Pahabol Sulat ni Karen

9 1 0
                                    

Mahigit tatlong buwan na ang nakakalipas mula nung magtapat sa akin si Danilo. Hindi niyo alam, sobrang kilig ko nung ipinagtapat niya ang mga katagang "Gusto ko ako. Ikaw at ako. Tayo." Mabuti na lang at magaling ako magtago ng nararamdaman. Sa sobrang galing ko nga hindi niya namalayan na una na akong na-inlove sa kanya, bago pa man niya napagtanto na mahal na niya ako.

Oo, nuong mga unang araw pa lang ng pagsasabay namin kumain alam kong mamahalin ko na ang taong 'yun -- si Danilo o Donna pa nung mga panahon na 'yun. Mamahalin in a sense na bilang kaibigan. Pero habang tumatagal, napagtanto ko na higit na 'dun ang nararamdaman ko para sa kanya. Minamahal ko na ang lalaking kaharap ko kumain ng lunch sa loob ng mahigit dalawang taon.

Pero hindi ko yun ipinagtapat agad, babaeng Pilipina ata ako. Kahit pa tampulan na kami ng tukso sa opisina, walang karen Dela Rosa na magtatapat.

Ngunit ganun pa man, inilapit ko ang nadarama ko sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Ipinanalangin ko na kung mali ang nararamdaman kong pagmamahal kay Danilo ay ilayo na lang kami sa isa't isa. Kahit masakit, tatanggapin ko. At kung tama lang naman ang damdamin ko para sa kanya, si Danilo mismo ang magsasabi nito at hindi ako.

At naganap nga, mahigit tatlong buwan na ang nakakaraan, nagtapat na sa akin si Danilo. At napagisip-isip ko naman at napatunayan din niya na sincere siya sa nararamdaman niya parra sa akin. 

Kaya naman, bukas na bukas din, pagpasok ko sa opisina, umaga pa lang, sasabihin ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Na mahal na mahal ko sya higit sa kung sino mang lalaki sa mundo, syempre, pwera ang tatay ko. Pero mahal na mahal ko si Danilo, gaya ng pagmamahal niya sa akin.

Sino ba namang mag-aakala na ang isang binabae ay ma-iinlove sa isang katulad ko. Ang haba ng hair ko dun. At hindi ko papalampasin ang pagkakataong ibinigay kami ng Diyos para sa isa't isa.

This Gay's In Love With You, Karen!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon