Chapter 9

796 20 2
                                        

Alyssa's POV

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa plano ni Ella o dapat nalang akong manahimik. Sino ba namang siraulo ang magsa-suggest na konchabahin si Rachel na magpanggap na Mahal ko at tingnan kung magseselos ba si Den?

Well si Ella yung siraulong yun. Napansin daw kasi ni Ella kanina na ayaw akong paalisin ni Den nung sinabi ko na may pupuntahan akong importante at tinanong pa nito kung mas importante pa kesa sakanya yung pupuntahan ko. Nakwento ko din kasi kay Ella yung pangungulit ni Den tungkol dun sa mahal ko kaya ayun.

Sabi ni Ella siya na daw bahala sa lahat, kinuha niya yung number ni Rachel at siya na daw mismo ang makikipag-usap at magpapaliwanag kay Rachel ng naisip niyang plano, sa totoo lang hindi pa ako pumapayag sa plano niya pero siya na mismo ang nagdesisyon para sakin.

Paano nalang kung hindi pumayag si Rachel na magpanggap na mahal ko? Edii nakakahiya. Paano kung hindi naman magselos si Den dahil sa pagkaka-alam ko bestfriends lang kami? Another kahihiyan.

Sa mga oras ngayon kausap na ni Ella si Rachel sa phone, lumayo sakin si Ella para daw privacy. At para daw hindi ko sila maistorbo, eh sa pagkaka-alam ko ako yung magiging kawawa kung pumalpak yung plano niya.

Makalipas ang 20 minutes na pag-uusap bumalik dito sa swing si Ella at nakita kong malungkot ang mukha niya. Siguro hindi pumayag si Rachel sa plano niya dahil hello, sino ba namang papayag sa ganun diba?

" Oh Besh, anong sabi? Bakit ang lungkot ng mukha mo? " Tanong ko.

" Besh! " Sabi ni Ella at malungkot padin ito.

" Hindi ba siya pumayag? Sabi ko naman kasi sayo eh, wag na lang natin gawin yang plano mo " Pagsusumamo ko sakanya.

" OA lang besh? " Sabi nito at tumawa ng malakas.

" Ha? Di kita maintindihan, kanina ang lungkot mo tapos ngayon tatawa ka ng pagkalakas-lakas " Sabi ko.

" Hahahaha! Pumayag siya, okay na lahat. Nasabi ko na sakanya kung ano yung dapat niyong gawin at bukas daw pupunta siya dito at ipapakilala mo siya na close friend mo. " Sabi ni Ella sabay ngiti ng nakakaloko.

" Paano mo siya napapayag? Tsaka close friend ko naman talaga siya. " Paglilinaw ko kay Ella.

" Ipapakilala mo muna siya samin na close friend and then pag naka-alis na siya aasarin ka namin na may gusto ka dun chuchu and then sasabihin mo na may gusto ka nga talaga at balak mo siyang ligawan at pagkatapos nun ide-date mo siya. " Pagpapaliwanag ni Ella sakin, medyo mahirap nga tong gagawin namin pero kakayanin ko para lang malaman kung mahal ba ako ni Den.

" Teka! Teka! Sinabi mo ba na aasarin ka NAMIN? So kasabwat natin ang ALE except Den? " Naguguluhan ako, sabi ni Ella kanina sakin kaming tatlo lang nila Rachel ang magka-kunchaba.

" Nah! Si Marge lang ang kasabwat natin , kinausap ko na siya kanina. " Sabi nito.

" Paano mo nakausap? Eh hindi ka naman umalis diyan kanina? " Tanong ko.

" Tinawagan ko si Marge at ipinaalam ko sakanya yung plano natin at sinabi ko na hindi niya pwedeng ipaalam sa iba . So wala kanang dapat ipag-alala. " Mahal na mahal talaga ako nitong mga to kahit na hindi pa kami gaanong matagal magkakasama, sinusuportahan nila ako sa lahat ng gagawin ko.

" Jorella Marie De Jesus kapag pumalpak tong plano mo nako isusumpa kita. " Sabi ko kay Ella at nakita kong kumunot ang noo nito at tila binibigyan ako ng Wala-kang-utang-na-loob look.

Destiny ( AlyDen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon