0 : That Night (3rd Person)
Malakas ang pagpatak ng ulan sa bubong ng bahay ng pamilya.
Sa loob, magara at mamahaling mga gamit ang bubungad sa paningin. Maganda tignan ang bahay, at mukhang mayayaman ang nakatira dito.
"Ingatan mo ito," sabi ng isang magandang babae na animoʼy manika ang itsura, "Kakailanganin mo ang bagay na iyan pag laon ng panahon."
Kinuha niya ang kamay ni Ryn, isang batang babae na papasok pa lamang sa isang panibagong mundo, at may isinaloob dito.
Ngumiti si Ryn, at tinignan ng isa-isa ang naninirahan sa kanilang bahay. "Salamat sa tulong niyong lahat. Hindi ko aaksayahin ang pagkakataong ito."
Pagtapos na pagtapos ng kanyang pasasalamat ay naglaho ang kanyang katawan ng parang bula, at ang natira na lamang ay ang marka ng kanyang mahika.
...
"Ryn... Mag-ingat ka. Hindi magiging madali ang pamumuhay mo sa eskwelahang iyon. Magiging madugo ang paglalaban." Ani ng babae na nawalan na ng ngiti sa kanyang mukha.
Isang mundo kung saan walang normal na tao.
Isang mundo kung saan walang tao na walang tinatagong sikreto.
Isang mundo kung saan lahat ng pangyayari ay plinano at hindi nangyari dahil sa destiny.
Isang mundo kung saan kaakibat ng kasiyahan ang dugo at kamatayanh.
Isang mundo... kung saan walang makakatakas.
~Vier_Ragazze, 2018
BINABASA MO ANG
Behind The Shadows of Light
FantasyShe was anything but a weakling. She was the best of the best. She was strong. But she was never meant to join the fray.