Chapter 8

690 14 0
                                    

= Kinabukasan =

Maagang nagising si Aly at dali-dali itong naligo dahil ito ay may pupuntahan na importante.

Habang naliligo siya, hindi niya maiwasan na hindi maalala ang mga nangyare kahapon, nung natumba sila ni Den, nung nagkatitigan sila at nung oras na ang mukha nila ay sobrang lapit sa isa't-isa.

Ang daming pumapasok sa isip niya na kung ano-ano. Naiisip niya na Bakit hindi kaagad tumayo si Den nung natumba sila. Dahil ba gusto ni Den yung ganoong pwesto nila? O dahil nagulat lang yun sa mga nangyare kaya hindi kaagad nakatayo?

Ayaw niyang mag-isip ng ganun dahil baka mamaya mali naman ang iniisip niya at tumaas lang ang Expectation niya na ayaw niyang mangyare.

Natapos na itong maligo at kaagad na nagbihis at kalaunan ay bumaba nadin upang makapag-breakfast muna bago umalis.

" Aly, ang aga yata ng date natin ah?! " Napalingon si Aly sa direksyon kung saan nagmula ang boses and it's Gretch.

" Date ka dyan, may pupuntahan lang akong importante " Sabi ni Alyssa at agad humigop ng kape na nakita niya sa lamesa.

" Mas importante pa sa 'kin? " Muntik nang maibuga ni Aly ang kape na iniinom niya ng marinig niya ang boses ni Den at ang mga sinabi nito.

" D-Den na-nakakagulat ka-kanaman " Sabi ni Aly ng nauutal at pakiramdam niya namumula na siya dahil sa kilig dahil hindi niya ine-expect na sasabihin yun ni Den.

" Haha. Sorry! Sa susunod kasi wag kang iinom ng kape ng hindi ka nerbyosa " Den said and started to Chuckle.

" Oo nga, wag kang iinom ng kape kasi pati pagsasalita mo at yang pisngi mo naaapektuhan. HAHAHAHA! " Dugtong ni Gretch at nagtawanan sila except Aly.

" Bahala nga kayo dyan. Ang aga-aga ako trip nyo ( -__- ) " Sabi ni Aly at akmang aalis na pero pinigilan ito ni Den.

" Teka! Saan ka pupunta? " Tanong ni Den kay Aly na tila naku-curious kung saan pupunta ang bestfriend niya na hindi man lang nagpapa-alam.

" Ha? Ah..eh.. Diyan lang, may pupuntahan lang ako " Sabi ni Aly na hindi alam ang gagawin dahil Den is still holding her hands.

" Eh bakit hindi ka nag-paalam sakin? " Sabi ni Den sabay pout.

" Eh kasi tulog ka pa kanina, so i decided na wag kang gisingin. Tsaka wag ka nga magpa-cute dahil hindi ka cute. " Paliwanag ni Aly na may halong pang-aasar, pero sa loob-loob niya Cute talaga si Den.

" Ah ganon? " Sabi ni Den habang tinititigan si Aly ng masama.

" Joke lang, eto naman! Osige na, aalis na ako baka ma-late pa ako sa pupuntahan ko. " Hindi na hinintay ni Aly ang sagot ni Den at lumabas na ito at pumunta sa kotse niya at kaagad umalis.

---------------------------------------------------------------------------------------

Makalipas ang isang oras ng pagmamaneho nakarating na si Aly sa meeting place ng taong kakausapin niya na "importante".

" Alyssa! " Sigaw ng isang babae at kaagad itong tumakbo papalapit kay Aly.

" Rachel! It's nice seeing you again, hindi ka parin nagbabago ah?! Ang ganda mo parin " Sabi ni Aly kay Rachel. By the way! Si Rachel Ann Daquis nga pala or mas kilala bilang Rachel o RAD  ay matagal nang kaibigan ni Aly, high school palang sila magkaibigan na sila. Siya ang unang naging ka-close na Aly, alam niyo naman masungit si Idol kaya wala siyang gaanong ka-close.

Destiny ( AlyDen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon