Chapter 3

1.1K 17 0
                                        

Alyssa's POV

Umaga na at nakita kong alas 7 na, tulog padin yung babaeng nag-drama kagabi. Haha ang cute niya kapag umiiyak pero kung ako ang tatanungin hinding-hindi ko siya papa-iyakin, tapos yung moment na magkayakap kami parang gusto kong tumigil yung oras kasi ang sarap niya kayakap feeling ko nasa heaven nako nung oras na kayakap ko siya.

Ang tanga naman nung boyfriend niya, hindi niya ba alam na ang swerte niya dahil mahal siya ni Den at iniiyakan pa siya? Kung ako lang yung boyfriend niya araw-araw dadami ang langgam sa sobrang sweet ng mga gagawin ko sakanya. I will treat her like a princess and i will assure that she feels special when she's with me. Sana kasi ako nalang yung minahal ni Den eh sana ako nalang yung L.A nayun.

 

" Aly, kanina ka pa gising? " Nagulat ako dahil may nagsalita at nakita ko si Den pala yun, diko namalayan na gising na siya iniisip ko kasi yung L.A na sinasabi niya eh.

" Uy. Gising ka na pala? " Sabi ko.

" Hinde! Hinde! Tulog pa ako! Syempre gising na, nagsalita na nga ako eh. " Sabi niya, may pagka-pilosopo pala tong babaeng ito.

" Sorry naman dba?! Kanina kasi nung nakita kita ang himbing pa ng tulog mo " Sabi ko.

" Haha. Oo na! Oo nga pala pwede mo ba akong samahan mamaya? " Sabi niya, Omaygad! Hindi kaya magde-date kami nito? Pero tatanong ko muna kung saan kami pupunta.

" Saan naman tayo pupunta? " Sabi ko.

" Diyan lang, gusto pa kasi kitang makilala ng lubusan para kasing nafe-feel ko na magkakasundo tayo e " Sabi niya, Kinikilig tuloy ako dahil gusto niya akong makasama para magkwentuhan para makilala ang isa't-isa.

" Ah oo sige. Gusto din kasi kitang makilala ng mas mabuti para naman solid na yung friendship natin " Sabi ko, This is it pansit eto na yung pinakahihintay ko, sa wakas. Thank you lord =D

 

Fast Forward.....

 

Nakalipas ang 4 buwan, syempre close na kami nung niyaya niya ako na samahan siya para mas magkakilala pa kami ang dami naming napag-usapan nun tas hanggang sa nagtuloy-tuloy na, lagi kaming magkasama, lagi kaming magkasundo sa mga bagay-bagay at hindi kami mapag-hiwalay, pati sa mga training nagkukulitan kami akala nga nila Greta kami na pero hindi eh i play the role as her BESTFRIEND.

 

Alyssa's POV

Ang sarap sa feeling na lagi mong kasama yung taong mahal mo, yung tipong naghaharutan kayo kahit saan kayo mapunta, yung tipong ayaw nyong mahiwalay sa isa't-isa pero hindi kaya mali na mag-BESTFRIEND kami? Kasi kung bestfriend kami nanjan padin yung KAIBIGAN lang ako at nanjan yung feeling na kapag inamin ko sakanya na Mahal ko siya baka masira yung Friendship namin na ayaw kong mangyare.

Ngayon may Training kami para sa dadating na UAAP, balak ko nang aminin kay Den yung feelings ko pero natatakot ako na baka mamaya i-reject niya ako tapos masira yung friendship namin kaya humingi ako ng tulong sa ALE.

" Guys. Can you help me? " Sabi ko sa ALE, sakto tulog pa si Den kaya di niya maririnig pag-uusapan namin.

" Ano ba yun Ly? " Sabi ni Fille

" Kase gusto ko nang umamin kay Den kaso natatakot ako na masira yung friendship namin, ayoko din maramdaman yung feeling na ma-reject ng taong mahal ko, kaya ano bang dapat kong gawin? " Sabi ko, grabe nakakahiya na ewan. Feeling ko sasabog na ako sa takot na may kasamang hiya.

Destiny ( AlyDen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon