag kamali siya yung lalaki sa elevator nung nakaraang linggo. Gwapo siya, matangkad, makinis ang balat, at higit sa lahat halatang mong anak mayaman.
Nakita ko silang dumiretso sa gym at ako naman sa canteen umupo ako sa bakanteng upuan at hinintay si Aina at ang boyfriend niya. Hindi rin nag tagal e naaninag ng mata ko ang dalawang mag syotang nag babangayan habang nag lalakad halata mong may bagay na pinag tatalunan silang dalawa.
Pumasok sila sa loob ng canteen kinawayan ako ni Aina at tinanguan ko lamang siya. "9 yung test ko 8:30 na hindi na ko kakain mamaya nalang pag katapos.'
"Kase e ang bagal kumilos" tinignan ng masama ni aina yung boyfriend niy at inirapan. "Nga pala Meloy" tinignan ko siya ng masama ayokong tinatawag ako ng meloy sa public na lugar hindi dahil sa pangit o hindi ko gusto ang palayaw ko, ayokong may ibang taong tumawag sakin ng meloy bukod sa mga kaibigan ko "ay ano melody pala boyfriend ko si Bricks Fernandez"
Nilahad niya ang kamay niya at ngumit sa harap ko "Bricks Fernandez nice to meet you"
Nakipagkamay ako at tinignan siya "Melody Valdez nice to meet you too." tinangauan ko siya pabalik, hindi ko ugali ang ngumiti sa isang taong ngayon ko lang kilala.
"Freshman ka o transferee?" tanong niya sakin dahilan para titigan ko siya
"Transferee 2nd yr. college na ko pag pasok" tumango lang siya. tinignan ko si aina at alam kong hindi na maganda ang mood niya, tumingin ako sa wrist watch ko at quarter to 9 na malapit na ang exam ko. "Mauuna na ko exam ko na, oi Aina alis nako." tinapik ko lang ang balikat niya at tska nag lakad sa building kung saan ako mag e-exam, madali kong nahanap ang room ko dahil sa 2nd floor lang naman naka assign ang room ko.
Puno ang buong classroom na pag e-examan ko marami rin pala kaming transferee. 5 minutes before ng exam dumating ang proctor at pinag exam kami.
Lance Carlo Smith POV
Puspusan ang training dahil tatlong buwan mula ngayon mag uumpisa nanaman ang Basketball League ng iba't ibang universities. Nakakahiya mang sabhin eh natalo kame nung nakaraang Basketball League at syempre gusto namin bumawi.
"1 HOUR BREAK!!" sigaw ko sa kanila dahilan para tumigil sila sa pag takbo at humiga sa sahig sa sobrang pagod. "LUNCH BREAK WAG NIYO MASYADONG DAMIHAN KAIN NIYO MAY TRAINING PA KAYO PAG BALIK!"
"Captain sa wakas inatake ka ng gutom at pagod. grabe ano ba yang katawan mo bato-bato?" biro ni Blake habang naka higa siya sa sahig at nag hahabol ng hininga sa pagod.
"Gusto mong maiwan ka dito at mag training ka mag isa o ititigil mo yang bibig mo?" diretsong tanong ko sa kanya dahilan para ngitian niya ko.
"Eto naman si captain high blood masyado, wag kang mag-alala captain tayo mag cha-champion sa pogi kong to ma di-distract magiging kalaban natin" biro niya at siya lang naman ang natawa.
Hindi ko siya pinansin dahil puro kalokohan lang naman ang sasabhin niya. sabay-sabay kaming nag palit ng damit sa locker at pumunta sa canteen.
"Alam mo Lance kaya laging kang high blood kulang ka sa inspirasyon, bakit di mo subukan mag hanap ng girlfriend?" tanong ni Jayson pag ka upo namin sa isang mahabang table na pang dose ang upuan. Pinagawa to ng mismong school. Limited for those students na kasali sa varsity.
"hindi na yan mag hahanap tignan mo naman mga tao dito sa canteen sa kanya lang naman naka tingin" sabat naman ni eric "Teka si Bricks yon a, tangna neto akala ko nag pa enroll to kaya wala sa training kasama pala yung girlfriendn niya-- teka may kasama pang isang babae"
Tinignan ko yung tinutukoy ni eric at tama nga siyang si Bricks yon kasama ang girlfriend niya at may kasamang pa silang ibang babae, nilapitan ni nico si bricks dahilan para matingin siya sa pwesto namin Kumaway samin si Aina at ngumiti habang hindi man lang nag abalang lumingon yung kasama nilang babae.
Nag paalam si bricks sa kanilang dalawa at pumunta sa table namin "Tapos na, nakapag pa enroll na ko, tang-ina ang haba ng pila sa accounting buti nalang pinag pala ako ng kagwapuhan" pag yayabang ni Bricks dahilan para mabatukan siya ni eric
"Sino yung kasama niyong babae? bago?" tanong naman ni Blake, siya yung tipo ng lalaking walang pinapaatras e lahat ng babae pinapatos. Maka aids sana tong hinayupak na to ng madala
"Ah, si Melody Transferee yan e. 2nd yr college. BSBA. nako pare wag yan mapapahiya ka lang jan." babala ni bricks.
"Bakit?" takang tanong naman ni Jayson
"Ewan ko tahimik e, hindi palasalita."
Napatitig kame ng dumating yung laging kasama ni Aina dito sa school yung dahilan ng laging pag-aaway nilang dalawang mag syota. Si Kevin at Brent. "Puta eto nananamn tong Brent na to, akala mo tuko laging naka yakap sa bewang ni aina eh, igagapos ko yang gagong yan eh."
"Umayos ka." hinawakan ko siya sa balikat para kahit papano e kumalma siya, tuluyan naman siyang kumalma ng yakapin ni Brent eh yung babaeng kasama ni Aina. Yung upuan niya kase nakatalikod samin kaya hindi namain makita yung mukha niya.
Akala ko ba tahimik yan? hindi man lang siya nagagalit niyayakap na siya netong tukmol sa brent na to.
BINABASA MO ANG
Secret Melody.
Romance3 taon na yung lumipas pag tapos ng mga nangyari... Mga pangyayaring hindi ma kalimutan, pangyayaring na kahit kailan nasa puso't isipan na ng lahat, at pangyayaring sumira ng lahat. Ako daw ang may kasalanan. Ako daw ang may kagagawan. Pero kailan...