"Shanaih"
May narinig akong boses na mahinhin at malambot sa likod kaya agad ko itong nilingon..
Nagtaka ako dahil wala akong nakikita kundi kadiliman.
"Shanaih"
Sa gilid naman ako napatingin dahil doon nanaman nanggaling yung boses. At sigurado akong boses yun ng kapatid ko..
'Shannon'
Tinawag ko sya pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.. Nilibot ko ulit yung paningin ko, sinusubukang hanapin sila sa dilim.
"Ate"
Boses naman ni Shaimah yung narinig ko, maliit ang boses nya at may halong pagka lungkot..Nilingon ko ulit kung saan iyon galing pero ganun parin..
Hindi ko maintindihan.
Napapikit ako ng bumuntong hininga alam kong panaginip ito..Dahan dahan kong Minulat ko ang aking mga mata at nakita si lola na naka-upo sa damuhan nang nakapikit..
Nag-iba na yung paligid, punong-puno ito ng mga rosas. Naalala ko ang lugar nato, ito ang Garchan. Nilapitan ko si lola pero may kung anong humaharang sa akin. Di ko sya malapitan.. Anung nangyayari?
Iba ang aking nararamdaman...
"Huy! Kain ka na. Kanina ka pa tulala jan" nahipo yung paningin ko sa dalawang kumakaing tao. Si lolo at si Gil..
Teka, anung nangyari? Kanina lang nananaginip ako tapos ngayon naka-upo na ako dito sa harap ng lamesa? Tinignan ko yung sout ko.. Naka uniporme ako!
"A-anong oras na ba?" napatigil si Gil sa pag-nguya at tinignan ako.
"Alas-syete na, malelate na tayo kaya dalian mo na dyan. Anu bang nangyari sayo? Na amnesia kaba sandali?"
Di ko nalang siya pinansin at kumain nalang.. Umak-yat ako para kunin si Jelleebeee..
"Uy, iiwan mo yan, di daw yan pwede sa classroom dahil istorbo daw yung size nyan, sabi ni maam"
Agad na sabi ni Gil pagkababa ko nagsusuot siya ng sapatos. Aangal sana ako pero agad na syang nagsalita.
"Wala kang magagawa kundi iwan yan, diba sabi ko sayo mag bi-bike na tayo simula ngayon?"
Teka, may sinabi ba sya? Di ko na na-alala. Peri nung nabanggit nya yung BIKE may kung anong saya akong nadarama.. Di ko nalang muna iniisip yung nangyari sa panaginip, panaginip ba iyon og malisya lang ng isip ko?? Psh.
Paglabas namin ng bahay, agad kong nakita ang kulay Pink na bisekleta. Alam kong akin iyon dahil Nagustuhan ko ito. Nyahahhaha. Natawa nalang ako.. Balak kung iwan si Gil at mauna na sa Paaralan.. Tutal may sarili na akong Bike. YES! iiiwan ko sya. Bwahahaha.
Agad ko itong nilapitan at sumakay at humawak sa manibela nung bike? Pinatong ko yung mga paa ko sa pedalan at inikot-ikot ito..
"Aarrgghh" Kanina ko pa ito pinapa-ikot pero di parin Gumagalaw, nangangawit na tuloy yung dalawang paa ko. Naiinis narin ako dahil sayang lang yung pagsisikap kung ikot ikotin tung pedal nang bike at sayang lang pala yung pera nila pangbili nitong bike eh sira naman pala. Lang'ya.l!
Tinignan ko si Gil na nakatingin rin pala sa akin habang nakasakay sa kanyang kulay itim na bike nakatukod yung isang paa niya sa lupa habang yung isa naman sa pedal.
"Ano ba tong bike ko! Bakit Sira? Akala ko pa naman bago! Nangangwit na tuloy yung paa ko sa pag-ikot nitong ano!" bulyaw ko sa kanya habang siya ay.. Tumawa??!! Arrgh nainis tuloy lalo ako.
YOU ARE READING
Something, Somewhere
خيال (فانتازيا)Promise me you'll always smile=) ____Something Somewhere____ --- Yan lang muna guys kahit maliit yang story description ko marami yang kababalaghan at malalalim na meaning..Sa prologue na yung iba okie??Yan lang kasi muna kasi naiisip ng puso--este...