Karen Dela Rosa

10 0 0
                                    

Ayan, siya po ang salarin! None other than, Binibining Karen Dela Rosa -- ang bumihag sa puso ng beki na si Donna Wurtback at nagbibigay buhay sa pagkalalaki ni Danilo Macaryo! Ang dahilan kung bakit parang nagbalik ako sa identity crisis stage kung saan nalagpasan ko na nung trese anyos ako, nung mas pinili kong maging Donna kesa maging Danilo. Pero heto ka! Ginulantang mo ang buong pagkatao ko, Karen! Bwisit ka!

Hindi na kailangan malaman ng mundo o nang sinumang nagbabasa ng kwento na 'to kung saan ka nagmula (Bicol) o kung paano ka lumaki (nag-Cherifer) o kung paano ka na-bully nung nag-aaral ka pa (lumalaban) o kung ano ang humubog sa'yo para maging Karen Dela Rosa ka ngayon (genes, choices, and experiences). Hindi mo naman 'to autobigraphy, e. Kwento nga 'to ng pag-ibig ko sa'yo at ng paglalandian natin di ba. Duh!

Wait... paano nga ba tayo unang nagkakilala? Hmmmm... 

CHAROOOOOT! Tandang-tanda ko kaya ang unang araw na nakita kita. At bakit ko naman makakalimutan ang moment na may nakita akong isang chararat na fashion statement ng isang babae na sigurado akong mas maganda pa ako kung magdadamit babae ako. At yung bangs mo a, parang pudpud na bunot na ginagamit pampakintab ng sahig sa bahay namin nung bata pa kami, buti na lang nagmessy bun ka, naitago ang walis tambo mong buhok at nabigyan ng highlight ang maganda mong leeg. Pero chararat pa din ang itsura mo nun, 'te. Kahit na naka-make-up ka pa! 

Mas bagay nga sa'yo walang make-up e. Gusto lang kitang mine-make-up-an kasi  gusto ko lang mapagmasdan ng malapitan ang medyo makapal mong labi; gusto ko lang madampian ng kamay ko ang malalambot mong pisngi; gusto ko lang bilangin ang balahibo ng naka-arko mong kilay sa itaas ng matatalim mong mata na siyang dahilan kung bakit ka nagmumukang mataray. Pero ang totoo, mas maganda ka sa lip gloss at press powder lang. Mas lumulutang ang beauty mo. Pero mas maganda pa din ako.

Hindi katulad nung mga napapanuod natin sa sine, o kapag dumadaan yung campus heartthrob ng university namin nuon,  walang spark at walang lumulutang-lutang na mini hearts sa paligid mo nung una kitang nakita. Wala ring slow motion na naganap. Pero diring-diri ako sa suot mo, jusme! Saang probinsya ka ba galing, te? Ay oo, Bicol nga pala. Ano ba yan, Karen, di mo manlang itinaas ang bandera ng mga taga-Bicol sa pananamit mo.

Alam kong naaalala mo ang unang araw na pagkikita natin dahil 'yun din ang unang araw mo sa dati nating opisina. Kung saan nagpakilala ka sa harap naming medyo niluma na ng panahon sa Advertising Agency na 'yun. Huwag na nating pangalanan, alam naman natin pareho kung anong opisna ang tinutukoy ko. Kung saan, marketing assistant ako at ikaw bagong junior art director.

So ayun nga... nagpakilala ka sa harap namin suot ang green cardigan na large yata ang size kahit petite naman ang katawan mo. Tapos, nakapanloob ka ng blue na spaghetti strap na tinernohan ng green din na lagpas tuhod na palda na hiniram mo yata sa aleng nagtitinda ng tinapa, jusko day! Samahan pa ng red na chucks! Ano ka, walking Christmas decor, te? Summer pa lang, may Christmas atmosphere na sa opis, iba ka! Ang sakit mo sa mata! Sabagay, yung balat mo naman pang-summer. Pero akalain mong mamahalin pala kita ng todo sa kabila ng nakakasulasok mong fashion statement, Karen.

Pero aaminin ko, kung meron man akong hinangaan sa'yo nung mga oras na yun, dalawa lang. Una, yung confidence mo sa pagdadala ng nakakasulasok na mix and match mong kasuotan. Hindi ko alam kung wala kang keber sa iniisip ng iba sa suot mo o sadyang hindi mo alam na nakakasulasok ang suot mo. Alin man dun ang sagot, humanga ako. Pangalawa, yung boses mo girl! Ang ganda! Pwede kang broadcaster sa TV at radyo. 'Yung quality te, ang ganda. Modulated na modulated. Kaya naman napagtakpan nito ang chararat mong kasuotan. I mean, te, ikinaganda mo ang voice quality mo.

Naisipan agad kita ng magandang trabaho kapag nagkaroon ng event ang agency natin. Perfect ka maging host. Pak na pak! Dadamitan na lang kita, pak-pak-ganern-ganern ka na! Awra! Ay, hindi ka pala pwedeng umawra, selosa ako o sabihin na nating seloso.

Pero hindi yun naging madali, kasi di ba, napaka-mahiyain mo sa harap ng madla. 'Yun ang akala ko, kasi ang totoo, may kinatatakutan ka lang pala -- takot kang magkamali sa harap ng maraming tao. Pero sino ba namang hindi? Ilang beses mo ni-reject ang trabahong yun, pero sa huli, wala kang nagawa dahil pagbali-baliktarin man natin ang mundo, senior mo pa din ako. At isa pa, matuto kang gumalang sa mas nakagaganda. Aminado ka naman dun di ba. Lika nga dito, kiss kita, pampalubag loob...

This Gay's In Love With You, Karen!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon