Chapter 6

765 18 4
                                        

Gretchen's POV

Nandito ako sa labas ng Dorm, nagpapahingin at pinagiisipan kung anong gagawin ko sa mga love letter, chocolates at teddy bear na bigay sakin ng mga suitor ko. Nakatingin ako sa langit at tinitingnan ang mga ulap nang biglang may nagsalita.

" Ate Gretch " Napatingin ako sa direksyon kung san nanggaling yung boses.

" Oh! Denden! Saan ang punta mo? May date ka noh? " Sabi ko.

" Tinext kasi ako ni L.A " Sabi niya.

" Bakit daw? Ano nanaman kailangan sayo nung siraulong yun? " Sabi ko.

" Gusto niya daw akong kausapin ate, i think it is the right time para kausapin ko siya at tanungin kung bakit niya ako pinagpalit " Sabi niya habang namumula na yung mga mata niya.

" Alam ba ni Aly to? " Tanong ko.

" Hindi ate, kanina kasi pagkagising ko wala na siya sa kwarto kaya hindi na ako nakapag-paalam tsaka alam ko naman na hindi siya papayag na makipag-kita ako kay L.A kaya ate wag mong sasabihin sakanya na pupuntahan ko si L.A ha? " Sabi niya.

" Oo sige, akong bahala " Nako patay, magsisinungaling nanaman ako! Linggo-linggo nalang ako magsisimba ( -__- )

" Thank you ate, babalitaan nalang kita kung anong mangyayare mamaya " Sabi niya.

" Sige. Ingat ka ha " Sabi ko. Bakit ganun? Parang hindi ako mapalagay? Parang may mangyayareng hindi maganda? Ano ba tong naiisip ko!! Ugh! Ang nega ko talaga.

Umalis na si Den at papasok na sana ako sa loob ng biglang tinawag ako ni Aly.

" Greta! Nakita mo ba si Den? " Tanong niya.

" Nakita kong umalis, may Date yata! " Sabi ko.

" WHAAAATTT? o.O " Gulat niyang tanong.

" Haha. Joke lang, may binili lang yata " Sabi ko.

" Haaayss! Akala ko nakipag-date eh. " Sabi niya.

" Teka! Bat mo hinahanap? Magtatapat kana ba ng feelings mo for her? " Sabi ko with matching kindat.

" Wala pa akong lakas ng loob. Tsaka paano kung hindi tugma yung nararamdaman ko sa nararamdaman niya? " Sabi niya.

" How will you know if you don't try? Come on! Mamaya maagawan ka pa ng iba, ikaw din " Sabi ko, grabe naman kasi yung pagka-mahiyain nitong si Ly, pati yung makahiya nahiya nadin sakanya.

" For me kase, waiting will never be boring! Handa akong maghintay hanggang sa dumating yung tamang panahon " Sabi niya, ang tigas talaga ng ulo.

" Kailan ang tamang panahon? Kapag nag-asawa na siya?! Kapag kinasal na sila?! Kapag nagkaroon na siya ng pamilya?! Yun ba yung tamang panahon?! Aly wake up!! You need to do something to get what you want! " Bakit ba kasi ayaw makinig nitong si Aly sa mga sinasabi ko? Kung pwede ko lang sabihin na pinopormahan nanaman ni L.A si Den ay naku baka gumawa nato ng paraan para masabi yung nararamdaman niya kau Den.

" Ate i'm sorry but i can't, hindi ko talaga kaya. I'm sorry! " Sabi niya.

" Okay! Don't push yourself too much, kapag ready kana sabihin mo sakin and i will help you " Sabi ko

Destiny ( AlyDen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon