Chapter Two

45 2 0
                                    

II: First Day of Classes

Naalimpungatan ako ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.

Napabalikwas ako sa higaan ko nang maalala ko na ngayon na pala ang simula ng klase.Unang araw ng klase kaya naman hindi ako pwedeng malate.Magiging bad impression yon sa kanila at di ko pwedeng hayaan yon.

Tumingin ako sa orasan, at nakitang malapit nang magsimula ang klase, kaya naman nagmadali na ako.

Masama ang ganitong paraan ng pagsisimula ng klase, pero kampante naman ako na hindi ako malalate, kasi mabilis lang naman akong kumilos.

Kahit wag na muna akong kumain, bastaʼt makapag toothbrush at makaligo lang ako.

Napahimbing siguro ako ng tulog dahil sa pagod sa paglilibot ko kahapon.

Hay buhay!

Nakita ko ang isang pares ng uniporme sa may sofa sa sala na sa tingin ko ay sa akin dahil may pangalan ko ito sa ibabaw.

Ito siguro ang sinabi ni Ate Leah na ipapadala nya sa dorm... Maganda yung disenyo ng uniform. Kulay white and blue ang pantaas, at checkered na gray and blue naman ang pambaba.

Pa v-neck na may maimis colar ang sa may parte ng dibdib, na susuotan ng sando, at long sleeved ito.

May chest pocket, may dalawang bulsa sa babang kanan at kaliwa ng uniporme, at skirt ay mahaba na may kasabang mahabang socks.

Kinuha ko na ang mga damit at pumasok na sa banyo para maligo nang mabilisan.

Naging tama ang hinala ko, at hindi naman ako kinapos sa oras. Naayos ko pa ang aking bag ngayon ngayon lang din.

Gymnastics ang unang klase ko ngayon. Homeroom daw muna saglit, tapos dederetso na sa gymnasium.

Pumunta muna ako sa homeroom ko.

Hindi na ako nahirapang hanapin ito dahil nakita ko na ito nang nilibot ko ang eskwelahan kahapon, ngunit madami akong nakasalubong na mga estudyanteng nagmamadali din.

Hindi na rin ako nagmadali dahil naging maaga ang aking paghahanda.

Nang makarating na ako sa harap ng pintuan ng classroom ay hindi muna agad ako pumasok at nanatili muna sa harap ng pintuan. Nagdalawang isip pa ako kung papasok na ako o kung hindi.

Medyo nagtagal pa ako sa harapan ng pintuan.

Nabalot ako ng kaba, at nanlamig ang aking kamay. Hindi ko dapat nararamdaman ang mga gantong emosyon pero...

"Ano ang kailangan mo?"

Nagulat na lang ako nang may malalim na boses ang biglang nagsalita sa likuran ko, kaya napapitlag ako.

Nang ako'y lumingon, nakita ko ang isang lalaki na purong itim ang suot.

Napaka tangkad nya, kaya kinailangan ko nang tumingala upang subukang makita ang kanyang mukha.

Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha nya, dahil sa mahaba nyang bangs na tumatakip sa kanyang mukha. Dinagdagan pa ito ng itim nyang hoodie.

"Ano ang kailangan mo?" Paguulit nya sa tanong nya sa akin, kaya naman napabalik ako sa aking diwa.

"Ah... Bago akong estudyante, at dito ang homeroom ko." Malinaw kong pagkakasabi.

Behind The Shadows of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon