(Chapter III) Smash Up

17 0 0
                                    

Naalimpungatan ako ng biglang mag'ring ang cellphone ko. Tinignan ko ang alarm clock ko sa may bed side table. Damn! Mag'seseven pm na. Ba't kasi nakatulog ako? Tss. Kinuha ko yong cellphone ko. 25 Missed calls. 35 Texts. Galing kay  marlon. Binuksan ko yon isa-isa.

Hoy bruha! Asan ka na?

Teh? Ba't di ka nagrereply?

Waaahhh! Pag di ka pa nagreply aagawin ko si papa jeff sayo.

Antayin ka namin sa gate ng mall mamaya.

Napailing ako. Ganun ba talaga excited sa party na yan? By the way pupunta pala kami sa summer smash. Ewan ko ba kung anong naisip ng bakla ba't sinama ako. Alam niya namang di ako mahilig dito. Pero sasama naman daw si jeff kaya pumayag na rin ako. Tinignan ko yong phone baka nagtecks si jeff. Meron nga. Binasa ko to.

From: Jeff Baby <3

Baby, nauna na ko dito ha? Pinilit kasi ako ni marlon. Text mo ko pag papunta ka na dito. Mag-iingat ka baby. I love you so much. :*

 Ok! iniwan na nila ako. Ngayon kailangan kong pumunta don mag-isa. Pumasok na ko sa cr saka naligo. Pagkatapos ko naghanap ako ng pwedeng masusuot. Short and floral top ok na yon. Naglagay ako nang pulbos saka konting lipstick. Kinuha ko na yong bag ko tsaka umalis na. Pumara ako ng taxi. Mukhang malapit lang din naman yong venue dito samin eh. Tinext ko na si jeff sinabi kong papunta na ko. nagreply naman siya sabi niya hihintayin niya daw ako don. ok fine. -_-

Sa labas pa lang nakikita mo na yong mga tao na parang basa. Ba't sila basa? Tapos may mga bombero sa kabila. May sunog? Binigay ko yong ticket ko a guard tapos nilagyan niya naman ako ng stamp sa kamay ko. Nilibot ko yong paningin ko sa buong lugar. Asan na kaya sila ni jeff? Andaming tao. Makikita mo din na parang may tama na yong iba. Tapos yong ibang babae halos wala nang saplot. May nakikipagsayaw, halikan, kulang na lang gumawa ng milagro dito. Ito ang rason kung bakit dumadami ang popolasyon sa pilipinas eh.

Karlenxia dito! Narinig ko yong boses ni marlon. At nakita ko nga ito kasama yong ibang mga babae. Nilapitan ko sila saka nginitian.

Girls, Meet karlen. My best friend. Papakilala ni marlon sakin. Inabot ko naman yong kamay nila isa-isa. Lima sila. Nakilala ito ni marlon sa isang bar na pinupuntahan niya dati. Ok naman sila kasama. Mababait at magaganda. Wait! Asan na kaya si jeff?

Ahm Marlon? Asan si jefff? tawag ko naman dito.

Ah. May binili lang don. Sagot niya. Nakinig na lang ako ulit sa usapan nila kahit di naman ako maka-relate.

Makalipas ang mga 5 minuto nakita ko namang papalit samin si jeff na may dala-dalang beer. Nginitian naman ako nito pagkakita sakin. Hi baby. sabay halik sa pesngi ko. I blushed. Iba pa rin ang dating niya sakin.

Hi. sagot ko dito. Nilagay niya naman ang kamay niya sa bewang ko. Nakita ko naman na napangiwi ang mga babae na kasama ni marlon ng makita yon. Akala ko single si jeff. bulong nong isa. Sorry ka na lang girl. Jeff is mine. Bwahahahaha. Sabi ko sa isip ko.

Narinig din siguro ni jeff ang sinabi ng babae kaya mas lumapit pa ito at binaon ang ulo sa leeg ko. Hinahalik-halikan niya yon. Naitulak ko nang bahagya si jeff. Ano ba babe? Nakikiliti ako. sabi ko dito. That's your punishment for wearing shorts. Ganon? Punishment na yon? Try ko ngang mag'panty baka sobra pa dito ang punishment niya. Behave karlen. HIHI.

Nagulat ako nong biglang nabasa ako ng tubig. Akala ko umuulan pero dahil pala yon sa mga bombero. Wet and wild party pala to. Yon pala ang silbi ng mga bombero sa may gilid. Ok now I know!

Hinawakan ni jeff yong kamay ko saka binulungan. Let's enjoy this night baby. I love you. Saka hinalikan ako sa labi. Smack lang naman yon. Pero halos liparin ako sa sobrang kaligayahan. Ba't kasi ang sweet ni jeff? Yan tuloy lalo akong naiinlove sa kanya.

Yon nga enenjoy lang namin. Halos nga di umalis sa tabi ko si jeff. Hawak-hawak niya lang yong kamay ko. Bina-back'hug ako, ninanakawan ng halik pag may nakakakitang mga lalaking nakatingin sakin. Posessive yong baby ko eh. HIHI.

3 am na nong hinatid ako ni jeff sa bahay. Wala akong dalang damit kaya pinahiram niya na lang sakin yong dala niyang shirt. Boy scout daw siya eh.

Mag-iingat sa pagda'drive baby. Nakainom ka eh. Ok? Text mo ko pag naka-uwi ka na. sabi ko pagkababa ko sa sasakyan niya.  tumango naman ito saka lumapit para i-hug ako.

Yes ma'am. Mag-iingat talaga ako. Papakasalan pa kita eh. HE HE. Thank you for this night baby. I love you. sabi niya saka hinalikan ako sa labi.

Just a short message but it takes a big impact on me. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon