Danilo Macaryo

5 0 0
                                    

Asyumerang frog ba ko kung sasabihin kong na-inlove ka din sa akin, Karen? Na kaya ganun ang inakto mo sa pagtatapat ko sa'yo dahil hindi mapaglagyan ang kilig na nararamdaman mo sa katawan mo. Ayyyyiiieee. Huwag ka na magdeny Karen. Kilalang-kilala kita.

Pagkatapos ng araw na 'yun, nabalitaan ko na lang na nagfile ng resignation si Elly. Alam ko na ang ibig sabihin nu'n. Binasted mo na siya. Kung bakit kinailangan pang magresign siya, hindi ko na alam ang dahilan sa kanya. Marahil ay 'di niya kaya na araw-araw makita ang babaeng bumasag sa puso niya.

Sinabi din sa akin ni Karen na nag-file siya ng 3 months na vacation leave. Nung una, akala ko nagbibiro siya kasi sino ba namang kumpanya ang merong 3 months na vacation leave? It turns out, meron nga ang kumpanya namin. At bakit ngayon ko lang nalaman? O, ano gusto niyo sa kumpanya namin? Apply na kayo.

Agad namang inaprubahan ni Karmi ang 3 month-vacation leave ni Karen, siguro may agenda din kasi siya na masosolo niya ako habang malayo sa akin ang babaeng mahal ko na nga. Ikaw 'yun Karen. Sabi mo, kailangan mo ang tatlong buwan na ito para mapag-isipan ang sagot sa ipinahayag ko sa'yo nung nakaraang araw. Wala naman ako nagawa kundi tanggapin ang pasya mo.

At dahil hindi ko kaya ang tatlong buwan na hindi ka manlang masilayan, hindi ba't once o twice a month pinupuntahan kita dun sa bahay niyo sa Bicol. Malugod naman akong tinatanggap ng pamilya niyo. Parang opisyal na rin akong nanliligaw. At alam mo bang tuwang-tuwa ang pamilya ko sa nangyayari sa love story natin.

Si Kuya Mart nga, pinuri ng pinuri ang Diyos dahil napagtanto ko daw na para sa babae ang mga lalaking katulad namin. At ngayon, naiintindihan ko naman siya sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko na siya kinokontra tulad ng dati.

Akong si Danilo Macaryo ay para lang kay Karen Dela Rosa. 

At eto na nga, bukas na ang napipintong pagbabalik ni Karen dito sa opisina. Bukas ko na din malalaman kung anong sagot ni Karen sa ipinahayag ko sa kanya, mahigit tatlong buwan na ang nakakaraan. 

"Gusto ko ako. Ikaw at ako. Tayo." Karen, anong sagot mo dito?

This Gay's In Love With You, Karen!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon