Alas tres ng hapon nang napagpasyahan kong umuwi. Kanina pa ako nag pa alam kay papa. Sinabi ko na rin sa kanya na baka pag uwi niya ng bahay e hindi niya na ko ma abutan. Sinabi ko rin sa kanyang bibisita ako dito kapag maluwag ang oras ko. Hindi masyadong matanong ang papa ko dahil alam naman niya na pag sinabi kong bibisita ako bibisita talaga ako. Sinabihan niya lang ako ng mga paalala na kadalasang ginagawa ng mga tatay.
Simpleng t-shirt at tight jeans ang suot ko pero halata mo pa rin sa itsura ko na may sinabi ako sa buhay. hindi sa pag bubuhat ng bangko o ano. Pero ako yung tipo ng babaeng unang tingin mo pa lang masasabihan mo ng "ah rich kid to" simple ako manamit t-shirts, shorts, pantalon at yung naka checkerd na blouse tas nakabukas yung butones mo at may sando ka sa loob ganon lang ang pormahan ko. Hindi ako ng le-leggings at mas lalong hindi ako nag ha-hanging blouse.
Hindi rin ako masyadong nag lalagay ng kolorete sa mukha. tanging lip-balm lang nag babalat kase ang labi ko kaya lagi akong mayroon dala.
Hindi ko napansin ang kuya ko na nasa harapan ko na pala. nginitian niya ako "Halikan na, kelangan mo na ring maka uwi dahil mag aayos ka pa ng gamit mo."
Tumango ako "Halikan na, darating din sila Aina"
"Nga pala yung entance exam mo sa UA sa wednesday na" sabi niya habang nakatutok ang atensyon niya sa daan.
"UA?" takang tanong ko. sa St.Claire ko balak mag aral umpisa pa lang sinabi ko na sa kanya yon. gusto ko mag pasa ng requirements sa St.Claire at hindi sa UA
"University of Adelaide" mas lalong ako nag taka. tatlong taon lang ako nawala at pag kakaalam ko walang Adelaide school na na pag planuhang itatayo noon. hindi rin naman ganon kadali ang bumuo ng isang university sa loob ng tatlong taon. taas kilay ko siyang tinitigan isang senyales na wala na kong balak pang mag tanong at sabhin mo na kung ano Yang University of Adelaide na yan.
"Naging bulong-bulungan ng mga estudyante na pa bagsak ng ang St.Claire. Hanggang sa yung bulong-bulungan na yon totoo pala. Napag pasyahan na rin na asikasuhin na ang bagong school ng mga estudyante dahil hindi na talaga masasalba pa yung school. Hanggang sa i-announce nalang na bago ang principal ng school. Syempre maraming nag taka na bakit papalitan pa ng principal eh palugi na nga. I-nanounce nila sa buong school na may bagong bumili ng school. kaya hindi na kaylangan pang lumipat tutal ganon pa rin naman. Nabago lang ang pangalan, facilities ng school. Maraming nag-sasabi ng mas lalo daw naging maganda yung school simula nung binili." Tumingin lang ako sa labas at hindi na muling nag salita pa. 3 taon lang ako nawala pero bakit naninibago ako. huminga ako ng malalim at tumingin sa kalangitan. masyadong maulap ngayon kesa kahapon na sa sobra ang araw hanggang pag sapit ng hapon.
4:30 na ng hapon ng makarating kame sa tapat ng building. Hindi na rin ako mahahatid ni kuya dahil may lakad daw siya at malalate siya, okay lang naman sakin dahil sanay ako nang mag isa. kinuha ko ang earphone ko sa bulsa ng bag ko at sinalpak sa tenga ko. tinext ko na rin sila aina na pumunta na at kadarating ko lang.
Okay lang naman na pumunta sila dahil sila ang tutulong sakin sa pag aayos ng gamit ko. Alam ko naman na hindi ko na kaylangan mag linis dahil malamang pinalinis na ni kuya ang unit ko. nilibot ko ang tingin ko pag pasok ko sab building ng condo ko. Bagong pintura at bagong mga guwardiya. nag bago na rin ang tiles ang disenyo ng kisame at disenyo ng buong lobby.
Tuloy tuloy ang lakad ko papntang elevator nang may tumapik sa likod ko. "Ma'm ano pong unit niyo?"
Tinaasan ko siya ng kilay, at tinanggal ang earphone ko. Akala niya siguro bago ako dito "18th floor unit 3088 bakit?" walang ganang sagot ko sa kanya.
"Ay sorry po ma'm sige po enjoy your daw ma'm" tinanguan ko lang siya at hindi na pinansin pa. tuloy tuloy ang lakad ko hanggang sa elevator. May lalaki akong kasabay dahil ramdam ko ang presensya niya. Pinindot ko ang number 18 at sumandal na sa elevator.
Pinikit ko mata ko at pinag cross ko ang mga braso ko nang may humugot ng earphone ko "Hindi mo man lang ako tinanong kung anon floor ko basta ka nalang sumandal jan"
Minulat ko ang mata ko at umayos na tayo, taka akong nakatingin sa kanya habang hinihintay ang susunod na sasabhin niya "Nung pinindot mo yung number 18 hind mo man lang ako tinanong kung ano floor ko basta ka nlang sumandal jan" seryosong sabi niya at tinaasan ko naman siya ng kilay
"Anong parte ng katawan ang kulang sayo at hindi mo kayang pindutin ang sarili mong floor?" walang ganang tanong ko sa kanya. tinitigan niya lang ako nang parang binabasa ang mukha ko. "Hindi libro ang mukha ko para basahin mo" bumukas ang elevator at direstong lumabas ako at iniwan ko siya na mukhang tangna don.
