...Chapter 2...

11 0 0
                                    

(Hindi ako makapaniwalang, Nandito ako sa mundo nang mga tao)

Gumalaw ako pero hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ang gaan gaan ko.. Tiningnan ko ang katawan ko at ganun nalang ang aking gulat na.. na.... Katawan nang Puting Paru-paro ang nakikita ko..

'Pano ako makakabalik sa Katawan ko kung ganito ang lagay ko? Hindi ko pa alam kong paano makontrol ang kapangyarihan ko. At hinding hindi ako makapaniwalang may kapangyarihan na ako at lalo nang nandito ako sa mundo nang mga tao' Sabi ko sa isip ko..

Ilang sandali lamang ay may narinig akong boses na nanggaling sa isip ko..

'Subukan mong isipin na isa kang tao at mahahanap mo ang sagut sa iyong katanungan'

Ewan ko kung pano nangyari yun pero sinubukan kong gawin..
Sinubukan ko munang tumayo--este lumipad.. nahihirapan ako at nang nakalipad na ako nang maliit ay inisip ko nang isa akong tao..Nagulat nalang ako na naging tao ang anyo ko.. Nakasuot ako nang isang malinis na puting damit..Hindi ako makapaniwala.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nagsimula nang maglakad patungo sa kung saang may naririnig akong maingay..Hindi ko alam pero pagdating ko sa parte nang maraming tao ay pinagtitinginan nila ako mula ulo hanggang paa..

'Sino yan?'

'Taga dito bayan??''

'San yan nanggaling? Bago siya dito ah?'

Naririnig at nababasa ko ang kanilang mga uniisip at hindi ko nalang sila pinansin at patuloy nalang naglakad kahit hindi ko alam kung saan ako papunta.. Naglakad ako ng nang lakad hanggang sa........

"Huuyyyy!!! Bata umalis ka dyan baka-- sjlbjggsdwjwkfbwjbsjqkrkdh" may sumigaw sakin galing sa malayo pero hindi ko narinig ang ibang sinasabi niya dahil may sumigaw ulit.. Patuloy lang sila sa pagsigaw sakin habang ako nakatayo lang dito, tinanaw ko ang dalawang dilaw na umiilaw palapit sa akin..Tinitigan ko lang ito hanggang sa malapit na sa akin..

Bigla akong nakaramdam nang sakit ng bumangga ito sa akin bahagya akong tumilapon at naramdamang ang sakit sakit ng katawan ko.. Bigla akong nahilo..

"Dalhin siya sa hospital!"

"Nakuuu!! anu ba yan??"

Naririnig kong sigaw nila,hindi ko alam kong anung nangyayari.. Lumabo ang aking paningin nang may biglang bumuhat sa akin at dun ako nawalan nang malay..

........

"Lola" mahinang sambit ko nang makita ko siya..

"Mag-ingat ka apo ko. Nasayo na ang kapangyarihan mo kaya ingatan mo ito
..  Nakakabasa ka ng isip ng tao.. Pero hindi mo mababasa ito kung nasakanya ang nawawalang parte nito" may ipinakita siyang mga basag na kulay pula.. Pareho niyong sa kapatid ko..

Pumikit ako  at huminga ng malalim..
Pag dilat ko nawala na si lola sa paningin ko hanggang sa dumilim ang paligid..

.........

"TIT TIT TIT TIT TIT"

Yan lang ang naririnig ko habang nakapikit ako.. Gising na ang aking diwa pero tulog pa ang aking katawan.. Ginalaw ko ang aking mga daliri at dumilat...

Something, SomewhereWhere stories live. Discover now