Three
III. President
Ryn's POV
Kasama ko ngayon Si Verra Sa Cafeteria habang kumakain Ng Sandwich at umiinom Ng Lemon Juice for breakfast. Nalaman niya kasi na hindi ako kumain ng almusal nitong nakaraang dalawang araw kaya naman napag-desisyonan niyang samahan ako sa pagkain since hindi daw nakapag-luto si Alexine---yung pinsan niya na dorm mate namin ng breakfast.
Si Alexine daw kasi lagi ang nagluluto ng mga pagkain noong sila ay highschool kaya naman nasanay na siya na pinagluluto ni Alexine. Itlog lang daw at Hotdog ang kaya niyang iprito at madalas daw ay laging sunog ang mga ito.
"Pasensya na Ryn ah? Hindi kita nasamahan nitong Lunes at Martes," natatawang saad niya sa akin.
Mabilis kasing lumipas ang araw at ngayon ay Miyerkules na ngayon. Parang hindi ko na din maalala ang mga nangyari nitong lumipas dalawang araw. Parang kahapon ko lang linibot ang buong Academia para suriin ang lugar nang hindi ako masyadong maligaw.
"Ayos lang, hindi mo naman ako kailangang samahan," nakangiting tugon ko sa kanya at kumagat ng tinapay na aking hinahawakan sa kanang kamay. Bahagya siyang ngumiti sa akin at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Tara na, apat na minuto na lang at magbebell na. Sa Homeroom daw muna at may iaanounce lang sandali," nakangiting aya niya sa akin at tumayo. Mabilis ko naman inubos ang iniinom kong Lemon juice at sumunod sa kanya.
Nakakahiya naman kung pag-hintayin ko siya.
Habang naglalakad, napansin kong nagsisitabihan ang mga estudyante sa daraan namin---sa daraanan niya.
Bakit niya? Dahil tatlong beses na akong nabunggo sa poste na ayaw tumabi.
Napapatawa nalang ang ibang nakakakita sa akin pero hinayaan ko na lang sila. Ilang bulungan din ang naririnig ko mula sa mga estudyante gaya nang...
"Bakit niya kasama si Ms. Verra?"
"Diba siya yung Newbie?"
"Ano ka ba!? Balita ko eh Dorm mates sila,"
"Mabait lang talaga si Ms. Verra,"
Napatingin ako kay Verra nang marinig ang mga bulong na iyon. Ms. Verra? Mataas ba ang posisyon niya sa Academia? Sino ba siya? Big Deal ba kapag nakasama siya? Bakit ba---"Araay!" napaupo ako sa sahig ng mabangga ko ang kung sino man.
Alam kong likod yun at kasing tigas ng bakal yun!
"Watch your steps, Ms." ngingisi-ngisi niyang sabi sa akin at bumalik sa pakikipag-usap doon sa kung sino mang kausap niya.
"Krucx!" Sigaw ni Verra sa pangalan niya.
Hindi siya pinansin ni Krucx at nagtulo-tuloy sa pakikipag-usap sa kung sino man.
"Ayos ka lang ba Ryn?" tanong ni Verra habang tinutulungan akong tumayo.
"Ayos lang ako, salamat pala sa pagtulong sa akin dito sa pagtayo," ngiting tugon ko kay Verra habang pinapagpagan ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
Behind The Shadows of Light
FantasyShe was anything but a weakling. She was the best of the best. She was strong. But she was never meant to join the fray.