Papasok na sana ko sa unit ko nang may pumigil sa braso ko, tinignan ko kung sino yon yung lalaking nasa elevator. tinititigan ko lang siya walang kahit anong emosyon ang makikita mo sa mukha sa mukha ko. hindi ako yung tipo nang babae madaling kiligin sa mga ganitong lalaki.
"Ano kaylangan mo?" walang ganang tanong ko sa kanya dahil nakaka pagod ang makipag titigan.
"bagong lipat ka lang?" tanong niya sakin, napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko. hinigit ko yon at muling siyang tinignan "matagal na ko dito" tuloy king binuksan ang pinto at sinaraduhan siya sa harap ng unit ko.
Nilibot ko ang mata ko sa buong unit ko. ganon pa rin wala pinabago si kuya. kilala niya ang ugali ko ayoko sa lahat yung ginagalaw ang mga bagay na akin. nakita ko yung maleta ko sa gilid ng sofa. damit lang naman ang aayusin ko at okay na. malinis na ang buong unit ko. tinignan ko ang ref. umaandar na at may laman tubig. walang groceries. kelangan ko nang mamili bukas.
Alasais ng hapon tapos na ko sa pag aayos ng gamit ko. Akala ko kelangan ko ng tulong nila kahit hindi na pala. may nag doorbell, hindi na ko sumilip pa sa monitor kung sino yon. dahil alam kong sila aina na to.
Pag bukas ko nang pinto niyakap agad ako ni Brent "Grabe meloy ang tagal mong nawala pag luto mo kame ng giniling" kunwaring naiiyak na sabi ni Brent habang pinapatay ako sa yakap
Hinila ni Kevin si Brent dahil sa itsura ko "Umayos ko nga Brent hindi na maka hinga si meloy!"
Nag pout si Brent at inismiran si kevin na parang bata "Grabe ka naman Kevs ngayon ko lang nakita si meloy pag katpos ng 3 taon"
"EH KUNG TULUNGAN NIYO KO DITO MGA WALANGYA KAYO!!!" sigaw ni aina sa may harap ng pinto dahilan upang matigil ang dalawa sa pag babangayan at kunin ang pag kain na dala ni Aina "LETSE TONG MGA TO, AKO NA PINABILI NIYO AKO PA BINAG BUHAY NIYO BUHATIN NIYO BWISET!!" napangiti nalang ako sa tatlong to, binagsak ni Aina ang 3 box na pizza at yung dala niyang KFC bucket meal, bale yung buhay niya yung drinks lang.
"Grabe ka meloy lalo kang gumaganda, ano bang pinag kaiba ng klima ng ney york sa klima ng pilipinas. di ba mas mausok don kase mas maraming sasakyan don." pa tampong boses niya habang nilalapag yung drinks sa lamesa "Ano bang sirekto ng mukha mong yan, pero infairness ha, ang haba na ng hair kabog ka na te" hinawakan niya yung buhok at tinaas, pag ka tapos non binagsak din niya dahilan para lahat ng buhok ko ma punta sa mukha ko.
Nagulat ako nang niyakap ako sa tagiliran ni brent ngunit agad niya yong tinanggal at tumititig sakin ng nakataas ang kilay "Sinabi ko sayong kumain ka melody" naging seryoso pananalita ni brent dahilan para kabahan ako. Alam kong pagagalitan niya ako sa oras ng kinumpleto niya ang pangalan kong melody. "Hindi ka kumakain don. Ang payat mo, para akong yumakap ng skeleton sa laboratory. Gumanda ka pero ang laki ng pinayat mo at hindi ako natutuwa." ngumuso ako dahil kasalanan ko rin naman talaga, hindi ako kumakain dahil nawawalan ako ng gana.
"Simula ngayon hindi ka mag papalipas ng kain melody ako nag sasabi sayo." tumango nalang ako. Isip bata yan pero seryoso pag dating samin ni Aina.
"Tama na yan, pa tatabain natin si meloy dito brent don't worry" pinisil ni kevin yung pisngi ko dahilan para ma pa sigaw ako at nag tawanan naman sila.
Masasabi kong ibang-iba ko pag kasama ko sa kanila. kahit pamilya ko hindi pa ko nakitang ganito. yung babaeng suplada, walang emosyon ang mukha nag babago pag kasama ko sila. Madali nila kong patawanin at madali kong nakakalimutan ang problema ko. at nag papasalamat akong hanggang sa pag balik ko kaibigan ko pa rin sila.
Lumipas ang mga oras at napag desisyunan na dito sila matutulog okay lang naman yon dahil lagi na nilang ginagawa yon high school palang kami. isang kwarto lang ang condo ko kaya sa living room natulog yung dalawang lalaki at nag latag nalang na foam. habang kami ni Aina e sa kwarto ko. Natapos ang isang buong gabi na masya. hindi nila ko tinanong kung anong mga nangyare dahil alam nilang hindi ito ang tamang oras at alam nilang sasabhin ko rin naman sa kanila.

BINABASA MO ANG
Secret Melody.
Romance3 taon na yung lumipas pag tapos ng mga nangyari... Mga pangyayaring hindi ma kalimutan, pangyayaring na kahit kailan nasa puso't isipan na ng lahat, at pangyayaring sumira ng lahat. Ako daw ang may kasalanan. Ako daw ang may kagagawan. Pero kailan...